Him

61 4 0
                                    

Nung nakipag shake hands ako kay Red normal lng naman pero nung ky Benj na, parang may ground, kaya bigla ko nalang nabitawan yung kamay nya, hindi niya naman siguro napansin yun "nice meeting you both" ang sabi ko. "can we join you guys?" tanong ni Red. "sure" sagot naman agad ng malanding Athens na to kaya wala na kaming nagawa.

Habang lumalalim ang gabi nakakaramdam na din ako ng pagkahilo habang sila, ayon sumasayaw sa dancefloor kasama si Red, Si Benj daw kasi wala naman tlgang hilig sa ganito, naaya lng ni Red wala daw siyang magawa kaya sumama nalang.

Habang nagsasayawan silang apat at kame ni Benj ay nasa Bar counter lang nagsimula na siyang magtanong, siguro dahil na din sa kalasingan kaya malakas na ang loob magsalita. "Alam mo, Lehm matagal na kita nakikita sa campus eh, ang active mo kasi sa mga school activity" ang sabi nya, "ah oo kaylangan kasi eh, ayoko bumaba ang grades ko baka hindi ako matanggap nila papa na ganito ko kaya kaylangan bumawi sa grades, yun kasi ang usapan namin ni papa" -ako "ah kaya pala ang active mo" -benj
"alam mo parang pamilyar ka, kilala mo ba si Marckie ? yung gay na maliit ? " tanong ko sakanya "ah oo yung cheerleader ? " sabi niya "oo yun nga, sabi na eh, ikaw yung napapabalitang boyfriend niya" -ako "hindi naman tlaga kame, basta malalaman mo rin." ang sagot niya, maya maya ay lumapit na samin ang mga kasama namin kaya naman hindi na ulit kame nakapag usap hangganga magkayayaan na ngang umuwi dahil alas 12 n din ng gabi at may pasok pa kinabukasan.
pero buong gabi na yun bago matulog ay hindi na maalis sa isip ko si Benj.

Lehm POV
-Sa school -

Papasok palang ako ng gate ay nakita ko na agad sina Marckie at Benj na magkasama at parang may hindi ako magandang naramdaman sa sarili ko, parang amg weird lang talaga eh di ko alam kung ano to, hanggang mawala na sila sa paningin ko kaya pumasok na din ako, sa buong klase ko hindi ako nakapag concentrate sa kakaisip ng kung ano ba yung nafeel ko na yon nung nakita ko sila. kaya naman after class wala ako sa mood n makipag usap sa mga kaibigan ko. "hoy Lehm ano eksena mo? kanina ka pa ganyan ah ? problema mo ? tanong sakin ni Athens "wala may hang over parin kasi ko" pagdadahilan ko nalang " sige una na ko gusto ko magpahinga ng mawala to" ang agad ko ding sabi, baka kasi mag aya nanaman ang mga to sa mall.  Habang pauwe ay hindi parin maalis sa isip ko ang  dalawang yun, nagulat nalang ako ng may tumawag sa pangalan ko pag sakay ng Jeep "Lehm ! pauwi ka na din ba ? sabay na tayo tutal isang way lang naman tayo" ang sabi ni Benj "ah sige, saan kaba umuuwi ? " ang tanong ko, "dun lang din sa may subdivision niyo hehehe malapit lang ang bahay namen sa bahay nyo, walking distance lang" ang naka ngiti niyang sabi, "ah" nalang ang nasabi ko.

A/N : pasensya na sa flow ng story ko, first time ko lng kasi talga to, pls wag na ang negative comment and pls suggest a scene if you want .. salamat .. comment nadin and vote

Nobody knows (a gay story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon