School Day I

42 0 0
                                    

Taeyeon's POV

((( Miss Kim, bumangon na po kayo. Miss Kim. )))

Ang ingay naman. Sino ba yon? Hahayaan ko na nga lang siya. Baka nananaginip lang ako.

((( Miss Kim *kalbit kalbit* gising na po. Mag-agahan na po kayo )))

"Mm..mm"

((( Baka po ma-late kayo. May pasok po kayo nila Mr. Park at Mr. Lu )))

Pasok? Minulat ko na mata ko. *yawn* Ang sarap ng tulog ko, grabe. 

"Miss Kim. May pasok po kayo ngayon. Kumain na po kayo." sabay ngumiti

"Ahh sige. Thank you sa paggising."

Nag-inatinat muna ako. Grabe, ang sarap higaan nung kama. Pagkalabas ko nakita ako ni Chanyeol.

"Good Morning" binati niya ako. 

Mukhang kakagising lang niya. Ang cute nga eh. Di pa nakakapagsuklay. Ay nakalimutan ko siyang batiin "Good Morning din" Kumain na kami ng breakfast. Napansin ko may kulang

"Nasaan si Luhan?" tanong ko sa kanya

"Nasa baba. May kinukuha."

"Ahh, akala ko tulog pa"

Nagbukas ang pinto. Ayun na si Luhan. Tumayo ako tapos nagbow. Binati ko din siya ng good morning. Ngumiti siya sa akin. Nakita ko yung dala niya. Mga paper bags at plushies. Ang aga ng mga fans pumunta dito para lang bigyan sila. I don't see anything special sa kanila but I can't deny na they're really good-looking people, nasa isip ko. Kumain na kami. Nahihiya pa nga ako kaya unti lang kinain ko. Sila ang dami as in. Lalo na si Chanyeol. Nakikipagkwentuhan pa nga sila eh. Nangiti lang ako sa kanila. Nahihiya kaya ako. Hahaha.

"Nga pala, Taeyeon. Ang Seoul Dream Academy ay walang uniform. We have to go there with our casual clothes. Baka kasi maghanap ka ng uniform." sabi sa akin ni Chanyeol

"Oo nga. Kaya be sure na dapat makapal jacket mo kasi malamig ngayon ang panahon" ni-remind ni Luhan.

"Ohh, sige" tumayo ako tapos bumalik sa kwarto. Hindi ko alam kung ano i-susuot ko. Puro pambahay lang kasi 'tong dala ko at unting casual clothes kasi akala ko may uniform. Naiiyak na ako. Huhuhuhu. Biglang pumasok yung isang maid.

"Miss Kim. Eto nga po pala ang closet niyo. Kayo na po bahala kung ano susuotin niyo. Bili po yan ng Dad and ni Miss Steph mo. Sana po magustuhan niyo daw. Yun lang po." 

Napa-Wow ako. Grabe, ang dami. Pero no time for this, kailangan ko ng mag-ayos kundi malelate ako. Sinuot ko yung black leggings at white blouse na galing sa closet tapos yung jacket at shoes ko na lang yung ginamit ko. Masyado na akong pulubi kung lahat hihiramin ko. Lol, pulubi naman talaga ako dito eh. Hehehe. Kinuha ko na yung backpack ko tapos lumabas. Sabi ng maid nasa baba na daw yung dalawa hinihintay ako sa kotse. Edi bumaba na ako. 

---

Luhan's POV

"Ang aga mo nagising ngayon ha. Dahil ba nahihiya ka sa bisita natin? Hahaha" sabi ko kay Chanyeol habang hinihintay namin si Taeyeon

"Hinde. Nagising ako dahil sa'yo. Napakaingay mo. Ang aga aga pa eh"

"Ehh, hindi ko kasi alam ang gagawin dun sa mga regalo kaya kita ginising." smiles

"Lagi mo naman yang palusot ehh." binatukan ako "Aray."

"Nga pala, si Taeyeon. Mabait siya no?" sabi ko

"Oo. Di naman magpapapasok si Auntie ng hindi mabait ehh. Exception ka nga lang" biro niya sa akin

"Ewan sa'yo!!!" mehrong

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 17, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Being With EXOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon