Chapter 1: Deep Friendship (SAMPLE CHAPTER)

9.4K 119 27
                                    

Forever in my Arms

written by: Lady_Phoenix

"Xander! Xander nandiyan ka ba?" Maaga pa lang ay sumisigaw na si Ingrid sa labas ng bahay ng kanyang bestfriend. Pero mauubos na yata ang boses niya ay wala pa rin ang kumag.

"Naku Ingrid, ang magaling mong kaibigan tulog pa rin! Kanina ko pang ginigising pero hindi ako pinakikinggan at talagang nagagalit pa! Ikaw na nga ang bahala at baka tumanda ako ng maaga!" Parang mauubusan na ng dugo sa konsimisyon si Aling Inday na lumabas para pagbuksan siya. Ang Nanay ni Xander

Walang sabi-sabing umakyat na siya ng kwarto ni Xander. Talagang makakatikim ito ng mag-asawang suntok sa kanya. Pati siya ay madadamay sa pagka-late ng dahil dito.

Pagpasok pa lang niya sa kwarto ay para na siyang nakakita ng delubyo. Napakaburarang lalaki. Kung saan-saan nakakalat ang mga labahan nito tapos pati pinagkainan nito ay nasa isang sulok lang at inaamag na. Kung saan-saan din siya nakakita ng mga hubad na larawan ng babae. May pagkabastos din talaga ang kaibigan niya. At syempre pa ay wala na rin siyang nagawa kundi ang iligpit ang mga iyon dahil kung hindi ay baka dagain pa ito!

"Hoy Xander! Gumising ka riyan kung ayaw mong tuluyan nang hindi magising! Parehas tayong male-late, unang araw ng klase ngayon!" Pagsigaw na niya na parang sirena na ng ambulansya sa ingay. Pero para bang wala itong naririnig. Nakapikit pa rin at talagang nakangiti pa! Para bang may napapaginipan itong maganda.

"Katherina..." Pag-ungol ni Xander.

Tumaas ang kilay niya. Sinong Katherina? Bagong biktimang babae na naman ba iyon ni Xander? Pero bakit napapaginipan nito kung sino man ang Katherina na iyon?

"Xander, Xander! Gumising ka na kung ayaw mong umpisa pa lang ng klase bumagsak ka na naman! Mahiya ka nga at baka maging repeater ka na naman!" Patuloy siya sa pagkuda. Pero para pa rin itong mantika kung matulog. Nainis na siya at pinagpapalo na ito ng unan pero balewala pa rin dito! Para yatang kahit itulak niya ito sa kama ay hindi ito magigising!

"Xander, kapag hindi ka gumising diyan iiwan talaga kita at hinding-hindi na kita tutulungan sa mga assignments mo! Nakakainis ka na talaga ah!" Pagbabanta niya.

Pero imbes na bumangon ay nakangiting umungol pa rin si Xander habang nakapikit pa rin ang mga mata!

"Ingrid... Sandali na lang... Mga limang minuto na lang..." mahinang sabi nito na para bang sa panaginip nito iyon sinasabi.

Biglang kumabog ang dibdib niya nang marinig ang napakalambing na boses nito. Ang mga pakiusap nito na kahit kailan ay hindi niya magawang tanggihan... Iba ang dating sa kanya ng boses nito. Kahit walang bastos sa sinabi nito ay parang nabuhay ang pagkababae niya. Pakiramdam niya ay parang ungol iyon ng isang lalaking may pagnanasa. May pagkabastos din talaga siyang mag-isip kung minsan. Tsk.

Hindi niya naiwasang hindi maglakbay ang mga mata sa pisikal na kaanyuan nito. Blonde ang buhok ni Xander at matipuno ang pangangatawan nito. Kasalukuyan itong walang pang-taas kaya naman lantad sa mga mata niya ang six packed abs nitong buong-buo. Ni wala itong bilbil sa tiyan at medyo mabalbon pa. Nakaramdam siya ng pamumula ng mukha at pinigilan ang sarili na maglakbay ang mga mata niya hanggang sa ibaba. Baka kapag iyon na ang tiningnan niya ay tuluyan nang bumaha ng dugo sa ilong niya!

Tiningnan na lang niya ang napaka-gwapong mukha ni Xander. Para bang gusto niyang memoryahin ang kurba ng mukha nito na para bang perpekto sa paningin niya. Matangos ang ilong ni Xander at mahaba ang pilik-mata nito. Kulay blue ang mga mata nito na namana nito sa ama nitong amerikano. Ang hairstyle ng buhok nito ay medyo hawig sa character ng Final Fantasy VIII na si Squall Leonheart. Hindi nakapagtataka na maraming babae ang nababaliw dito.

9. Forever In My ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon