2. LEAVING ON A JETPLANE

194 0 0
                                    

It's been two weeks since I broke up with Tobby.

And the day has come. . .

Ngayon na ang alis ko ng bansa. 

Nakakalungkot lang na hindi ko na magagawang mag paalam ng personal sa mga kaibigan namin dahil alam kong gagawa at gagawa sila ng paraan para mag kausap kami ni Tobby kaya mas pinili ko nalang na huwag ng mag pakita sa kanila mula nung araw na nakipag hiwalay ako kay Tobby.

Halos two weeks din akong nag kulong dito sa unit ni Janine dahil ayokong mag kasalubong kami ni Tobby sa kung saan. Mabuti nalang ayos na lahat ng papeles ko para sa pag-alis ko at mabuti nalang last day ko na sa opisina nung makipag hiwalay ako kay Tobby.

"Oh bring this Anj!" Sabay bato sa akin ni Janine ng isang paper bag na may lamang box. "You might need it. .you know, in case of emergency."

Pag tingin ko sa box, "Anong gagawin ko dito?!"

"Maniwala ka sakin Anj kakailanganin mo yan. Cause I know, mahihiya kang bumili nyan doon."

"Hindi naman sex ang ipupunta ko doon Janine. So hindi ko kailangan ng isang box ng condom! At mas kailangan mo to no!" Sabay bato ko sa kanya pabalik nung box.

Loko loko talaga tong si Janine eh itulad pa ko sa kanya.

"Sure ka ayaw mo nito?" Pangungulit nya ulit.

"Ayoko! Just keep it! You'll be running out of stock soon."

"No I won't haha."

"O I gotta go na. Nandyan na yung company car sa baba. Nag text na sakin si Mang Jerry."

"Ok hatid kita sa lobby."

"Wag na. Sobra sobra na yung pang aabala ko sayo. Mag pahinga ka na dyan."

"Okay. I'll see you in Australia! Pag na promote din ako! Haha."

"Galingan mo kasi! And kung ako sayo si sir Peter nalang ang i-flirt mo para mas malaki yung chance of promotion mo para mag kasama tayo sa Australia."

"So ayun ang ginawa mo? Kaya nakipag hiwalay ka kay Tobby?"

"Hahaha ewan ko sayo Janine. I work hard for this alam mo yan. Oh sya, alis nako talaga. Thank you talaga sa pag papa stay mo sakin dito sa condo mo ha. Pag gusto mong mag bakasyon sa Australia you're welcome to my place. Bye!"

"Bye!"

Tapos hinug nya ako ng mahigpit. Para ko nading bestfriend si Janine dahil 3 years na kaming mag kasama sa work. Pero syempre wala pading hihigit sa bestfriend kong si Lindsay. At sa mga kaibigan namin. How I wish na hug ko din sila bago ako umalis.

Lalo na si Chichi. . .at Mama Daisy.

Si Chichi yung bunsong kapatid ni Tobby, sobrang mahal ko sya. Special child sya pero napaka talinong bata. Si Mama Daisy naman yung mama ni Tobby. Sya na ang tumayong Mama ko mula noong mga bata pa kami nila Tobby. Dahil wala naman na akong mga magulang.

Lumaki lang ako sa Lola ko at sa Tita ko pero nung namatay ang lola ko, nag migrate na yung tita ko sa Japan dahil nakapag asawa sya ng hapon kaya mag-isa nalang ako mula nung high school palang ako.

Yung mama ko kasi namatay sa panganganak sa akin. Yung papa ko naman may ibang pamilya. Kabit lang kasi ang mama ko. Pero kinilala naman ako ng papa ko pero nung nalaman ng asawa nya yung tungkol sa akin pinapili nya si papa. At ayun sila yung pinili. Hanggang sa nabalitaan ko nalang na patay nadin si papa dahil sa sakit. May ate ako, anak ni papa sa asawa nya. Nung namatay si papa sabi nya sumama nadaw ako sa kanya pero tinanggihan ko. Alam ko naman na hindi bukal sa puso nya yon. Ginagawa nya lang yon dahil ayun ang bilin ni papa.

A Mistress' CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon