Chapter Two

24 3 2
                                    

Athena's Pov:

"Uy.. yung bestfriend ko papatawarin na ko, uy ano ka ba. Sorry na please." Pangungulit sa akin ni angelo, at pa pout pout pa, ang pangit pwe!

"Oo na nga diba. Pumunta ka na kay lianna, diba gusto mo siyang makita? Oh puntahan mo na." Nag smile na lang ako sa kanya at tumango. Kahit ang totoo nasasaktan na ko.

Oo matagal ko nang gusto si angelo, sa ampunan pa lang, kami na ang magkaibigan. Six years old ako noong nakilala ko siya. Napaka tahimik kasi niya noon at walang kaibigan, so syempre mabait ako, at crush ko nga siya kaya kinaibigan ko. Oh, Fourth year high school na kami, at hanggang ngayon siya pa rin. Ayun nga lang napaka manhid niya. At syempre dahil good girl bestfriend ako, hinahayaan at tinutulungan ko siya kay lianna, bestfriend ko kasi si Lianna, minsan nga feeling ko kaya lang ako kinabigan nito dahil kay lianna eh, ayoko naman mang husga agad dahil feeling ko lang naman yun. Diba ang hirap?

Ang hirap maging tanga sa taong alam mong kahit kailan bestfriend lang ang tingin sayo.

"HOY, NAKIKINIG KA BA?" Sigaw ni angelo sa akin habang winawagayway ang kamay niya sa harap ng mukha ko, ang gwapo niya. Hindi ko maiwasang masagi yun sa isipan ko kahit sa loob loob ko kinamumukhian ko na siya sa sobrang kamanhidan niya.

"Oo na, alam ko namang gwapo ako, wag mo ng isipin yun, ang isipin mo na lang kung paano ko e-effortan si lianna." Marunong ba siyang mag nasa ng isip ngayon?

"Puro ka na lang lianna pwe!" Sabi ko sabay irap. Sana naman makiramdam siya sa nararamdaman ko hindi puro nararamdaman lang niya ang pakikiramdaman niya.

"Grabe, ang sungit mo ngayon carlota. Meron ka ba? Hehehe" Sabi niya at pa tawa tawa pa. Ang sarap bigwasan pucha.

"Leche!"

"Gwapo"

"Gago"

"Pogi"

"Gagi"

"Gwapo sabi eh"

"Gago sabi eh"

Nagtitigan kami ng matagal, siguro mga 20 years din yun.

Joke hahahaha.

Tumawa lang kami parehas nang sabay kaming kumurap. Lechugas dapat galit ako eh, bakit ako kinikilig hahaha. Ang landi ko!

"So? Tutulungan mo na ko?" Sabi niya sabay ngisi. Psh, no choice. Mahal ko eh.

"May magagawa pa ba si Athena?" May biglang nag salita sa likod namin. Agad kong tiningnan, yung karibal ko...

Este yung bestfriend ko, si Lianna.

"Lianne malou!" Sigaw ko sa kanya sabay yakap. Si anj naman, tulalerky turkey na, at na speakless pa. Dumating na yung mahal niya eh.

Ganon talaga yung nararamdaman ng isang tao kapag nakita niya yung taong mahal niya. Parang yung na fi-feel ko kapag nakikita siya.

"ATHENA CARLOTA!!!" Ganti niya sa akin, 'malou' kasi ang pangalan ng nanay niya hahaha, kaya Lianna Malou ang tawag ng barkada sa kanya. Pero Lianna Marie De Guzman ang totoong pangalan niya, ang ganda no? Kinabog yung 'Athena Camille Morales' hindi lang sa pangalan pati sa pagmamahal.

Yay, hugot na naman.

"Angelo Celso tulala ka na naman! Hahaha, tara na malou'skie hahahahahahahaha" Iniwan na namin si angelo na nakatulala pa rin siguro hanggang ngayon.

HATING DESTINYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon