Weird Feeling

9 0 0
                                    

Lehm POV

Pagbaba namin ng jeep ay naglakad na kami papasok ng subdivision, magkaiba yung way namen, yung bahay kasi nila sa kabilang dulo pa pero hinatid niya muna ko samin ayoko nga eh pero nagpumilit siya kaya wala na kong nagawa. Pagdating sa gate ng bahay namin "Ui Benj, salamat ha, napalayo ka pa tuloy" - Lehm
"Ok lang kesa naman hayaan kitang umuwi mag-isa, eh nagkasabay naman na din tayo sa jeep kaya nilubos-lubos ko na" ang sabi niya ng nakangiti. Mejo kinilig ako dun ng konte pero syempre di ko dapat ipakita kasi ayoko naman isipin niya na malandi ako (mejo lang), at ayun nga nagpaalam na siya na uuwi na at pumasok na ko sa loob ng bahay.
"Sino yung naghatid sayo?" tanong ni kuya sakin "Si Benj yun kuya yung barkada mo, nagkasabay lang kami sa jeep kanina kaya hinatid na ko dito" ang sagot ko sa kanya, "Baka iba na yan Lehm ha, naku ka baka magalit sayo yung Jowa nun na si Marckie" - kuya, "Bat naman siya magagalit nagsabay lang naman kami pauwe kuya, saka sabi ni Benj hindi naman daw talga sila" ang sabi ko sakanya at umakyat na ko sa kwarto ko, nagpalit ng damit at bumaba na ulit para kumain ng hapunan. Pagkatapos kumain ay umakyat na ulit ako para magpahinga na.

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Maaga kong nagising dahil maaga din akong nakatulog kagabi. Nag ayos na ko ng sarili para sa pagpasok ko, and for the first time ang aga kong papasok ngayon sa hindi ko alam na dahilan, parang sobrang excited ako,hindi ko alam kung dahil ba sa pagkakasabay namen kahapon ni Benj. "Ang aga mo ah ?" pagbungad sakin ni kuya pag baba ko "Aga ko kasi nakatulog kagbi kuya, kaya maaga din ako nagising" ang sagot ko naman, "Ah, yun lang ba o excited ka lang makita si ano..." -kuya
di agad ako nakasagot sa sinabi ni kuya kasi kahit hindi niya banggitin yung pangalan eh alam ko naman kung sino yung tinutukoy niya, at di ko alam kung bakit siya din agad yung naisip ko.
Nagpaalam na ko kay kuya para pumasok.

Pagdating ko sa gate ng school ay nakita ko nanaman sila Benj at Marckie na magkasama, kaya nag iba nanaman yung mood ko, pero this time pinansin ako ni Benj ng napalingon siya sakin "Ui Lehm aga mo ata?" - benj "Oo nga eh napaaga ko ng gising" -ako "kung alam ko lang na maaga kadin, sana dinaanan na kita sa inyo para sabay na tayong pumasok"-benj
napalingon ako kay Marckie sa sinabing yun ni Benj at nagulat ako na inirapan ako nito na dinedma ko nalang "Babe tara na malelate na tayo" ang masungit na pag aya ni Marckie kay Benj, "Lehm, pasok na kame, kita nalang tayo mamayang uwian, sabay na tayo umuwi" -benj, kaya imbes na mainis ako kay Marckie ay natuwa naman ako sa sinabi ni Benj. Teka bat nga ba ko natutuwa sa kanya ? di kaya ... hay nako wag naman sana, di pa ko ready sa panibagong pag-ibig.
Kagaya kahapon di nanaman ako makapag concentrate sa klase, iniisip ko kasi na sana mag uwian na para makasabay ko si Benj pag uwi.
Sa haba ng oras ng paghihintay ay sawakas uwian na. Nagmamadali akong lumabas ng classroom at ng school, dumeretso ko sa waiting shed sa sakayan jeep, halos 30 mins. ako naghintay at ayun dumating na yung hinihintay ko, babatiin ko n sana siya ng bigla kong nakita si Marckie na nasa likod niya at biglang umangkla sa braso niya pagkakita nito sakin. nalaman ko na sa subdivision din pala namin siya nakatira at magkapit-bahay lang sila, kaya pala sabay sila lage pumasok at umuwi. Ayun sabay sabay na kaming sumakay ng jeep, magkatabi sila at nasa harapan nila ko, nagkakatinginan kami ni Benj habang naka sandal ang ulo ni Marckie sa balikat niya. Pagdating namin sa subd. namin ay naghiwalay na kme at sabay silang naglakad sa kabilang daan. Eto nanaman yung weird feeling ko nakakainis.

A/N: sorry guys sobrang late UD kasi wala kasing pumapasok saisip ko eh, maxado kasi kong stressed sa buhay hahaha ..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 24, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Nobody knows (a gay story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon