NEW ♥1♥ Who's Calling Me? (Introduction of Maeri)

271 11 5
                                    

TheNewPriestess?!(Fushigi Yuugi Fan Fic)

New ♡1♡ Who's Calling Me?

Ako si Maeri Eris Brunsworth

Isang babaeng epic fail pagdating sa lahat nang bagay.

Sa school, 

sa pamilya, 

sa sports.

Anu pa nga ba ang aasaha niyo? Eh ganun eh. Actually nakakaangat naman kami sa buhay. Kaya nga asar na asar sa akin ang mga magulang ko. Dahil yung kapatid ko ay sobrang talino. 

Ikinahihiya nga ako sa amin eh.

 Pero okay lang naman sa akin yun dahil sanay na ako simula pa pagkabata.

Meron nga akong nabasa na manga ata yun. 

Fushigi yuugi yung title. Nakakatuwa lang na in the end, happy ending. 

Kaingget lng. 

Isa pa yung isa sa mga characters dun ay crush ko.

Si Hotohori. Yung emperor? Ewan ko lang ha? Mas trip ko siya kesa kay tamahome. Anyways, kung magkacrush ako sa campus, wala rin namang patutunguhan kundi rejection lang naman eh.

Buti na lang si ate naiintindihan niya ako.

"Ein!! Bakit ang tagal mo naman? Malelate na tayo!!"

"Wait lang ate Kimberly!!"bumaba na ako para makapasok na kami.

"Ikaw talaga!Tara na nga. Dapat maaga tayo para makapagboy hunting!" Bulong niya sa akin. Ate talaga.

Actually ampon lang si ate. Kaso dahil maganda siya,matalino,magaling sa sports, almost perfect na di ba?! Mahirap kasi iempress ang mga magulang namin. 

Maraming nanliligaw kay ate kaso mas trip niya na siya yung naghahanap nang pogi. 

Tsk tsk. Ate talaga noh?

"Pano maiwan na kita dito?sabihin mo lang sa akin pagmay nambubully sayo dito ha???" Ate talaga. 

Tumango tango na lang ako at saka pumasok sa loob nang room namin na sobrang ingay. 

Andyan na may nagmamake ups, nagliligawan, nagsusuntukan , etc.

As in  parang nasa typical school ka lang.

Nagsimula na ang klase namin. 

Ang unang subject ay physics.

Kahit anung pakikinig ko wala akong maintindihan. Huhu..

♥♡♥After 6 hours♥♡♥♡

Lulugo lugo akong lumabas nang room at hinintay si ate sa may parking lot. 

After several minutes dumating na siya at umuwi na kami sa bahay

Yan naman lagi ang routine namin ni ate eh. Siya nakangiti. 

Ako nakasimangot.

Syempre kasi siya may natutuhan, ako wala?. 

Hay naku.

Pagkarating namin sa bahay, sa back door ako dumaan at dumiretso na ako sa room kong walang laman.

I mean, hindi kagaya nung kay ate na punong puno nang mga gadgets at napakaraming damit.

Lahat kasi nang mga nakikita ni mommy at daddy ay binibigay nila kay ate.

 Tss... cellphone nga lang ako eh.

Makatulog na nga lang kesa matahin ko pa ang sarili ko.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Maeri eris brunsworth...... kelan ka pa ba dadating???? Kailangang kalangan na namin ang tulong mo..... hihintayin ka namin....

"

Huff... huff....

Bumaba ako upang kausapin si ate.

"Ate Kim! Bakit mo kailangan nang tulong ko?"

"Tulong mo? Anyare sa yo? Di naman kita tinatawag ah?"

"Haa? Anu? Sigurado ka? Eh nung naalimpuntan ako ey--"

Pinutol niya ang mga sasabihin ko pa.

" Yun. Naalimpungatan ka lang."

Imposible...

Alam kong may nangangailangan nang tulong...

Pero sino yung tumawag sa akin?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 22, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The New Priestess?! (Fushigi Yuugi Fan Fic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon