REESE'S POV
"Bro! Kamusta na??" Sabi ni Jaz sakin habang nagfistbump kaming tatlo.
"Balita ko pumunta kang probinya nung bakasyon huh? May magagandang chicks ka bang nakita dun?" Sabi naman ni CJ sakin.
"Yeah. Bakasyon lang. Pinasama kasi ako ng mga magulang ko eh."
"Naks naman! Haha. Sa susunod kasi sama na kami!" Sabay suntok ni CJ sa braso ko.
"Loko! Edi ubos pera namin nun!"
"Ok lang yan! Iba nga dyan walang makain. Bwahahaha!"
"Konek pre!? Hahaha!"
Nga pala, di pako nagpapakilala. Ako pala si Reese Gabriel Martinez. Isang simpleng mamamayan sa Pilipinas.
Di kami mayaman, at di rin kami mahirap. Sakto lang kami.
Mahinhin akong tao. Hindi ako mahilig sa mga mararaming tao. I prefer to be alone, well mostly.
I'm a 4th year high school student.
At ang dalawa kong kasama naman ay sina CJ at Jaz. Dalawang best friend ko. Since elementary pa kami magkakabarkada. Si CJ ang pinakalokoloko saming tatlo. Si Jaz naman mahiyain. Pero kapag magsalita yan, matalinghaga yan o joke lang.
Tama na introductions. Balik na tayo sa istorya.
~*°*~
Nakaupo lang kami habang nag.uusap kaming tatlo. Sila lang naman close ko. Wala ng iba.
Biglang dumating ang teacher namin kaya nagsibalikan kami ng mga upuuan.
"Good morning class! Today we have an announcement, yung ibang students dito at sa kasunod nitong section which is section 2 ay magpapalit. Dahil nagkapalit-palit yung mga students dito at sa kabilang section. Kaya sorry lang."
"Ahhwwww!" Reklamo ng mga ibang classmates ko.
"Wag kayong mag-alala, tatlo lang yung malilipat dun at dito. So let's start. Martin Lopez, Angelica Caratay, and Mark John Sobrevega."
Yung mga ibang classmates ko nag.babaye na sa kanina habang papalabas na sila sa room.
"Para namang hndi sila magkikita-kita eh." Bulong ko kay Jaz.
"Ganun talaga. Magkikita-kita nga sila pagkatapos nito. Pero iba yung feeling kapag kasama mo lagi. Sanay kana kasi sa presence nila eh."
Yan nanaman siya sa matatalinghaga na yan..
"Ok pre gets kita. Pero wag naman yung OA tulad yung yun."
Tinuro ko yung babaeng umiiyak dahil sa paglipant ng section ng best friend niya.
"..."
Ok. Di na niya ko kinausap.
Nakinig nalang ako kay sir kung sinu-sino na ang papalit dito.
"Ito naman yung mga pumalit sa kanila."
Agad namang pumasok ang isang babae at dalawang lalaki na papalit sa tatlong classmates ko.
Napatitig ako sa babae na dumating. Ang ganda niya. Ayokong tanggalin mga mata ko sa kanya. Parang nakakaadik siyang tingnan.
Shete anong nanyayari sakin?!
"Magpakilala na kayong tatlo." Sabi ni sir sa kanila.
"Ako po ay si Jenny Rose Dalosa." Nagbow naman siya pagkatapos niyang magpakilala.
"Ako ay si Christopher Gonzales." Sabay may pogi sign pang nalalaman.
Weird..
"At ako nman po ay si Matthew Domingo."
"Ok students please take your seats at the vacant chairs."
Sakto na may bakante sa harap ko.
Sana umupo dito yung Jenny Rose na yun.
Umupo siya sa may likod ko at ang umupo naman sa harap ko ay yung GGSS na lalaki. Tsk.
At least ok na yan na nasa likod ko siya. Magkatabi pa rin kami. Hihihi.
"So class tutal ayos na yung problema, I'll group you into 5 for your presentation for next month which is a short movie. Kayo nalang bahala kung ano ang topic."
"Bukas ko sasabihin mga groupings kaya as of now let's discuss our topic for today."
Habang nag.didisscuss si sir parang gusto kong matulog. Nakaka-antok kasi mga turo niya. Hanggang sa nakatulog nako...
~*°*~
To be continued..