Episode 12

16 0 0
                                    

Flynn's POV

Nasaan na ba siya? Gusto ko lang mag sorry sa kanya dahil suplado ako. Alam ko nasaktan siya!

May pumasok na babae... Si Constania, kaibigan ni Gillian

"Hello Shaye!"

"Hey Flynn! Nakita mo b--" May ingay sa mesa. Boses ng isang babae.

"Aray! Bakit ba kasi ang liit ng mesa na 'to? Masyadong masikip! Nauntog ko tuloy yung ulo ko!" Si Gilly!

^_^ ^_^ ^_^ Lumabas na siya!

"Gillian!" -Ako

"Wazzup Gillers?" - Constania

"Anong ginagawa niyo dito?" pagtataray niya.

"Gusto ko lang sabihin sa'yo na dadating na yung teacher natin kaya bumalik ka na sa classroom." -Shaye

"Ikaw, Flynn?"

"Hinahanap kita, may sasabihin sana ako."

"Mamaya na dismissal."

----------------

Gillian's POV

Habang naghihintay sa kanya tumingin-tingin ako sa

kapaligiran kung nandito siya...

(A minute later...)

Sa wakas nandito na si Flynn pero may kasamang babae... Leech! Kung kailan kailangan ko siya, hindi ko na siya makausap! Hindi ba siya nakakaintindi ng PRIVATELY?

Ako at si Flynn lang? Nakakadisturbo yang mga fangirls niya! Mga clingy!

"Gillian!" Wala akong narinig! Nanananananananananananana!

Lumayo este tumakbo ako! Rinig ko pa rin ang tawag niya!

Tama ako. Mga LEECH talaga ang mga fangirls niya.

May biglang sumigaw...

"HOY IKAW! Huwag mong lalapitan si Gillian!" Kuya! ^---^

"Stefan?" -Flynn

"Ako nga. Simula ngayon, layuan mo SIYA."

"At bakit ko naman gagawin 'yun?" Aba! Possessive 'to ah!

Feeling ko naghahamon silang dalawa ng away.

"Sinaktan mo ang damdamin ng mabait kong kapatid."

"Flynn? Who's he?" Isa pa to oh! Pa english-english pa.

"Leave us alone now!" sabi niya sa fangirl.

"Okay." Lumakad na siya malayo at iniwan kami.

"Stefan, hindi ko akalaing sinaktan ko pala ang damdamin niya. Sorry."

"Huli na ang lahat." Tumalikod siya at bigla niya sinipa si

Flynn sa may tiyan.

Nahulog si Flynn at napangiwi sa sakit.

"Uwi na tayo, Gillian!" Hinila niya ako malayo sa kanya

(BAHAY NG MGA WALKERS, Kwarto ni Stefan)

Hindi ako pinansin ni Stefan halatang galit siya...

Ngayon ko lang siya nakita galit na galit.

"Ang tigas ng ulo mo! Kailangan ko ba talaga uulit-ulitin?

na huwag kang lumapit kay Flynn?" Hindi ko siya sinagot

baka mas lalo lang siya magalit... Sorry Kuya! Lumabas na ako sa kwarto niya.

Best Buds? (Pardon Me, My Dear Friends)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon