Married

339 6 0
                                    

"Mister! One more!" Tawag ko sa bartender na nagse serve sa akin kanina.

"Rachel. Stop. You're obviously drunk." My bestfriend Marc told me as I was about to drink my shot.

"Please naman Marc. Pagbigyan mo na ako. Bukas magiiba na ang buhay ko. Ikakasal na ako." I took the shot. "Can you fucking believe it?! Marc?! I'm going to be a wife and I don't even know what my husband would be treating me!" I sobbed. Yinakap ako ni Marc sa likod habang bumubulong ng sweet nothings.

---

After our wedding, pumunta kami sa Paris. Ryan had a business trip there kaya sinama na ako ni Ryan para daw ang akalain ng pamilya namin eh mag ho-honeymoon kaming dalawa.

Pinasunod ko rin si Marc para may makasama ako kapag nasa trabaho si Ryan.

Last day namin ngayon kaya pumunta kami ni Marc sa isang bar malapit sa hotel namin. Whole day kasing wala si Ryan, laging busy pero mas maganda narin yun para hindi ako mabadtrip sa pagmu mukha niya.

Marc and I had a great fun. Madaling araw na rin kaming nakauwi ni Marc.

Sa 21st floor your room ni Marc kaya nahuli ako, sa 30th kasi yung sa amin ni Ryan.

Pagpasok ko ng suit namin nagulat ako ng makita ko ang TV na bukas at si Ryan na nanonood.

Naglakad ako papuntang room ko pero nahagilap ng mata ko ang mukha ni Ryan. He's asleep and in sitting position.

Nakakaawa naman siya. I went to my room, i took off my heels and put my purse down my bed bago ako tumungo sa kwarto niya para kunin yung comforter at unan niya. Nang matapps ako pumunta ako sa kinaroroonan niya't pinagmasdan ko siya.

He's so handsome. His natural brown hair that has highlights of blonde that he got from his mom. Matangos ang ilong niya at parang ang sarap pisilin. Ang bibig niya red and kissable parang ang soft. Gusto ko tuloy siyang ikiss.

Naku naku! Rachel. Kung anu anong iniisip mo. Ang halay.

Linagay ko yung unan sa may edge ng couch. Pinahiga ko siyang dahan dahan upang hindi siya magising. Kinuha ko yung mga paa niya at ipinatong sa couch. Nang nakahiga na siya, linagay ko na ang kumot sa ibabaw nya.

Nang matapos ako babalik na sana ako nang marinig ko siyang magsalita.

"Rae.. I mean Rachel.." I turned and looked at him and saw him looking at me. "You're home." He smiled weakly.

"Hey.. Yea.. I am.." I said unsure of what else to say. Hinintay niya ba ako? O my g! Kinikilig ata ako. "Hi-hinintay mo ba ako?"

"Yes.. I kept calling you.. I was so woried.." Napanganga ako. Bakit parang ang sweet niya ngayon. Ibang-iba ang kinikilos nya.

"Bakit?" Yun lang ang nasabi ko? Darn.

"Hindi ka naman kasi inu umaga kapag umu uwi ka. Sinubang kasama mo?" He sighed and sat up.

"I'm sorry, i'm with Marc. Hindi namin namalayang ang oras. And my phone died." I explained.

"next time kasi leave me a message whenever you plan to go out with your so called bestfriend. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa parents mo kung sakaling tumawag sila." His voice suddenly went cold. Bakit ganun?

Bigla akong nadismaya soo.. Hindi nga siya worried sa kapakanan ko, worried siya dahil baka tumawag sina mama't hindi niya alam ang sasabihin niya? Okay. Whatever. Akala ko pa naman mabait na siya.

"K." Yun lang ang sinabi ko at pumunta na ako sa room ko. Sinara ko ang pinto ng malakas.

Nakakabwisit!

Pumunta ako sa Cr ng kwarto ko at pinunu ko ang tub. Nang mapuno iyon naghubad ako at pumta sa bathtub.

Kinuha ko yung pack ng sigarilyo na linagay ko sa gilid ng tub at ang lighter. Sumindi ako ng isang stick at humithit ako.

Ngayon lang ulit ako nanigariliyo. Sa tuwing stress, pagod at bwisit lng ako naninigarilyo.

Simula noong nangyari ang insidenteng yun.

Humithit ako ng humithit hanggang sa naubos ang isang stick.

Inisip ko ang magiging buhay ko pag uwi namin mamaya sa pilipinas. Magsasama na kami ni Ryan sa iisang bubong. Sa ayaw mana t sa gusto ko.

Ayaw ko siyang makasama. Hindi pa ako handa pero wala na akong magagawa yun na talaga ang gusto nila mama't papa. Bakit ba kase kailangan kong sumunod sa kanila? Kung tutuusin, hindi naman na nila kailangang pakeelaman ang buhay ko because I'm a woman now. I'm 24 for pete's sake.

Lumublub ako sa tubig at sumigaw. Dahil sa bwisit ko sa sarili ko at sa mga magulang ko. Kung sana naging mas responsible ako hindi nila ako kailangang ipasok sa relasyong hindi ko naman gustong pasukin.

Hindi rin namalayan ang mga iyak ko na tumutulo na pala na parang wala ng hanggan.

I bend my knees and brought them to my chest. I bowed my head and cried.

"I'll do my best to keep away from him and not to be attached." I promised myself.
***

Thanks for reading
-Babe

Ps. NOT EDITED

UnpredictableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon