Part 2: biyahing imperno

11 0 0
                                    

*******
Masayang nagkantahan ang lahat habang naggigitara si klein,ang iba naman ay sumasayaw sa kanilang upuan.Kumukuha naman ng mga larawan si darwin,para bang para sa kanya ay hindi na mauulit ang tagpong iyun kaya ginawa nya ang lahat para makakuha ng larawan.Anim na oras ang biyahe nila papunta sa resort nila joey. Napagkasunduan nila na ang eyebalk na tatlong araw ay gaganapin sa resort nila joey sa may batanggas. Nakaramdam sila ng pagod kaya nagsitulog muna para pag dating nila sa resort ay mag-lilibot agad.

Lahat sila ay nakatulog maliban sa driver at kay lee.Mahiluhin kasi si lee kaya ang ginawa niya ay inaaliw ang sarili sa pagmamasid sa labas ng bintana. Sinusulat niya din lahat ng naganap sa eyeball nila dahil plano niya gawing storya sa wattpad. Gamit ang phone niya na nakaback-up sa isa niyang phone na naiwan sa kanilang bahay.Habang nagsusulat ay napatingin sya sa labas ng bintana at nagtaka kung bakut ang bagal ng pagtakbo ng bus. Tumingin sya sa driver at nakita niya itong nagyoyosi. Inisip nya nlng na dahil dun kaya bumagal..
Nililibang nalang niya ang sarili sa pagmamasid sa labas. Puro gubat ang nakikita niya. Hindi rin nya alam kung nasaan na sila. Sa di kalayuan ay may nakita syang babae na nakatayo sa gilid ng kalsada. Madumi at butas-butas ang suot nito na para bang may masamang nangyari sa kanya at madaming sugat sa katawan. Nang dadaanan ng bus ung babae ay nakita niya itong nakatitig sa kanya. Kinalabutan sya dahil ang putla at ang lalim ng mga mata na parang walang buhay. Pinagsawalang bahala nlng niya iyon dahil sa oag aakalang pulubi.

Sa di kalayuan ay may natanaw na namn sya na isang lalaki na nakatayo din sa gilid ng kalsada. Sa tantiya niya ay magkasing edad lng dun sa babae kanina,mga nasa labing dalawa pa siguro. Nakatayo ang lalaki at sumisigaw at ang kamay ay nakaturo sa kanilang pinanggagalingan. Nang nasa tapat na ang lalaki ay binasa niya sinisigaw nito. Naguluhan si lee dahil ang nabasa niya ay " bumalik kayo" paulit-ulit yun. Gulong-gulo ang isip niya at nanlalamig ang mga kamay. Lumingun sya sa kanyang mga kasama nagbakasakaling nakita nila un,pero tulog sila lahat..

Kinakabahan man ay tumingin ulit sya sa lalaki. Binuksan niya ang bintana at nilingun ang lalaki ngunit wla na ito sa kanyang tinatayuan. Inisip nya na pinagtripan lng sya. Pagtingin nya sa di kalayuan ay may nakita na naman sya.isang batang babae na may bitbit na kung anong bagay. Hindi pa niya masyado makita ang hawak nito. Tiningnan niya ang mukha at nagtakot sa nakita.mahaba ang buhok na magulo,puro sugat ang katawan at may dugo pang tumutulo. Nagtaasan ang kanyang balahibo dahil galit na galit ang mga mapupulang mata na nakatitig sa kanya.

Pagkatapat ng bus sa batang babae ay biglang binato sa kanya ang hawak nitong bagay.at ang bagay na yun ay ang ulo ng babae na una niyang nakita.Gulat at takot ang kanyang naramdaman. Dahil nakabukas ang bintana diridiritsong pumasok ang pugot na ulo papunta sa kanya. Nagtalsikan ang dugo papunta sa kanyang mukha at mata. Halos wala narin syang makita dahil sa dugo na tumalsik sa kanyang mga mata. Sobrang takot ang naramdaman niya dahil nakangiting parang demonyo ang pugot na ulo sa kanya. Nanlilisik din ang mga matang nakatitig sa kanya.

" Aaaaahhhh Aaaaaahh tulong tulongan nyo koh!! " malakas na sigaw ni lee.hindi nya alam ang gagawin dahil sa sobrang takot.

" tulooonggg Aaaaaahhhhh!!! " ,umiiyak na sigaw niya..pakiramdan niya ng mga oras na un ay nasa bingit sya ng kamataya.

"Ate! Ate lee ate gising! Nanaginip ka lang" sabi ni aj na tinatapik sa mukha. .pinapalibutan na si lee ng mga kasama niya. Nagising silang lahat dahil sa sigaw.
,nagising din si lee sa masama niyang panaginip.pakitamdam niya totoo lahat un. Nanginginig buo nyang katawan dahil sa takot. Hindi rin nya matigil ang pag iyak.

"Sssssshhhhhhh, tama na te panaginip lang yun" yinakap nlng ni aj para tumahan na.

" te lee anu ba ang napanaginipan mo?" Tanong ni shobs na halatang natakot din.. bakas sa mukha nila ang takot at pag-alala. Hindi rin makasagot si lee dahil nanginginig pa sa takot. Hindi rin nya masabi ang lahat dahil ng alala sa maaaring maidulot nito.pero isa lang alam niya na pamilyar ang mga mukha nung dalawa maliban sa bata.

" oh tama na yan guyz,nasubrahan lang yan si lee sa panunuod ng mga horror kaya pati sa pagtulog ay naaalala niya ang kanyang mga napanuod" singit ni janeth para mawala ang tensyon.

,gulong gulo ang isip ni lee ngaun dahil pamilyar talaga ang babae at lalaki kanina..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 29, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

eyeballTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon