Nagkakanda ugaga ako sa paggawa ng pancakes para sa limangㅡ apat na nagugutom sa dorm. Nakakalat silang lahat sa salas at naghihintay ng breakfast. Nag-insist kasi ako na ako nalang ang gagawa dahil nga sa nangyari kagabi, ayaw kumilos ni Kyungsoo at busy naman si Chanyeol sa pagwo-work out.
Pinunasan ko ang mukha ko na puno na ng pawis, huminga ako ng malalim ng mailagay na sa bawat pinggan ang pancake na ginawa ko. Dumiretso ako sa salas at ipinatong sa center table ang mga pinggan, salamat nalang kay Junmyeon hyung at hindi na ako nagpabalik-balik sa kusina dahil tinulungan nya ako at nagpasalamat, sorry daw sa abala. Ngumiti lang ako.
Nanonood sila ngayon ng anime ng maupo ako sa couch, katabi ko si Sehun na pokus na pokus sa pinapanood nya habang ngumunguya.
Nanood na rin ako, at syempre hindi ko maiwasan na magaalala kila Kyungsoo at Jongin.
"Hay," Inat ni Junmyeon. Naghikab rin sya at kumalumbaba. "Kyungsoo, kumain ka na at wag mo na alahanin si Jongin."
Kahit na hindi ako nakatingin kay Kyungsoo at ang atensyon ko ay nasa palabas, sa kaila-ilaliman ko, nakikinig ako sa usapan nila. Chismoso na kung chismoso, gusto ko lang talaga na magkaroon ng clue para tulungan na magkaayos yung dalawa.
"H-Huh? Wala akong pake sakanya." Tanggi ni Kyungsoo, lumungkot ang mata ko sa sinabi nya. "Saka, malaki na sya. Hindi na sya bata. Kaya nya na sarili nya, napaka-sensitive." Iritableng puna ni Kyungsoo sa ugali ni Jongin at hindi ko alam kung nagsasabi talaga sya ng totoo.
"Oh, Jongin?" Tawag ni Junmyeon, lumingon ako sa direksyon na iyon kung saan galing ang boses nya.
Nakatayo si Jongin sa pintuan, may hiwa sya sa noo at pasa sa pisnge. Itong oras na 'to, minata ko na si Kyungsoo at nakita ko ang paghigpit ng kamao nya. Tumayo sya at mabilis na tumungo sa kwarto nya at binalibag ang pintuan.
"Saan ka ba nanggaling, ha?" Tanong ni Junmyeon, tumayo sya at inalalayan si Jongin na mukhang nahihirapan sa paglalakad.
Ngumiti si Jongin, doon ko napagtanto na may sugat rin sya sa gilid ng labi nya at mukhang sariwa pa. "Taemin's."
Iniupo ni Junmyeon si Jongin sa kanina nyang pwesto at inalok itong kumain ngunit umiling si Jongin, sa hindi inaasahang pangyayari ay nagdikit ang paningin namin sa isa't isa. Nagulat ako, nataranta dahil nahuli nya akong minamanmanan ang bawat galaw nya.
"Ah, I really hate Yukio." Nadoble ang gulat ko sa inda ni Chanyeol at natriple ng akbayan nya ako, hinatak nya ako sa tabi nya ng mas malapit.
Tumingin ako sakanya at kumunot ng noo, "Bakit naman?" At nilipat ko ang mata ko sa screen, nakita ko ang ending credits ng anime na pinapanood nila.
Imbes na si Chanyeol ang sumagot ay si Sehun ang narinig kong nagsalita, "Kasi paboritong character ni Chanyeol hyung ay si Rin Okumura. Favoritism, indeed."
Tumawa si Chanyeol at naramdaman ko ang pagalog ng katawan nya habang tumatawa, ganito ba kami kadikit. Ah, at least napaka-comfy nya. Hindi ako naiilang, kinakabahan lang. Baka kasi.. mahalata nya na masyado akong namumula.
"Napaka-nagger kasi ni Yukio kay Rin, ah nga pala, Sehun." Nakaakbay parin sya saakin at hinatak ang katawan namin papunta kay Sehun. "Wanna go to the arcade today?" Kumindat si Chanyeol sa maknae namin.
Kinuha ni Sehun ang remote control at clinick ang next button. "Nah, I promised Luhan hyung that I will wait for him. No matter what."
Luhan hyung? "Oo nga pala! Ngayon ang dating nila. Bakit kaya hindi ako tinawagan ni Yifan!" Maharang binitiwan ako ni Chanyeol at nagmamadaling kinuha ang phone nya, tatawagan nya ata 'yung Yifan.
Somehow, I feel uneasy.
Lumayo ako kay Chanyeol at gumapang patalikod. May narinig akong aray sa likod ko at ng lingunin ko ito ay nakita ko si Jongin na hawak hawak ang braso nya na mukhang natabig ko.
Nagpapanik, yumuko ako ng tatlong beses habang nagcha-chant ng sorry.
Malamig na humalakhak si Jongin at inabot ang buhok ko upang gulu-guluhin ito, "It's fine, hyung." Napakalungkot ng mga mata ni Jongin, bakit kasi kailangan pa nila magaway. Bakit ba ako naiistress? Dahil gusto ko makatulong sa grupo na ito? Para maging bahagi narin ako ng grupo? Teka.. tanggap ba talaga nila ako?
Bakit ba ako masyadong nagiisip? Nakakaasar.
"Baekhyun." Kusang bumuka ang bibig ko, shit.
"Huh?" Nagtatakang katanungan ni Jongin.
Tinuro ko sya, "Call me," at tinuro ko ang sarili ko. "Baekhyun."
Ang malulungkot na mata nya ay napalitan ng gulat, nanglaki ang mga ito at parang hindi sya makapaniwala. "Isn't that a bit rude to call you like that, hyung?"
Tumawa ako ng walang tunog, "Nah, it's fine. I like you, though."
Dammit, why did I just say!? What if he misunderstand!?
"I like you too, Jongin." Nakaramdam ako ng kamay sa ibabaw ng buhok ko, "Call me, Chanyeol. Drop off the hyung part." Tiningala ko si Chanyeol, sa kaliwa nyang kamay ay may hawak syang phone na ongoing call parin. Bakit bigla syang sumingit sa usapan eh may kausap pa sya sa phone? Tch, masyado ngang importante sakanya yung tao na yon para bitiwan ako ng ganoon at tawagan yon.
Teka, bakit parang nagseselos ako!? Damn.
"Hyungㅡ" Huminto si Jongin ng samaan namin sya ng tingin ni Chanyeol, "Baekhyun, Chanyeol, thank you." Ang lambing ng boses nya.
"Wala yon. Kahit na galit sayo si Kyungsoo, alahanin mo na andito pa kami. Okay?" Pagpapaalala ni Chanyeol, namula ako sa sinabi nya dahil ang galing nya mamili ng sasabihin at ipapayo.
Tumango si Jongin at ngumiti ng napakalaki, at ang sunod na nangyari ay lumundag sya saamin ni Chanyeol para yakapin kami ng mahigpit.
Habang nakahiga sa sahig at yakap yakap ni Jongin, naramdaman ko ang paggaan ng pakiramdam ko.
Tinungo ko ang ulo ko sa kanan, at sa hindi inaasahan ay tumama ang mukha ko sa gilid ng braso ni Chanyeol. Ramdam na ramdam ko ang malamig at malambot nyang balat na nakadikit sa mukha ko, namula ang buo kong mukha pati rin ang tenga ko. Sumakit ang dibdib ko dahil sa pagbilis ng takbo ng puso ko.
Next time, I will remind Chanyeol to avoid taking his shirt off in our dorm.
BINABASA MO ANG
Five Months with Byun Baekhyun (Chanbaek/Baekyeol)
RomanceBaekhyun is a trainee. He was put in a group which will debut next year. As he enter the group, he saw there. Park Chanyeol, his life, his man, his partner back then, smiling at him senselessly.