Special Chapter - Meet Me At My Favorite Place

45 1 0
                                        

Special Chapter - Meet Me At My Favorite Place

ALEXANDRIA CHARLOTTE

Una pa lamang, alam ko na, hindi ako tagadito.

Hindi ako nakatira sa isang malaking mansyon o malaking palasyo.

Nung una, oo, hindi.

Pero ngayon? Magugulat ba ang mga tao kung sasabihin kung oo?

Nagbago ang lahat ng isang iglap, hindi ko naman, ang gustong buhay ng mga babae dyan sa tabi-tabi ay makukuha ko.

Sino ba naman ang hindi gustong maging kasing yaman ni Alessia Marcella?

Ang pangalan ko ay hindi Alessia Marcella.

Pero simula ngayon, ako na si Alessia Marcella.

"Pero Alexandria Charlotte po ang pangalan ko, ibalik niyo po ako sa mga magulang ko!"

Pilit kong sinasabi sa babaeng kumuha sa'kin.

"Hindi maaari, ikaw ay isang Marcella. Hindi mo pwedeng sabihing ikaw ay isang Charlotte. Simula ngayon, ikaw na ay isang ganap na Marcella, Alessia Marcella."

Napalunok ako sa kanyang sinabi, kakababa lang namin sa karwahe, isang malaking karwahe.

Hindi katulad sa kabayo ng aking ama, na lagi naming sinasakyan, kakaiba ito sa nakasanayan ko, isa itong mukhang mamahaling karwahe.

"Alaga mo ito, Alex. Ito ay galing sa aking ina, na pumanaw na. Ang kabayong ito ay iyong-iyo lamang."

Naalala ko pa ang banggit ng aking ina sa'king kabayo.

Wala akong masabi, sa kanyang puting kabayo na kamukha ng nasa karwahe, pero kakaiba iyon kumpara sa itim na nasa karwahe, pareho lang ang itsura pero iba ang kulay.

"Bakit niyo po ako kinuha, paano po ang aking pamilya?"

Nahalata kong nagalit ang kanyang itsura pero pinili niyang magkapakalmado.

"Dadating na ang iyong ama. Kaya pumirmi ka lang para ayusan."

Payo niya sa'kin, medyo kinabahan, at umubo.

Napakamot ako sa aking ulo, wala namang magagawa kung manlalaban ako baka lalong hindi ako makauwi.

Pero sa lawak ng lugar, alam na alam ko.

Hindi ako makakatakas doon, nang wala lang.

Maraming nakabantay sa'min, maraming tao sa labasan.

Habang inaayusan ako ng mga babae doon, mga maid.

Sa batang pigura ng katawan ko, tandang-tanda ko ang mga pangyayaring iyon.

Pinaliguan, pinaltan ng damit at may nilagay sa aking mukha.

Hindi ko maintindihan noon pero ngayon, medyo alam ko na.

Alam na alam ko na may kakaiba sa napasukan kong lugar.

"Isa kang prinsesa ng lugar na ito. Wag mong kakalimutan, Alessia Marcella."

Ngumiti na rin ang babaeng kumuha sa'kin sa bahay nung nawala ang mga magulang ko doon at napahiwalay ako sa kanila.

Hindi ko inaasahan na ngumiti siya kasi mukhang masungit niya.

Umalis siya at iniwan ako sa isang malaking silid.

"Medyo maliit, hindi naman permanente ito."

Bago siya umalis sinabi niya iyon, kahit naman, alam ko ay malaki ito sa aming bahay.

Iyong kwarto na sinasabi niya.

Nakahiga ako sa isang malaking kama, akala ko ba darating ang lalaking tatayong ama ko?

Somewhere We Only Know ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon