His POV
"Pre, may mga bagong transferees na chix daw ang campus." sabi ni Ethan habang naglalakad kami papuntang class room. As usual nahati nanaman ang hallway kasi nadaan kami.
*boogsh*
*gasps*
"Hala~Lagot sila"
"OMG~"
"Kawawa naman si Fafa Quing ko."
Napapikit ako ng maramdaman ko ang init ng kapeng na tapon sakin.
"Uh oh~" rinig kong bulong ni Josh.
"Nako! Sorry. Sorry talaga." sabi ng babaeng nakabangga at nakatapon ng kape sa uniform ko habang nagmamadaling punasan ang parteng may kape. Hinawi ko ang kamay niya at tinulak siya. napaatras siya.
"Bulag ka ba?! Sa susunod matuto kang tumi--" sinigawan ko anb babae at dinuro-duro ang noo nito ng may humawi sa kamay ko.
-----
Her POV
Nakita kong dinuro ng lalaki si Sandy. Napakakunot ang noo ko dahil sa palagay ko hindi tama yun. Nilapitan ko sila at tinaboy ang kamay niya at kinuha ang hawak na baso ng kape na hawak ni Sandy at tinapon sa mukha ng lalake ang natira.
*gasps*
Sino ba siya para duru-duruin ang kaibigan ko? Kahit nga mga magulang nito hindi magawang duruin tong si Sandy tapos ganun nalang kadali para sa kanyang duru-dudruin yung tao. Aba hindi ata maganda yun.
Nakipagtitigan ako ng masama sa kanya.
"Hindi mo ba kami kilala?!" Aba. Sinigawan pa ako ah.
"Hindi at wala akong balak kilalalin kayo..." sabi ko at lumapit pa ng sa kanya tsaka bumulong "At sa susunod matuto kang rumespeto ng babae." Sabi ko at mabilis umalis sa harapan nila dahil late na kami sa klase. Hayxcs unang araw palang sakit na sa ulo ang dala ng mga tao dito sa eskwelahang ito.