(10) Finally Out of Orillon

17 2 0
                                    


Chapter 10



Finally Out of  Orillon


____________

Sophie's POV


"Ikaw si Trent?!"

Kaya pala parang familiar ang boses nya sa'kin

"Oo bakit?"

"Trent, naaalala mo ako? Ako si Sophie!"

"Sophie? Hmm..Sorry, wala akong kilalang Sophie. Tsaka akala ko ba Fia ang pangalan mo"

Di nya ba ako naalala? Baka may short term memory sya

"Ikaw yung nakilala ko sa gubat kahapon este kanina lang. Remember? Nung akala ko nga eh isa kang vampire"

"Ikaw yun? Eh pano ko malalaman eh ayaw mo ngang sabihin sa'kin ang pangalan mo eh"

Ai oo nga pala. Kaya pala di nya ako nakilala dahil hindi ko sinabi ang pangalan ko. 

"Pero paano ka nakapunta dito? Diba tao ka?"

"Kaya nga kaylangan naming kausapin ang hari eh. To get his permission daw"

"Sige, sumama na kayo sa'kin" tinignan nya kaming dalawa na parang ang lalim ng iniisip nya. Kami ata ang unang tao na nakapunta dito


***


Pagpasok namin ng napakalaking double wooden doors.  Grabeh! Ang ganda.  Hindi 'to katulad sa nakikita ko sa TV.  Ang tigas ng floor na gawa sa marble.  May mga magagandang paintings na naka hang sa mga walls.  May set of double staircases, one on the left tapos one on the right.  May mga flowers at vines na nakasabit sa railing ng staircase.  May anim na malalaking stone pillars na evenly spaced upang panatilihing makatayo and castle.  Sa kaliwa ko, may grand wooden door na papunta sa malaking library.  Sa kanan ko naman, may pintuang papunta sa  green house na may mga halaman na masyadong marami para bilangin.  I could tell parang bawat isang halaman ay from different places in the world.  Meron pang regular size na fountain sa gitna ng garden.  Hanep talaga! Parang nananaginip lang ako pero wag naman sana.


Sa pinaka harap naman,  may dalawang throne at isa sa kanila, nakaupo ang Hari na kausap yung dalawang lalaki na...Sina Alvin at si white haired?...Pero asan yung Queen?..Baka nag CR..


Nung umalis na yung dalawang lalaki, tinignan ako ng masama yung Alvin na yun.  Problema nun?


"Anong ipagaglilingkod ko sa inyo?" mukhang mabait naman pala ang hari


"Your highness, ito po sina Fia at si ..." 


"Rena" - Megz


Nagulat ako ng hindi nya binangit ang totoo kong pangalan.  Dibale, parang nickname ko naman yan eh.


"Hindi po sila taga dito, at sa totoo lang, mga tao po sila" nasuprise ang hari sa nalaman nya 

Camp Haven Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon