Chapter 19

3 0 0
                                    

Haayy. Grabe tong araw na to? Nakakapagod!
Nagsisimula na akong tanggalin lahat ng gamit ko sa bag para maayos ko na sa Drawer!
Habang busy akong nagaayos .. Nakarinig nalang ako bigla na Taong Umiiyak . Yung tipong Humihikbi?

"B-bakit? Hindi mo ako naiintindihan? M-mahal ko siya! Gusto ko siya! At ginagawa ko to dahil pinaglalaban ko siya!"

Huh? Sino kaya tong babae? Dahan dahan akong pumunta sa may pintuan para silipin kung sino yung naandoon .. Buti nalang may awang ang pinto..

Kylie? At Jake? Si kylie yung umiiyak? Tsk. Tsk sabi na e may something!! Sakanila!

"Hindi ko alam kung bakit siya pa! Ang dami dami dyan! Bakit siya pa? Alam mo ba kung gaano kasakit? ALAM MO BA!!"-Jake

Nagulat ako ng sinigawan ni jake si Kylie! Aba! Etong suplado na to! Ang lapit lapit lang ni Kylie e! Makasigaw wagas! Parang mapuputol yung ugat! Sa lalamunan e!

"Oo! OO! alam ko ! Bat ano sa tingin mo yung sitwasyon ko ngayon? Diba parehas na parehas tayo mahal mo ako pero mahal ko yung kaibigan mo ! Mahal ko yung kaibigan mo pero mahal niya yung kaibigan ko!! "-Kylie

Kaibgan ni kylie? Sino?? Grabe nakakacurious tong dalawa ha! =_= una hindi ko alam na may pinagsamahan pala to! Tas ngayon! May mga love love triangle na! Ano baaaa? Updated pa ba ako sa paligid ko??

"Bakit siya pa?"-Jake

"Mahal ko siya at gagawin ko lahat para lang mahalin rin ako ni--"-Kylie

"Guys?"-Zoren

Hinayupak! Eksena naman to oh! Malalaman ko na kung sino yun ee!
Patagong nagpahid ng luha si Kylie para hindi mahalata ni Zoren na umiiyak siya! Kaso halata parin -,-

"Sorry hindi ko alam na naguusap kayo.."-Zoren

Nagkanya kanya na ng Direksyon Si Kylie at Jake . Saka naman ako lumabas para Hambalusin to si Zoren!

"Huy ikaw na kupal ka!" Sabay dinuro ka siya to the Hayest Lebel (Highest level)

Tas tiningnan niya ako parang *what the fuck is your problem?* look.

"Ano na naman?!"-Zoren

"Bakit mo gunawa yun?"

"Alin?"-Zoren

"Bat ka umeksena sa mga sasabihin ni kylie! Malalaman ko na sana kung sino yung taong kinakabaliwan ng BESTFRIEND KO E! Kaso umefAl ka -_-"  bwisit na bwisit kong sabi.

"O easyhan mo! Iyak ka na e! Di ko naman alam na NAKIKINIG ka pala sa mga pianguusapan nila e! Edi sana na inform mo ako diba! "-Zoren

"Aysssst! BEASTMODE NA AKO HAYOP!"

Tas binato ko siya ng Tsinelas..
sa sobrang inis ko HAHAHA . sorna! Nakakabeezmode eee!! Hayst . Ewan ko ba kung bakit gustong gusto kong malaman kung sino yung tinutukoy ni kylie na MAHAL niya ! May nafefeel kasi akong something e . ARGHHHHHH!

- KEEGAN's P.O.V-
*bogsh*

Nagulat ako ng may bigla nalang lumagabog na pintuan!

"Ayst!"-Hayesha

Tinitingnan ko lang siya! Anong problema nito? Bat badtrip to? Parang kanina lang Ang ganda ng mood e! Tsk. Hindi ko muna siya pinansin mainit pa kasi ulo e. Nagpatuloy muna ako dito sa ginagawa ko! Ng biglang..

-Buzz-
May nag text saakin

FROM:09*********

Gaganti ako sayo! Hayop ka! LAHAT NA INAGAW mo TANGINA MO! wala akong pakialam kahit kaibigan kita! GAGO! Bakit kahit wala kang ginagawang effort! Ikaw parin ang gusto niya? Ano bang meron ka? Na wala ako ha? Tangina mo!!

WALANG FOREVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon