Dont forget to vote and comment guys. Follow me if you want ;)
Enjoy~------
Dustyn's POV
Dumeretso na kami sa classroom pagkatapos ng nangyari kanina sa hallway. Gwapo sana yung lalake kanina eh. Psh. Sayang~ Liligawan ko sana tsarot!
Pagpasok namin sa silid ay automatikong napunta ang mga mata nila sa amin.
"Kayo ba ang transferees?" Teacher. Tumango nalang ako bilang sagot.
"Introduce your selves."
"Hi! Seulbi imnida! *eyesmile*" Seulbi Cheon pinaka baby sa tropa namin. Napakasensitive niya pero alam niya kung paano kontrolin yung ugali niya.
"Annyeonghaseyo, Ako po si Sandy *smiles*" Sandy Lim. Pinakaunderstanding sa lahat. Marunong kasi siyang bumasa ng tao.
"Hello po. Yena name ko. *bows*" Yena Lucas. Fashionista. Krash ng bayan. Maganda naman kami lahat pero siya yung pansin talaga yung ganda.
"You can call me Hani." Ako? Hani Kim. Masungit at Pinakacold sa kanila. Ayokong kumakausap ng tao pero pagsila okay lang makipagtawanan pero sa iba no way.
"Thanks for that introduction. You may now take your seats."
Umupo kami sa sulok ng silid. Magkatabi sila Seulbi at Sandy, nasa likod nila kami ni Yena. Ang nasa bandang bintana ay si Seulbi at Yena. Nagstart ng mag lecture si Ma'am sa harapan. 4th year highschool kami lumipat kami dahil mahilig kaming makipag away sa dati naming pinapasukan.
*door open*
"Good Morning Ma'am.*bows*" Napakunot ang noo ko sa pumasok dahil sila yung kaninang maangas. Napabuntong hininga nalang ako sa sobrang inis.
"Late nanaman kayo!" Sigaw sa kanila ng guro.
"Bakit? May reklamo ka?" Sabi nung lalaking binaboy ko kanina. Tinignan lang siya nung guro tsaka bumalik sa pagtuturo. Dumeretso naman sila sa bakanteng mga upuan sa tabi namin.
Napadapo naman ang tingin sa akin nung kape boy tapos nagsmirk. Tinging nakakamatay lang ang ginawa ko sa kanya. Kaklase ko pala tong mga to eh. Mga walang modo.