Bituin

26 5 5
                                    

Chapter 1

Aaaaaarraayy!! Hmmmmphft!! Ang sakit !! Lecheh! sigaw ni jerico sa salamin habang pinipisat ang kanyang tigyawat sa Ilong.

Ano ba naman kasi yan anak?! Wag mo kasing pisatin lalong dadami yan sige ka!! sambit naman ng nanay ni jerica na si aling patring.

Eh kasi naman inay! Ang laki laki na ni bituin at dumadami na sila!! Ayoko mag mukhang tirahan ng mga nuno sa punso ang aking napakaganda at maladyosang mukha ! sigaw naman niya.

Napailing na lang ang kanyang ina sa kanyang tinuran "Hay nako Jerico Rodolfo Palasingsingan" kailan ko ba sasabihin sa iyo na
Wag ka nang magbakla baklaan! Alam kong lalaki ka pa rin jan sa loob mo! Nagsimula ka lang mag ganyan simula ng iwan ka ni Allyson Lei noong mga bata pa kayo!! Pagbabalik tanaw naman ng kanyang ina.

"Inay! Kelan ko ba sasabihin sa inyong di ko kilala yung Allyson lei na tinutukoy niyo saka pangalan palang parang ang chaka nah!! Haay! Kaloka na iistress ang beauty ko sa inyo mamsie!!" Pag kukunwari nya sa kanyang ina

"Hay nako rudolfo tigilan mo nga ko alam kong hanggang ngayon baliw ka pa rin kay allyson".

"Tssss. What ever mamsie i don't care"

"Pag nagkita kayo ni allyson siguradong sigurado ako na hahabulin mo sya. Aba't napakagandang dalaga na at tiyak kong muling mabubuhay yang alaga mo sa loob."



"Nako mamsie tigil tigilan nyo ko dyan sa pag de daydreaming nyo matagal ng wala yung allyson na yon iniwan nya nako at kinalimutan ko na rin sya"



'Sige rudolfo bahala ka,sinabi mo yan ingat ka lang at bigla mong bawiin"

"What ever mamsie, bye muna may gagawin pa kami ng boyfriend kong si lance." kinikilig nyang sabi.

Ang Baklang TorpeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon