Chapter 3: Where are you

7 2 0
                                    

Isang linggo na ang lumipas at ipinatawag na ang mga pumasang applicant sa org. Hindi na ako sumali sa general meeting to meet them. Since I am not important to the meeting. I let the new batch to handle them. Maasahan naman sila at para saan ang mga itinuro sa kanila kong hindi naman magagamit diba.


Isa rin sa rason ay ang maiwasan ko ang pagkikita namin ni Boks, i really like him but i do not know na sa damidaming organization sa AU sa amin pa siya sumali.


Palabas ako ng mansion, ang malaking masion namin haha, joke, dito ako nag oopisina dahil isa akong volunteer staff ng isang assemblywoman ng aming region.


Kriiiing!  kriiiing!


sino na naman ba ang tumatawag kakainis panibagong trabaho na namn ba ito. Mag bbreak na nga.


"Hello"


"Ate Rose si Sam to hehe"


"Oh Sam kaw pala, napatawag ka? palabas na ako ng mansion, you need some help?" Sabi ko na mejo nagyayabang sa kanya.


"Hindi naman po Ate, haha actually we need your strategies. Can we met? sa DR snack inn lang. See you there." Aniya


"Para sa org.? if para sa org. why not. See you" sabi ko at pinatay ko na ang cell phone ko.


HIndi ko gustong pakialaman kong ano man ang kanilang screening process but ofcourse dapat andon ang presensya ko para at least hindi nila ako masisi. Sumakay ako ng jeep para umakyat sa AU.


Ang AU ay isa sa pinaka malaking Universidad sa pilipinas, itinayo ito sa isang bundok.


"Ouch!" sabi ng naapakan ko.


patay may naapakan ako. liningon ko siya. "Sorry, hindi ko sinasadya" sabi ko at umayos na ng upo sa jeep.


Iniisip ko ngayon makikita ko kaya si Boks sa AU, i mean yong di sinasadya. Pag makita ko siya papansinin ko siya, ay hindi dapat siya ang unang pumansin sa akin tapos he will invite me to a date tapos aaminin niya na gusto niya rin ako tapos syempre aaminin ko rin na gusto siya tapos magiging kami na hahaha. erase erase erase ano ba yan, bakit ko ba naiisip ang mga yon.


Lumingon ako sa gilid at nakita ko yong lalaking naapakan ko kanina, mukhang kanina pa nakatitig sa akin. May pa smile smile pa.


"Ang saya siguro ng iniisip mo no" Sinabi niya sa akin na nakangiti.


Uminit ang pisngi ko dahil sa sinabi niya, nainis narin ako.


"Ang kapal mo naman, chismoso" Sabay umirap ako sa kanya.


"Chill ka lang, di ko naman naririnig o nakikita ang iniisip mo kaya hindi ako chismoso" Aniya.


nakakinis, pwede ba mind your own facial expression, sadyang I have this intellectual face and smile kaya manigas ka.

What ever you say, you want to love again.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon