Malapit na ako dumating sa AU for the defense, dami kong iniisip siguro he quit applying to our org. Sino ba naman mga taong matyaga. Kukunti nalang mga lalaki na nag aapply ng org. karamihan mas pinipili atupagin ang pag aaral at barkada lalo na ang pag lalaro ng DOTA.
"Do you know Bokz?" Tanong ng katabi ko.
Wait, sinabi ba niyang boks? OMG kilala niya? At paano niya nalaman na kilala ko si Bokz, stalker ba to. Kaya nilingon ko "Bokz? Sinong bokz? Maraming bokz sa mundo" at tumingin ulit ako sa kalsada.
"Ikaw si rosalie diba? You are known person. At yong current na binuo niyong grupo sumali pinsan ko kaya tinanong kita kasi alam ko kilala mo siya" Anya at hinawakan ako sa braso para rason na lumingon ako sa kanya.
So pinsan niya pala, e di wow pakialam ko? Kaya nilingon ko siya at inalis kamay niya sa braso ko.
"Yes i know him and that's all" Inirapan ko siya.
"Ganyan kaba kaba? Sa akin ka lang masungit, hindi ganyan pagkakakilala ko sayo. Hinahangaan ka pa naman ng marami. Maldita ka pala" Tiningnan niya relo niya.
"Manong para, dito na ako bababa." Paghinto ng sasakyan bumaba na siya at sinabing "Nice meeting you pala Rosalie, hope to see you again" At tumakbo ulit ang sasakyan.
Na guilty naman ako doon sa sinabi, bakit nga ba ang sungit ko sa kanya. Kainis naman bakit ba ako ganito sa kanya. Ai bahala na nga lang.
Bumaba narin ako ng sasakyan at pumunta sa meeting place namin.
Pag abot ko don, andon si Sam kaya nag beso kami at nag usap nh strategy ng defense kasama ang ibang batch niya.
Lumingon ako sa mga applicants, wala si bokz at ang kasama niya noon na nag pa interview sa akin. Siguro nga sumuko na sila. Lahat mukhang kabado at naka semi formal dahil yon ang ni required sakanila ni Rose Ann ang Screening Chairman.
Pag katapos namin mag usap ng mga members sisimulan na namin ang defense ng mga applicants. Ilang sigundo dumating si boks at kasama kaibigan niya.
Mali ang akala ko na sumuko siya, pero syempre di ko ipapahalata na nabuhayan ako sa pag kakita sa kanya kaya tinarayan ko.
"MR.BOKZ and you na kasama niya, bakit kayo late. We donot tolerating this kind of attitude. Nag aaral tayo para maging professional at kabilang doon ang pag papahalaga sa oras, and my #1 rule is DO NOT BE LATE, understood." Pagkasabi ko non inirapan ko siya.
"Hindi na namin po uulitin" sabi ni bokz.
"Prove it, do not just say it" sabi ko.
Natuwa naman ako dahil buti nalang hindi siya nag quit. Naging masungit ako dahil kahit papaano, kailangan kong alagaan ang standard ng org.
Dalawang oras natapus ang defense nila. Successful naman at maganda ang pag kaka defense nila at nagustuhan din namin kaya tinanggap namin.
"Okay congratulations you all did a great defense, lets call it a day and you can go now" Sabi ko sa kanilang lahat.
Grabi matatalino sila, sana maging maganda resulta ng batch nila para manatili ang pag angat namin sa tuktuk, bago palang ang grupo na binuo namin at hindi maikakaila na magagaling members namin at halos ka level na namin ang ibang sikat at magagaling na org
.-------
That's all for this day readers. Busy ang lola niyo kaya matagal mag update.Sino kaya ang chismosong lalaki sa jeep na pinsan ni Bokz. Ano ang magiging role niya sa buhay ni Rose? Anong hula niyo?.
Salamat sa pagbabasa.
-LID
BINABASA MO ANG
What ever you say, you want to love again.
Fiksi RemajaSometimes, even though you are bitter, there will be a time that it fades for unexplainable reason.