Part 26 : I'm still the 'ClumsyOne'

145 19 4
                                    

Part 26

A chapter that is dedicated to my lovable @iska na sobrang love na love ko at kahit bahong baho na sakin e keri ko pa din mainlove sa kanya. CHOS! Iloveyou bebe ko!

"You look gorgeous!"

"No I'm not."

"Yes you are.."

"Ma naman eh.." Napaupo ako dahil ang sakit ng paa ko sa 6 inches na heels na 'to. Lintek.

Naupo sa tabi ko si Mama.

"Ang ganda mo ngayon anak. Let's talk like we don't have problems okay? Para ma cheer up na din 'yang mood mo. Smile ka na anak. Dali na.."

Biglang nag init 'yung magkabilang mata ko.

"Masisira make up mo nak. Alas-sais na oh. Hindi ka pa ba susunduin ni Yggot?"

"Oh that devil."

"Ano kamo anak?"

"Wala PO."

"Ay nako ha.. Wag mo na siyang awayin. Hindi niya kasalanan lahat. Sabi ko naman kasi sayo na I'm trying to cheer up your mood. Wag nang bitter okay? It can't help you and please. Wag na umiyak baby ko." Sabay yakap sakin..

Pinigil ko 'yung luha ko..

Isang oras na lang... Christmas ball na namin.

Sana lang. Wag na umattend si Fer.

Alam ko kasi sa sarili ko na baka magkalat lang ako. Baka mag walk-out lang ako oh baka maiyak ako.

"Ma, nasaktan ko si Fer." 

"Shhh.. Ginawa mo lang 'yun para sa ikabubuti niya. Nakwento na ni Yggot yan pag uwi ninyo kahapon. Tyaka na natin 'yan pag usapan pag uwi mo. Ayokong masira 'yang mood mo okay?"

Wala naman na akong magagawa. Kung hindi ang mag sisi, sisihin ang sarili ko, manghinayang, at umiyak. Hinagkan ni Mama ang mga pisngi ko at niyakap ako.

Maya maya may umuugong na sasakyan na sa harapan ng bahay namin, napabitiw ako sa yakap at lumingon ako sa bintana dahil kita ko naman kapag tumayo ako at tama nga ang hinala ko.

"Andiyan na 'yung sundo mo Ynna. Tara na." Aya sakin ni Mama.

Tahimik akong sumunod sa kanya habang hawak ko 'yung gown ko sa may hitang parte para hindi ako sumubsob habang nag lalakad.

Nasa hagdanan na kami ng umalingaw ngaw na ang bunganga ng ate ko na halos himatayin kasi daw hindi niyang matanggap na kaming batch na lang ulit ang nagka christmas ball.

"NO! NO! NOOOO! PAPAAAAA! HINDI MAAARIIIIII! Bakit ba kasi sa kanya 'yung huling latak ng genes nyo! Bakit ba kasi panay na lang pinagpapala 'yang babae na 'yan! HMP! WIT KO TO KERI! Magpapasagasa na ako sa trailer truck hindi ko na kayang mainggit.. Paalam aking pamilya.." Sabay takbo papasok sa loob ng kwarto.

"Hardkor ba 'te? Bigti naaa! Buang! HAHAHA!" Sigaw ko. Aba. Hindi pa ba siya buang sa ginawa niya na 'yon? Gow pakamatay siya. Sa inggit. hahaha!

Nagpatuloy kami sa pagbaba ni Mama at sa huling hakbang ako iniwan ni Mama.

Napatingin ako sa kanya at sinesenyasan nya na pala si Yggot. Hay nako. Sige pa Ma. Naasar ako promise.

Inalok niya sa akin 'yung right hand niya at nagsalita ng "Will you be my date tonight?"

Hindi ko pa tinutugon 'yung tanong niya tumalon agad siya sa gilid ko.

Never Been Mine?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon