The Beginning

2.2K 92 34
                                    

My second Chanbaek chaptered story. Guys, I miss you. Let's make some bawi-bawi sa bakasyon ha? :D

The monster that you see
Is it a part of me?
I'm breaking down and shaking 'round in
This world so helplessly
But you just laugh and grin
Completely blind within

There's no point now, broken anyway
I try to stop my breath
Even knowing the truth won't unravel
Me until my death

Tokyo Ghoul Unravel


Tumatagtak ang pawis sa mukha ko papunta sa dibdib ko, hindi stable ang paghinga ko at kinakapos ako, kahit na ganito ako kabasa ng pawis, hindi parin ako nagtanggal ng t-shirt at dumiretso nalang sa gilid ng practice room para kunin ang malamig na tubig na nasa lapag.

Umupo ako, iniling ang ulo ko. Kasabay ng pagiling ko ay ang paglipad ng pawis ko paalis ng buhok ko, humugot ako ng hininga at uminom ng tubig.

Ito ang unang linggo ng pagiging trainee ko, noong nakaraang linggo kasi, kukuha sana ako ng entrance exams kaso may tumapik sa likod ko at inabutan ako ng calling card, sabi nya may potential daw ako maging idol at kung interesado ako ay tawagan ko lang daw sya at puntahan ang address na ibibigay nya para sa audition.

Medyo nagalinlangan ako.

Nagalin-langan dahil naririnig ko sa mga kaibigan ko na may kaibigan o relatives na trainee ay madalas daw napupunta sa wala lahat ng training at pagod. Hindi mo alam kung makaka-debut ka, hindi mo alam kung hanggang saan kang makakarating.

Kaso, naisip ko na matagal ko na ito hinintay. Pinagyayabang ko pa nga sa kaibigan ko na magiging idol ako balang araw, eto na 'yung pagkakataon. Papalagpasin pa ba?

"Baekhyun-ssi?" Tawag saakin ng malalim at garalgal na boses, napatigil ako sa paglunok ng tubig at tumayo kaagad upang puntahan ang tao na iyon sa harapan ng pintuan.

Yumuko ako upang respetuhin sya, "Mr. Soo.. ano pong kailangan nyo?" Kinakabahan, nagtataka kong tanong.

"Just checking you out, kid." Ngumiti saakin si Mr. Soo, isa sya sa mga vocal mentor ng SMENT. Grabe ang respeto sakanya ng mga trainee. At sa ngayon, ako ang binabantayan nya dahil daw kakaiba ang boses ko. "Also, we're planning to put you in a group."

Nanglaki ang mga mata ko, muntikan ko na mabitiwan ang bote na hawak ko. "Ano 'ho..? Kakasimula ko palang po..?"

Tumawa si Mr. Soo at hinawakan ang balikat ko, "Baekhyun, may kakaiba kang boses. Sa tingin ko nga, hindi mo na kailangan pang magtraining. Pwera nalang sa pagsayaw mo," Natawa na rin ako, my dancing skills sucks. Ansakit nga sa mata kapag nakikita nila akong sumayaw. Minsan kasi ginagawa kong laro.

"May ten members na ang grupo na iyon na balak namin i-debut next year. We'll still collecting two members. So.. are you in? Plus, you still have one year to train so why not right?" Assurement nya sakin, who could say no to that anyway?

Kahit na nanginginig ako sa tuwa at saya, niyakap ko si Mr. Soo ng mahigpit, naiiyak nga ako. Kahit na sabihin ng iba na napaka-baliw ko dahil niyayakap ko ang kapwa ko lalake, wala akong pake. Para kasi saakin, parang kuya ko na sya. Kaya comfortable ako.

"Alright, Baekhyun-ah." Mr. Soo chuckled, so do I. "Pack your things. You'll move in the dorm."

I nodded.

I shouldn't have agree on that.

I shouldn't have.

"1 week palang ang training mo at nakapasok ka na?" Tanong saakin ng lalakeng may malalaking mata, nasa kusina sya at sya palang ang gising sa sampu nyang mga kasama. Naghihiwa sya, naghahalo ng soup, naggigisa. Gusto ko sya tulungan dahil ang tindi ng multitasking nya pero hindi na ako nagbalak pa dahil nakakatakot 'yung mga tingin na ibinibigay nya sakin. Murderer ata 'to eh.

Five Months with Byun Baekhyun (Chanbaek/Baekyeol)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon