Ikaw ba ay problemado sa oras na ibinibigay sa'yo ng iyong kasintahan? Huwag kang mag-alala kapatid, hindi ka nag-iisa. 'Yung tipong akala mo nu'ng una ay magiging Forever ka niyang bibigyan ng isang daang porsiyento ng kaniyang oras at effort pero nag-iba bigla ang liko ng iyong mga inaasahan. Alam mo sa sarili mo na Mahal ka din niya kahit na paminsan-minsan ay nawawala siya. Dati ay halos ikaw na ang mundo niya ngayon lupa na lang ng kakarampo't niyong bakuran ang iyong natatamasa? Marami ang nagkakaroon ng ganitong dilema sa relasyon lalo na at ilang taon na rin ang inyong pinagsasamahan, marami ang nakakalagpas sa mga pagsubok ngunit mas nakararami ang hindi nakakalagpas dala ng hindi parehas na kontribusyon ng bawat magkarelasyon malayo man o malapit ang distansiya niyong dalawa.
Ingredients:
1 kilo ng Asa
3 cups ng Inis
4 tsp. Ng Kaba
1 tbsp. Ng Bagabag
1/2 gms. Ng Lason sa Isip
3 glasses ng Insecurities (optional)
2 liters ng DudaTo Blend:
10 pcs. ng Pagdadasal
5 strips ng Tiwala sa sarili
2 kalderong Peace of Mind
1 sandok ng Pagmamahal
Steps:
1. Ihalo ang 1 kilo ng Asa. Huminga ng malalim, isipin kung bakit mo nararamdaman ang Asa sa iyong kalooban. Dahil ba sa alam niyang mahal mo siya at pinapaasa ka niya?
2. Ilagay ng pa unti-unti ang 3 cups ng Inis. Makakatulong ba ito sa paghalo ng lasa sa Asa? Maaring bawasan ang Inis upang hindi na makadagdag pa sa matinding pag-subok ng pag-asa sa kaniya.
3. Ilagay ang 4 tbsp. ng Kaba. Kapag hindi mo na kaya ang Asa dala ng kaba na iyong nararamdaman maari itong ituon sa ibang pagkaka-abalahan. Huwag ipahalata sa kaniya na ikaw ay may kaba ng nararamdaman upang maiwasan ang paglaki ng ulo nito.
4. Timplahin ng 1 tbsp. ng Bagabag. Ito ang resulta ng Kaba na Madalas na sa sobrang pag-aalala ay binabagabag ka na ng iyong nararamdaman. Naiisip mo na wala na siyang oras sa'yo. Nakikita mong online siya sa Facebook at nag-la-like ng mga post at pictures ng kung sinu - sino, pero ang i-txt ka kahit isa sa araw na iyon ay hindi man lamang niya magawa.
5. Bawasan ang timpla ng 1/2 gms. Ng Lason sa Isip ang bahaging ito dahil sa kailangan mong ipangalandakan sa mundo na hindi lamang siya ang nag-iisang magmamahal ng husto sa iyo.Hindi basehan ang pisikal na kagandahan o ka-gwapuhan upang mapansin niya na naghahanap ka ng atensiyon, alam niya ito simula pa lang.
6. Maaring ibuhos ang 3 glasses ng Insecurites, baka dahil sa pakiramdam mong mas mahal mo siya kaya ka na-iinsecure. Gumising ka. Ipinanganak ka na hindi mo siya kilala, kailan lang kayo nagkakilala ang akala mo naman, alam na alam mo ang buong pagkatao niya. Imbes na ma-insecure ka, intindihin mo na lang na minsan inintindi ka rin niya nu'ng mga oras na hindi mo rin siya pinapansin. (Bawi-bawi din minsan, ngayon alam mo na ang pakiramdam?) Ang payo ko lang sa'yo huwag mo ng ibuhos ang 3 glasses ng Insecurites upang mas mapa-angat mo pa ang sarili mo laban sa masasamang elemento ng mga negatibong enerhiya ng kalikasan. Hindi ito makakatulong upang mapalusog mo ang iyong isipan bagkus ito ang sanhi ng matinding pagsubok sa inyong dalawa. Bigyang pansin ang iyong sarili sa lahat ng oras upang hindi ka magsisi bandang huli.
7. Ilagay ang 2 liters ng Duda. Sabi nga nila, hindi mo talaga minsan maiwasan ang ingredient na ito, kusa itong nararamdaman. Ngunit kung ikaw ay positibo sa iyong pananaw sa buhay ay mababalewala mo ito, bagkus ay itatapon mo ang duda at papalitan ng alternatibong pagmamahal sa kapwa o sa iyong pamilya. At least, iwan ka man niya mayroon magmamahal sa iyo dahil nagmahal ka ng totoo.
8. Pagsasamahin ang 10 pcs. ng Pagdarasal, 5 strips ng Tiwala sa Sarili, 2 kalderong Peace of Mind at 1 sandok ng Pagmamahal upang mas maging malasa pa ang iyong buhay at mapanatili ang gaan ng iyong kalooban sa pang-araw araw na pagsalubong natin sa pagsubok ng buhay. Habang may buhay nandiyan ang Diyos na laging nagbibigay ng isang daang porsiyentong atensyon at pagmamahal sa atin na kahit hindi mo siya nabibigyan ng oras sa araw-araw ay handang maghintay na pansinin mo siya isang araw. Kaya learn to deal with your Nilagang Asa upang hindi maging mapait ang love life mo. Laging tatandaan na hindi makakatulong ang mga negative ingredients upang sumarap ang pakiramdam o gumaan ito. Maging positibong harapin na walang perpekto sa mundo, lahat tayo ay may kasalanan at tanging ang Diyos lamang ang ating magiging gabay sa pagpapanatili ng gaan ng ating pasanin sa buhay.
BINABASA MO ANG
Chef a la Diskarte's Recipe for a Healthy Heart and Mind.
RandomFood for thoughts for our Heart Problems to somehow relieve our Mind and be in a way that control your emotions.