Chapter Three

18 1 0
                                    

Angelo's Pov

Yep, curiousity kills me!! Hindi ko alam kung bakit, kung paano, kung saan, kung kailan. Walang lumalabas sa isip ko na sagot kundi puro tanong lang. Hindi ko din alam kung bakit ako na ku-curious, hindi naman kami. Sana nga di tama yung iniisip ko!

Nakita ko si lianna...

May kahalikang lalaki...

"Shit ayoko ng mabuhay sa mundo!!!!!" Sigaw ko habang mag isa ako dito sa living room naglalaro ng ps4 at habang iniisip ang nakita kong pangyayari. Hindi ako nakaramdam ng selos, ng galit, ng inis pero isa lang ang tanging naramdaman ko, nakaramdam ako ng kaba, at dun pumasok ang napakaraming tanong sa isip ko.

Flashback~

Kagigising ko lang at magluluto na sana ako ng makakain, pero nakita ko yung sapatos kong nike, naisipan kong mag jogging. Nag palit ako ng pangitaas at pangibabang salawal pagkatapos ay nag igib ako ng tubig sa bote kong dadalhin, umakyat ulit ako sa taas para kumuha ng face towel para sa pawis at saka lumarga.

-

Humigit dalawa't kalahating oras na akong tumatakbo, umupo muna ko sa pinakamalapit na bench na natatanaw ko. inilapag ang face towel sa upuan at uminom ng tubig at habang ang bote ay nasa bunganga ko, may umagaw ng pansin sa mga mata ko, nakita ko si Lianna sa isa pang bench na natatanaw ko, napakaganda, napakaputi, puro pawis, napaka-hot! Tumayo ako at bahagyang lalapitan ko, nang biglang may lumapit na lalaki at agad pinunasan ang pawis niya at biglang hinalikan, ng matagal, na matagal, na matagal na matagal. At habang nakikita ko silang naghahalikan sa harap ko, paatras ako ng paatras ng paatras ng paatras. "Ano ba anj! Tumingin ka naman sa dinadaanan mo! masasagasaan ka na oh!" May pagsigaw ng babae, nang muntik na akong umabot sa kalsada kung saan nagdadaanan ang mga sasakyan.

Buti na lang dumating si Athena.

End of Flashback~

"Buti na lang talaga! Nandyan palagi yung bestfrieeend ko!" bulong ko sa sarili ko. Grabe talaga. Kung wala siya paano na lang ako? Oo nga pala nagkabati kami nang dahil dun. Walang kapatawaran na naganap bigla na lang okay na lahat. Ang bait niya diba? Kaya mahal na mahal ko yun eh, sa tuwing kasama ko siya namimiss ko yung mga kapatid kong babae.

"Anj!" May kumakatok sa pinto at sinisigaw ang pangalan ko, boses babae. "Sino yan?" Tanong ko. "Anj si lianna to." Nung malapit na ako sa pinto at bubuksan ko na sana, napaatras ako nung narinig ko na si lianna pala. "I need you Anj." Tumigil ang mundo ko nang makarinig ako ng isang boses anghel na babae na humihingi ng tulong saakin. Walang alinlangan kong binuksan ang pinto at pinatuloy siya. Nakita kong basang basa ang kanyang mukha na punong puno ng luha. Agad niya kong niyakap ng mahigpit, tila ba'y kailangan niya talaga ako. "Anong nangyari?" Mahinahon kong tanong, pinaupo ko muna siya sa upuan at ikinuha ng tubig, ipinainom sa kanya, at kumuha ng panyo at ipinunas sa kanyang luha. "May mahal na siyang iba anj, Hindi ko kaya, nasanay na akong siya ang gumagawa nito saakin, nagpupunas ng mga luha at taga comfort pag umiiyak, sinaktan niya ko, akala ko siya na eh, akala ko siya na yung hinihiling kong lalaki, akala ko siya na yung panghabang buhay ko, akala ko mahal niya ko, akala ko di niya ko iiwan akala ko.. totoo lahat.. akala ko lang pala lahat yun." Sa mga narinig ko, hindi ko alam kung malulungkot ba ako para sa kanya o masaya dahil may pagkakataon na ako na hindi ko alam kung maibibigay ba niya. Hindi ko alam na may karelasyon siya dahil masyado siyang maraming kaibigang lalaki, at sa lahat parehong ugali lamang ang ipinakikita niya. Isinandal niya ang ulo niya sa balikat ko habang humahagulgol ng iyak. "Hayaan mo lianna, magpakatatag ka lang, Hindi lang siya ang lalaki sa mundo, nandito lang ako lianna, hindi kita iiwan."

HATING DESTINYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon