Mansanas Part 3

6K 32 5
                                        

"Okay lang 'yan tol, no one's perfect. Nga pala, I'm Jefferson, but call me "Jet" nalang". Inabot ko ang kamay niya.

"Why Jet? Call me Ege". At nagshake hands kami.

"Gusto ko lang, masyadong common ang jeff kaya jet nalang, ikaw lang unang sinabihan ko niyan at unang tatawag sa'kin ng Jet." Pagpapaliwanag niya. Ang baduy naman ng taong 'to. Masyadong madaldal.

"Alam mo, ako nga nahuli ako ng mama ko na nagjajakol hahaha pero tinawanan lang ako. Sabi pa niya sa'kin, baka daw lumaki akong rapist. Nakita niya kasi ang pornographic na libro ko." Pagkukuwento nito ng karanasan niya. Nabanggit ko kasi sa kanya ang nangyari kahapon sa CR. Natawa siya at first pero nagseryoso naman kasi alam niyang hindi naman talaga yun nakakatawa, pero nakakatawa in a sense na sobrang tanga ko pero tumigil naman siya baka masapak ko siya.

"Tagasaan ka ba? Tara sa bahay niyo? Mga 3pm nalang tayo bumalik sa school". Pag-aaya ko sa kanya.

"G!" sagot nito at nagsalute pa ang gago. Hindi naman ako masyadong magcutting class, ngayon lang dahil presko pa ang nangyari kahapon.

Nasa labas pala kami ngayon, umakyat kami mula sa bakod ng school para takasan ang napakaboring na subject namin. Mahilig naman ako sa history pero maaantok ka nalang talaga sa discussions ni sir, dagdagan pa ng boses nitong sobrang malumanay. Siguro dahil sa gay ito kaya parang nilalandi niya ang boses niya. I like gays the way sila magsila at magpaulan ng jokes pero itong teacher namin? Daig pa ang babae sa sobrang kaartehan magsalita.

"Ano sports mo? Do you play basketball?", tanong ni Jet habang sumusubo ito ng mais.

"Sa bahay lang ako, I don't have friends." Deretso kong sagot sa kanya. Bumuhakhak ito ng tawa.

"Seryoso? Wala kang ibang sports na hilig except sa pagjajakol?" , Kumunot ang aking noo, lakasan ba naman ang salitang pagjajakol. Nagsitinginan tuloy ang mga tao sa'min.

Pinagmasdan ko ang tinuhog na mais na kinakain niya ngayon at madami itong powdered cheese.

"Gusto mo?" pag-aalok nito. Ang baboy nitong kumain, may mga cheese pa ito sa gilid ng labi niya.

At dahil malapit lang sa school ang bahay nila, naglakad nalang kami. Wala naman daw ang pamilya niya dahil mamayang 5pm pa ang uwi nila.

Pinagtitinginan kami ng mga tao dahil sa nakauniporme kami. Kahit naman maghubad kami ng polo shirt at magsando nalang, mahahalata pa rin kami na mga studyante dahil sa kulay beige na pantalon namin with a black shoes pa.

May kalakihan ang bahay nila. At kahit hindi concrete, maganda rin dahil sa mga halaman na nakapalibot. With 2 stories ito at may mga bulaklak rin na nakasabit sa mga bintana. Makukulay ang mga bulaklak na nakalagay sa pot kaya nakapagbigay ito ng dagdag na kagandagan sa bahay nila Jet.

Napakalinis ng loob ng bahay nila at mahihiya ka nalang na hindi tanggalin ang suot mong sapatos dahil sa kintab ng sahid na yari sa kahoy. Tinalo nito ang makintab na sahig namin sa room ng school.

"Ang ganda naman ng bahay niyo." Pagbati ko sa kanya. Nagdere-deretso lang ito na parang walang kasama. Hinubad ko ang suot kong sapatos, nakakahiya naman sa kung sinuman ang tagalinis nila pero si Jet, hindi naghubad.

Nakita ko na pumasok siya sa ikalawang kwarto. Hindi man lang ako hinintay. Nang matapos kong hubarin ang mga sapatos ko, sumunod na ako sa kanya ngunit napahinto ako sa mga picture frames na nakasabit sa dingding nila. May family picture, graduation picture at iba pa. Huminto ang tingin ko sa isang picture frame. Dalawang Jefferson ang aking nakita. May kambal pala ang mokong?

KALIBUGAN VOL. 0.1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon