HAH-2

484 17 4
                                    


I remained silent when she asked me that question. "Hmm ok" sabi nya kahit wala  naman akong sinagot sa tanong nya. Ngumiti sya sakin, sana kaya ko ring ngumiti ng ganyan. Yung ngiting walang halong kahit  ano,  ngiting walang problema, ngiting walang sakit. But the fuck malas ako at nararanasan ko  yung sakit.

"Bukas excuse kayo sa lahat ng subject, for one week. Kailangan natin ng puspusang training. Malapit na finals and kailangan nating mag champion. Understood Red Warriors?" Sabi samin ni Coach, sabay sabay naman kaming nag "YES COACH"

"So pwede na kayong umuwi" Coach. kanya kanya naman kaming kuha ng mga bags namin

-

Nasa bahay na kami at buti nalang wala pa si mommy dahil kung andito na sya isang masakit na sermon nanaman maabot ko. Sabagay ano ba namang bago? Sanay na rin naman ako sa walang sawa nyang sermon.

tinignan ko ng masama si Light ng pababa sya ng hagdanan.  "Uyy, Ate easy ka lang mukhang kakainin mo ako ng buhay sa mga tingin mo eh."

"I'm not joking here, Light. So tell me bakit ka sumali ng  volleyball?" Sabi ko na may tapang sa tono, pero nanatili parin syang naka-ngiti saakin. What the fuck?

"Easy ka lang ate😀 Nalaman ko kasing kasali ka kaya sumali na rin ako. Idol kasi kita eh" Light. Napatahimik naman ako sa sinabi nya, tumalikod nalang ako pero bago ako mag lakad may sinabi muna ako sakanya "Mag back out ka na" at tuluyan na akong nag lakad paakyat sa kwarto ko at nag kulong.

-

(1st day of practice)

  First day ng training and coach Karla assigned me to be a leader and also light. Magkalaban kaming dalawa, lagi naman. I have 4 members na at isa na lang para kumpleto na kaming anim. I remembered my cousin Hannah.

"Hanna/ Ate Destiny" Picking the same member huh? I glared at her kaya in the end ibang teammates ang pinili nya. Good Light.

"Ok so kompleto na mga members nyo, pumunta na kayo sa mga pwesto nyo" Sabi ni Coach. nag puntahan naman kami sa mga pwesto namin, ang unang nag serve ay yung team ni Light. Nahampas ko naman yung bola pero di nila nahampas kaya ang score ay samin. 1 point for me.

Last set na to at ang score ay 24-24 parehas ang score kaya kailangan na naming galingan para manalo kami sakanila. Nasa kanila yung bola kaya syempre sila yung mag seserve, pag ka hampas ni Light bigla namang pumasok sa isip ko yung sinabi ni Light sakin "Idol kasi kita eh" "Idol kasi kita eh" "Idol kasi kita eh" "Idol kasi kita eh" paulit ulit na nag echo sa utak ko yung mga sinabi nya sakin kaya hindi ko napansin yung bolang paparating sakin kaya hindi ko nahampas at tumama sa ulo ko. Napahiga naman ako sa sakit. ANG SAKIT FUCKINGSHIT!

"Ate ok ka lang? Sorry ate, di ko naman alam na tatama pala sayo. Sorry talaga ate." Light. Nag puntahan na din yung mga ibang members including coach Karla.

"MUKHA BA AKONG OK LIGHT?!" Sigaw ko sakanya habang nakahawak parin sa ulo kong sumasakit. May dumating namang mga boys at inalalayan ako pero sinaggi ko lang yung mga kamay nila at tumayo mag-isa. I can do this alone, but shit this head bigla na lang sumakit kaya muntikan na kong ma-out of balance. "Coach ako na lang po mag dadala kay Dark sa clinic." Hannah said. Nag lakad kami papuntang clinic at hiniga ako sa bed.

And everything went black.

-

Nagising ako at puro puti lang nakikita ko, nasa langit na ba ako? Sa langit pala  ako mapupunta? Pumikit nalang ulit dahil hindi ako sure kung sa langit ba talaga ako pag ka dilat ko ng mga mata ko tumingin sa gilid ko. Nakita ko dun si Light at Destiny nakayuko at mukhang tulog. Umupo ako kahit masakit pa rin ang ulo ko. "Uy Ate gising ka na pala, Kamusta na ulo mo? May masakit ba sayo?" Tanong ng kambal ko.

Her and Her (COMPLETED)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon