Pinapaitang Selos

19 1 0
                                    

Ikaw ba ay isang biktima ng malawakang protesta laban sa selos? Tsk, tsk.. halos lahat ng tao nakaranas na nito puwera na lang ang mga manhid katulad ng mga monumento ng mga bayani at mga walang kabuhay-buhay na mga nilalang sa lupa. Ang madalas na binibiktima ng selos ay ang mga taong masyadong madrama sa buhay, mga pinagkaitan ng self-confidence, at 'yung mayroong inferiority complex ( feeling of being left-behind).

Ingredients:

2 tusok sa Mata (optional)

1 1/2 cups of Pagiging Proud sa Sarili

2 3/4 cups of Tiwala sa Sarili

4 cloves of Beauty Enhancer

1 long fresh of Silence (coarsely chopped)

1 kg of Bulak o Headset/Earphones

1 glass of Milk (every night)

5-10 Friends

Sauce:

100 percent of Prayers

90 ounces of Love

50 mg. Of Liquid substances / water

Steps:

1. Ihanda ang dalawang daliri sa kamay, maaring gamitin ang Kaliwa o ang iyong kanan, alinman ang sanay kang gamitin. Siguraduhing nakabukas ang dalawang mata habang inihahandang itutok ang dalawang daliri upang itusok sa iyong mga mata. Mas magandang sahog ito upang hindi mo na makita ang mga ugat ng iyong pinagseselosan at wala ng makita pansamantala. Masakit man, temporaryo lang. Ang sakit sa puso ay Mas delikado at maaring maging Permanente.

2. Igisa sa iyong mantika ang 1 1/2 cups of Pagiging Proud sa sarili. Mabisang sangkap sa pagluluto ng pinapaitang selos. Ang sangkap na ito ay mahalaga upang tignan ang sarili sa kung anuman ang iyong mga naging achievements, hitsura, o itinatagong talento.

3. Haluin ng haluin hanggang sa maamoy mo na ang mga rekado. Isabay na rin ang tiwala sa sarili. Mahirap man na makumbinsi ang isang tao na marami siyang potensyal sa katawan ay masasanay rin siya dito. Unti unting ibuhos sa kaniya ang mga positibong mga komento na makakapagpataas ng lasa ng tiwala sa sarili. Isa itong mahalagang sangkap na hindi nabibili saan mang tindahan sa mundo. Kaya kung gusto mong ma-achieve ang recipe na ito ay kailangan mong mag-ipon ng tiwala sa sarili upang hindi masyadong pumait ang pinapaitang selos na iyong nadarama. Concentrate on things that would make you happy. Maging busy ka. Travel. Kung wala kang pang travel e di kahit sa plaza ninyo o kaya sa mga bahay ng kaibigan mo ok na yun.

4. Set aside the mixtures. Kumuha ng isa pang kawali. Painitin ito sa 25 degrees celsius o kung gaano kainit ang gusto mong pagtanggap sa iyong pisikal na kaanyuan. Come on! Hindi naman pare-parehas ang hitsura ng tao. We are Unique in different ways. Wala ka man ng meron siya palagay ko wala din siya ng meron ka. Don't compare my dear. Kapag mainit na ang kawali ilagay na ang 4 cloves of Beauty Enhancer. Palagay ko alam mo na ito, ano ba? Malaki ka na. Simpleng eskinol o ponds lang carry na. Deodorant? Pampaputi ba? Hindi na kailangang magpaputi, mas maganda ang natural. Sabi nga ng ibang mga tao na aking nakasalamuha wala sa kulay ng balat iyan nasa appeal iyan kung papaano mo siya nabihag, iyon na ang tinatawag na a whole new world. Magical. Mayroon kang characteristics na wala sa iba. Kaya kalimutan mo na iyang mga iniisip mo about sa selos, hindi maganda iyan, nakakastress. Kapag nagka-stress ka magkakasakit ka, at kapag nagkasakit ka, ma-oospital ka, at kapag na-ospital ka, wala kang pambayad, at kapag wala kang pambayad kulong ka, at kapag nakulong ka masaya na sila. Iiwan ka na niya at magsasama na sila, 😒 sad di ba? Kaya huwag ng magselos para huwag kang maging sad.

5. Kapag humalimuyak na ang beauty enhancer isama na ang 1 long fresh of silence. Admit it, sometimes we need this. To know more about ourselves. Take time to unwind. Forget everything even just for once. Love yourself. Manahimik ka. Huwag mo muna sila pansinin. The more na papansin ka the more na loser ka. In this case, kapag nainsecure na isang tao lumalabas ang mga negative vibes niyan. Aminin mo man o hindi, totoo iyan, kahit sino may ganiyan. Maging sino ka man. Depende na lang sa pagdadala. Kaya kung ako sa'yo kahit mga 1 week mananahimik ako, at tiyak ko by this time, mas malakas na ang pwersa mo.

6. Ihalo ang dalawang mixtures sa isang blender at i-blend, siyempre alangang igisa mo duon? Hay naku. Anyway, habang bine-blend ay magsaksak ng 1kg headset o bulak sa iyong tainga. Bakit? Para wala kang marinig, obvious ba? Kahit anuman ang sabihin nila, mas mahalaga pa din na wala kang alam. Alam mo kung bakit? The more you know the more it hurts. Mas ok na cool ka lang, kahit na masakit na, just tell yourself  I am ok because I am alive. Concentrate on things that will make you a better person. Mag chess ka, o kaya mag-igib ka gamit ang poso. Paliguan mo yung aso ng kapit-bahay ninyo. Sagipin mo yung miming sa riles. Sawayin mo yung mga langgam. Mga tipong out of this world. O di ba napangiti ka. Ganiyan lang. Smile lang.

7. Pagtapos nito, ay magpahinga. Ilagay sa refrigerator ang na blend na mga sangkap. Pahinga ka muna, kung inabot ka ng gabi, uminom ka ng 1 glass of milk. Tuwing gabi ito ha. Bakit??? Pampakalma. Oo, kumalma ka.

8. Pagkatapos mong kumalma, tawagan mo yung mga kaibigan mo dati. Kahit ilan. Pero ang suggested dito ay 5-10 friends. Makakatulong ito para maging buo ang iyong pagkatao. Maririnig mo ang mga kuro kuro nila tungkol sa mga bagay bagay at ang kanilang buhay buhay, na madalas na pinaguusapan ng kanilang mga kapit bahay sa may ilalim ng tulay. Magsaya kayo in short. Libangin mo ang iyong sarili. Huwag kang magmukmok pagkatapos ng isang basong gatas. Makipag usap ka not to the point na nagdadrama ka na dahil sa selos. Be real. Walang taong hindi nagseselos, kahit si miming mayroon niyan.

9. Para makumpleto, gawin ang sauce. Magdasal ka, hilingin mo na maging strong ang heart mo, effective to, na try ko na. Lagi mong isipin at ipadama ang pagmamahal sa kapwa mo. Magpatawad ka kung anuman ang ginawa nilang mali sa'yo dahil babalik din sa'yo ang lahat ng mga ginawa mo mabuti man o masama, itanong mo pa sa nanay mo. Uminom ka ng tubig, pampaganda ng katawan at balat. Magpasalamat tayo sa Diyos. Kahit ano pa iyan, mahal na mahal ka ni Lord. O siya, next time ulit.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 20, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Chef a la Diskarte's Recipe for a Healthy Heart and Mind.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon