chapter 4

5 0 0
                                    

" malamang nyan, inatake nanaman sya ng sakit nya iha, teka sino kba ??!! "

" ako nga po pala si Andrea, Girlfriend ni Tristan "

Biglang sumimangot ang mukha ng mommy ni tristan at lumingon sa mga katulong nila.

" PAALISIN NYO ANG BABAENG YAN SA HARAP KO!!! "

parang gusto kong umiyak. sobra akong nagulat.

pero wala akong nagawa kundi ang sundin sya kaya umalis nalang ako at hinintay na mabalitaan tungkol kay tristan ..

After 1week pumasok nadin si tristan sa wakas..

Tuwang tuwa ako nung araw nayun.. Iniisip ko palang ang mangyayari ngayon, napapangiti na ako.

kakain nanaman siguro kami ng kakain, gagala , maghaharutan ,kwentuhan at maglalaro ng mga pambatang laro..

super excited na talaga akong mayakap ulit sya, at gusto ko ng marinig ang paulit ulit nyang sinasabe sakin..

" mahal na mahal kita! kahit ayawan pa ako ng buong mundo, papatunayan ko parin un sayo, iloveyou! "

alam nyo naman siguro kung gano kasarap sa tenga ang mga katagang yun diba?

Parang musika na pinapaindak ang puso mo sa saya .. <3

gusto ko na talaga syang makita ..

at sa sobrang kagustuhan ko na talaga syang makita, pinuntahan ko na sya sa room nila kahit hndi pa tamang oras ..

pero hndi ko gusto ang nakita ng mga mata ko !

One true Love &lt;3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon