(c) K i n g s t o n j
K a b a n a t a - 0 4
LadySinundan ko lamang si Hoseff palabas ng maliit na bakod ng mga Castañeda. Mababakas ang pagkabigo na aking nadarama sa bawat hakbang na aking ginagawa. Parang bang bawat hakbang na ginagawa ko palayo sa lugar na ito ay labag sa aking kalooban. Para bang ayoko munang mapawalay sa lugar na ito kahit unang beses ko pa lamang itong napuntahan. Natutunan ko na ata itong mahalin kahit unang beses pa lamang ako ditong nakaapak.
Nilingon ko muli ang tahanan nila at bigong bumuntong hininga nang hindi talaga siya lumabas. Ano kaya ang nangyari sa kaniya? Bakit hindi man lang siya nag paalam sa akin, bago siya pumasok ng kanilang tahanan? Nakakatampo tuloy.
Ngunit wala ako sa tamang lugar upang mag tampo dahil kakakilala pa lamang namin ng taong 'yon. Pero kahit na, ang sakit pa rin sa damdamin dahil iniwan niya ako kasama ng iba nang walang paalam. Nakakapagod manghula ng maaring dahilan sa biglaang pag alis niya sa aming harapan.
Ibinaling ko ang tingin kay Hoseff. Nakasandal na siya ngayon sa kaniyang pulang kotse na hindi ko alam kung ano ang tawag. Pero alam kong mamahalin iyon dahil isa siyang Espiñosa. At ang mga angkan niya ay alam kong hindi makakapayag na hindi mamahalin ang gamit nila.
Pinaikot ikot niya ang susi sa daliri niya at sinesenyasan akong sundan siya ngunit iling lamang ang aking naitugon sa kaniya. Nangunot ang noo niya dahil sa aking naging tugon sa kaniyang alok. Ayokong mag mukhang manggagamit sa mga taong nakakakita sa amin ngayon. Ayokong makisabay sa mga taong kahit kailan ay hindi ko magiging kauri. Hindi magiging ka-lebel.
Kumpara sa kaniya, isa lamang akong basahan na maaring apak apakan lamang ng mga mayayamang tulad niya. Mataas ang turing sa kaniya ng karahiman, samantalang ako ay isang simpleng mamamayan lamang. At ang simpleng mamamayan ay hindi dapat sumasama sa mga taong tulad niya. Mga taong maipluwensiya at makapangyarihan. Mga taong tinitingala ng karamihan.
"Salamat na lang sir Hoseff. Maari ko naman pong lakarin na lamang ang bahay namin. Huwag na po kayo mag abala." Nakayuko kong sabi. Maiwasan lang ang mga tingin niyang para bang nilalakbay ang aking kabuuan. Hindi ako komportable sa pamamaraan niya ng pagtitig sa aking kinaroroonan. Mas lalo tuloy nadagdagan ang aking dahilan para hindi sumama sa kaniya. Hindi ko alam ang umiikot sa isipan niya. Delikado na at baka kung ano pa ang binabalak niya.
Oo, alam kong guwapo siya. Pero hindi iyon ang tamang dahilan para sumama sa kaniya. Baka kung ano pa ang gawin niya. Oo, pinagpantasyahan ko siya noon. Pero hindi ibig sabihin 'non na handa akong ibigay ang birhinidad ko. Lalong lalo na sa taong hindi nilalaman ng puso ko.
Ang birhinidad ay ibinibigay lamang sa taong sigurado na makakasama mo hanggang dulo. Hindi sa taong nagiging dahilan kung bakit nag iinit ang katawan mo.
"What the heck? Inaalok na nga kita. Tumatanggi ka pa? Oh come on!" Inip niyang sabi at umalis sa pagkakasandal sa kotse niyang masyadong agaw pansin.
Kinain niya ang distansya sa pagitan naming dalawa at hinawakan ang magkabilaan kong balikat. Agad kong naramdaman ang mainit at mariin nitong pagkakalapat sa aking balat.
Hindi ko na nagawang mag pumiglas. May mga taong nakatingin sa aming kinaroroonan at baka isipin nila na may gahasaang nagaganap. Hindi ko naman hahayaang makasira ng imahe ng ibang tao. Alam kong pinag hirapan niya ang imahe na mayroon siya ngayon.
"Come on babe. Come with me. Hahatid lang naman kita." Mahina niyang bulong at hinaplos ang aking braso sa isang pababa at pataas na galaw. Nagdaluyan agad ang mga bolta boltaheng elektrisidad sa aking katawan. Ang aking kalamnan ay bumaligtad.
Ngunit ang puso ko ay kalmado sa kasalukuyan. Hindi niya itong magawang pagalawin dahil ang puso ko ay naging deboto na rin ng aking nakilalang binata. At ang tinutukoy ko ay si Kerwin Castañeda.
BINABASA MO ANG
His Passionate Vengeance (Completed)
General FictionBOOK 1 Kailangan mo bang may mapatunayan sa iyong buhay bago ka mahalin ng iba? Kailangan mo pa bang magkaroon ng yaman, pag mamay ari, reputasyon at kapangyarihan para lang maging karapat dapat para sa iba? Si Aleandra ay isang simpleng mamamayan n...