Chapter 17: Miss Grace "Punny" Yeter

42 0 0
                                    

"Sir Dee... Bakit niyo po ako dinala dito?"

"May gusto kasi akong sabihin sayo.."

Sabihin??... Saan naman tungkol ito?.. Kinakabahan ako..


Bago pa magsalita si sir Dee, dumating na yung inorder namin.

"Sir, here's your two wintermelon."

"Thank you."

Inabot sakin ni sir Dee yung isang wintermelon. Inabot ko ito pero hindi ko muna binuksan.

"Yass, bakit hindi mo tikman?"

Sabi sakin ni sir Dee tapos humigop siya ng kaunti sa tea niya.

Tumingin ako kay sir Dee.

"Sir Deelan, ano po ba reason niyo kaya dinala niyo ako dito? Saka, ano po ba yung gusto niyong sabihin?"

Tumingin ulit sakin si sir Dee at ako naman ay nakatingin din sa kanya.

"Sir Deelan?"

Imbis na magsalita si sir Dee, tumayo siya at pumunta dun sa may counter. Tapos bumalik siya na may dalang isang plastik ng cookies.

Inabot niya sakin yung cookies.

"Para sayo, kumain ka muna at inumin mo yang wintermelon mo bago tayo mag usap."

Hindi na ako nagsalita at kinuha na lang yung cookies at humigop sa tea ko.

"Masarap di ba?"

"Opo. Masarap nga talaga!"

Binuksan ko na rin yung cookies at kumuha ng isa. Tinikman ko rin ito at laking gulat ko ng matikman ko ito.

"Wow! Ang sarap ng cookies!! Kakaiba siya sa mga nabili ko."

"Sabi ko sayo eh.. Sige kumain ka muna."

Tumingin ako sa kanya. Hindi ko ma explain kung bakit pero pag tinititigan ko si sir Dee, feeling ko talaga ngang nahuhulog na ang loob ko sa kanya. Yung expression ngayon ni sir Dee ay kakaiba. Para bang good mood na good mood siya.

"Bakit, may dumi ba sa mukha ko?"

Nagulat ako at muntik ng matumba sa kinauupuan ko.

"Ah.. Uhmm.. Wala po hehe.."

Palusot kong sabi. Hindi ko namalayan sa sarili ko na nakatitig na ako ng matagal sa kanya. Baliw ka talaga Yassi!! >___________

Kumuha ako ng cookies at kumagat ng kaunti. Tumingin ulit ako sa kanya ng palihim. Hindi siya nakatingin sakin, nakatingin siya sa may labas ng bintana.

Kumuha ulit ako ng isa pang cookies at binigay ko ito kay sir Dee.

Wala siyang sinabi at tinanggap niya lang ito.

Tahimik lang kaming dalawa.

Maya maya'y si sir Dee na ang unang nagsalita.

"Kilala mo ba si miss Grace Yeter?"

Biglang sabi ni sir Dee.

"Grace Yeter po?..."

Nagisip muna ako.. Yeter?... Hmmmm...

"Ahh!! Si Miss Grace Punny!"

"Oo siya nga.."

Naalala ko na.. Si miss Punny. Yung napakagandang english teacher ng fourth year. Ano naman business ni sir Dee sa kanya?

"Sir Deelan, bakit nyo po natanong?"

"Uhmm... Kasi.."

Parang may tinatago si sir Dee sakin..

Wait.....

"Sir Deelan.. Don't tell me na.. "

"I like her.."

Again... Mga salitang ayokong marinig sa kanya..

"You like her po?.. As in inlove po kayo sa kanya?"

Sana hindi naman.. Sana mali lang ang pagkakarinig ko.

"Uhm.. Yeah.. I think I'm inlove with her.."

No.. No.. No..

Tama ang pagkakarinig ko. May ibang gusto si sir Deelan. Ano ba kasing pinagiisip ko? Masyado akong feeler. Porke mabait at lagi akong pinagkakatiwalaan ni sir Dee akala ko na may something..

Maganda si miss Punny.. Sexy, beautiful, mahaba ang buhok, maputi at mabait pa.. Natural lang na magkagusto si sir Deelan sa kanya.

Kesa sakin... Utusan niya lang, assistant, comedian at isang hamak na studyante lamang..

"Yass.. What do you think of her?"

Hindi ko alam ang isasagot ko. Nadidissapoint na ako. Bakit kasi biglang ganito na lamang ang nangyayari?.

"I think.. Miss Grace is pretty."

"I know. She has everything.. What do you think? Bagay kaya ako sa kanya?"

"Sir Deelan, pogi ka kaya and marami ka ring good points and charm! I'm sure bagay kayo!"

I said that with a smile.

Kelangan maging happy ako sa kanila. Ano ba naman ako.. Yung mahal na mahal ko nakipag break sakin at pinalitan agad ako. Tapos ngayon, maiinlove pa lang ako, kaso feeling ko busted agad ako. Ang saklap naman nitong buhay ko. Leshe.

"Nga pala sir Dee... Bakit po Punny ang tawag kay miss Grace?"

Wala kasi akong maisip na iba kaya yun na lamang ang natanong ko.

"Ahh.. Yun ba?.. Kaya Punny ang tawag sa kanya dahil yun sa tatak ng mga binibili niyang gamit.. Punny Purple kasi yung brand name ng mga gamit niya kaya binigyan siya ng nickname na Punny."

Oh.. Kaya pala. Parang ang chaka naman...

Simula tuloy ng malaman ko na may gusto siya kay miss Grace, naiirita tuloy ako sa kanya. Nagseselos siguro ako.

Miss Grace 'Punny' Yeter... Bakit ka ba nakilala ni sir Deelan ko?...

A/N :

Hello again! Another short bitin Chapter Update! Sorry about that...

Thank you very much for reading my stories guys! Lovelots! And also thank you for the votes too i really appreciate it!! :3

You can also comment anything you want! Mapapositive or negative okay lang. Opinion niyo iyon guys not mine;)

Sorry kung may mga typo error or mistakes man.

Thank you again and see you in the next chapter!

-from the stupid author,
Sweetmonster

Inlove ako sa TeAcHeRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon