PART 6: GIRL

64 3 2
                                    


Dearest Stranger (na wala pang pangalan sa ngayon.. )


Ok ok..sorry naman pwede? So sasagutin ko muna ang tanong mo.. Anong meron sa school na to? This school is a mess! Galit ako sa mga rules ng school na ito at sa ideya nila. Yung tipong hindi pwedeng lumabas ang estudyante sa school unless it's summer. Yung mga special treatment sa mayayamang student, yung pagiging unfair nila dahil lang sa mapera yung iba! I hate it! I really hate it! Bakit dito ako pumasok? Pinadala ako ng tito ko dito (tito ko na hindi ko pa namemeet in my whole life) scholar lang ako kaya ako nakapasok dito and music is my passion kaya nung nalaman ko na music ang magiging forte ko kapag pumasok ako dito, pumayag na din ako and although nandun yung fact na kahit ang highlight talaga ng school na ito ay para sa talent ng mga estudyante, hindi ko pa din mapigilang hindi mainis na writers ang priority nila. Next question? Yung kontrabida sa buhay ko? Si Kielly Crowder, half American, quarter Filipino at quarter British. Palibhasa eh mayaman at taga dito sa britanya ang kamag-anak kaya siya lagi ang kinakampihan kahit siya naman ang may ginagawang masama sa akin. Hindi ko alam kung anong nagawa ko sa kanya at ako lagi ang nakikita niya?? Paano na lang kapag nalaman niya na nasa iisang floor kami ng prince charming niya na si Carlos at ang dalawa pang pinagkakaguluhan ng lahat na si Ash at Aisle. Gulat ka noh? Secret lang natin to ha? DISTRICT 3 ako (obviously) dahil lahat ng nasa district 3 ay mga pinoy. Oo nga noh? Dapat hindi na kita tinanong kung anong district ka dahil district 3 ka din! Anyways back to the topic. So ayun, secret lang natin na kasama ko yung tatlong prince ng District 3 sa isang floor ha? Yup! Magkakasama kami. Since apat lang naman ang room sa isang floor (Floor 12-B ako), ako ang pinakamalas na babae kasi ako yung nakasama nila. Nililihim kasi nila na dun din sila sa floor na yun eh. Dahil nga sa may tatlong Dorm ang district 3, dun ako nabibilang sa mixed building kung saan magkasama ang lalaki at babae. Ang alam nung ibang girls nasa boys building ang mga Prince nila kaya safe pa din yung tatlo unless sasabihin ko at ipagkakalat ko(kung ayaw ko na masira din ang sarili kong buhay)..how about you?


Sagutin mo na din yung mga previous questions ko ha! Anyways..


Ako si Irish Gail San Jose. Gail for short, nice to meet you Mr?.


P.S. bakit lagi ka na lang nanggagaya ng lugar TT^TT umuulan sa labas. So sa loob na muna ng cafeteria ko ito kukunin within the 5 days from now.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 27, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

STRANGER'S NOTEBOOK OF SPRING (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon