Chapter 1: Just run away

930 54 4
                                    

"1 hour break, guys!"

Sigh.

Salamat naman at makakapagpahinga na kami pagkatapos ng anim na oras na sunod-sunod na pagpra-practice. Kailangan eh, lalo na't ilang months nalang ay magde-debut kami.

Nginitian ko si Kyungsoo ng abutan nya ako ng tubig na nasa plastic bottle, umupo sya sa tabi ko sa lapag at sabay namin nilagok ang malamig na tubig na gumising sa tuyot naming lalamunan, ginising narin ng malamig na tabi na ito ang katawan ko na sobrang pagod na pagod na.

"Kyungsoo hyung, Baekhyun hyung," Tawag saamin ng boses na iyon mula sa likod, parehas kaming nagulat ni Kyungsoo sa biglaang pagsulpot ng boses na iyon dahil ang alam namin ay kami lang dalawa ang nasa espasyo kung saan kami nakaupo.

Nilingon namin iyon, awkward akong tumawa at si Kyungsoo naman ay sinamaan ng tingin si Sehun at dinuro ito gamit ang hintuturo nya, "Saan ka nanggaling?! Kanina ka pa ba dito?!"

Hindi nagbago ang blankong ekspresyon ni Sehun, "Nauna pa ako sainyo dito. Kanina pa ako nakaupo." Pagpapaliwanag nya, hindi kami makapaniwala ni Kyungsoo.

Saglit kami nagpalitan ng tingin ni Kyungsoo, halata sa mukha namin ang hindi paniniwala sa binitiwang salita ni Sehun. "S-Seryoso ka ba talaga, Sehun?" Tanong ko, medyo napapaos.

"Hyung," Madiin nyang tawag ngunit nakatingin sya saakin, "Hindi dapat kayo umiinom ng malamig na tubig. Nakakasama 'yan sa lalamunan nyo. Vocalists kayo." Plain na plain nyang pagpapayo na para bang naging mas matanda sya kaysa saamin.

Sang-ayon ako sa sinabi ni Sehun, pero kasi, ilang buwan narin ako hindi nakakatikim ng malamig na tubig kaya sabik na sabik ako sa paginom. Sure ako na ganoon rin ang nararamdaman ni Kyungsoo, kaya sya ang nagalok.

"Mabibigla yung lalamunan nyo yan." Gatong nya at bumuntong-hininga kami ni Kyungsoo ng makitang umiinom na si Sehun ng sobrang, napakalamig na tubig.

Hindi naglaon, dumating si Jongin sa tabi ni Sehun at inakbayan ito. "Ganyan talaga si Sehun, Baekhyun. Parang mushroom, hindi mo mapapansin na nandyan lang sa t tabi kasi ang liit-liit nya. Hahahaha!" Asar ni Jongin at ginulo-gulo ang buhok ni Sehun, hindi nagreact ang pinakabatang miyembro saamin at hinayaan si Jongin ang gustong gawin ng binata sakanya.

Sabagay, labinglimang taong gulang palang si Sehun. At sigurado ako na tatangkad na sya kapag natamaan na sya ng puberty. Tumawa nalang ako sa sinabi ni Jongin, tumingin ako kay Kyungsoo at nakita ko sya na nakatitig kay Jongin na may mapupungay na mga mata, mga mata na para bang sumisigaw ng pangungulila at kalungkutan. Pero, ano naman ang dapat maging dahilan upang titigan nya si Jongin ng ganito? Iba talaga 'yung tingin nya.

Sinira ko ang tingin ko kay Kyungsoo at nilipat kay Jongin na masayang nakikipag-kwentuhan kay Sehun, pinagyayabang ang lunch box na baon nya na ginawa daw ni Soo. Ewan ko kung malabo na ang paningin ko pero para bang nahagip ng mga mata ko ang pagkamula ng pisnge ni Kyungsoo sa tinawag sakanya ni Jongin.

At dahil naiilang na ako sa atmosphere na nakapaligid saaming apat, umubo ako ng pilit upang mapukaw ang atensyon nila. "Jongin, lagi ka bang ginagawan ng lunch box ni Kyungsoo?" Ngiti ko, nanigas si Kyungsoo sa tabi ko dahil sa katanungan ko.

Sobrang laki na ngumiti si Jongin at proud na proud na pinakita saakin ang bawat side dishes na niluto ni Kyungsoo para sakanya, "Oo naman! Hahaha! Hindi nakakalimutan ni Kyungsoo na ipagluto ako."

Lalong namula si Kyungsoo at narinig ko syang bumulong ng yan lang naman ang paraan para maappreciate mo ko at tumayo na sya. Nagpaalam sya na kailangan nya gamitin ang cr, pinanood ko sya maglakad palayo. Hindi ko namalayan na nakaakbay na pala saakin si Chanyeol.

Five Months with Byun Baekhyun (Chanbaek/Baekyeol)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon