Chapter 6

128 1 0
                                    

[Nobody's POV]

"Dara.."  Tawag ni Jiyong kay dara na unti unting lumalakad palayo sa kanya

"Baby girl mianhe..." 

"Mianhe..." 

"Mianhe. I made the biggest mistake for letting you go." Sabi ni Jiyong habang naka takip ang dalawang kamay sa mukha para pigilan ang pag tulo ng luha.

"Im falling without you.."

"Please Come back.."

"Jebal.." 

Hindi alam ni Jiyong na merong isang pares ng mata na naka titig sa kanilang dalawa ni Dara habang pa labas ng sasakyan ni Jiyong.

______________________________________________________

[Bigbang's Dorm]

"Hyung!" Sigaw ni Seungri sa harap ng pintuan ng kwarto ni Jiyong.

"Hyung!" Sigaw ulit nito.

"Yah! Maknae! Anong sinisigaw sigaw mo dyan?" Tanong naman ni Top.

"Hyung, Si Jiyong Hyung kasi! dalawang araw na nag kukulong sa kwarto nya."

Dalawang araw na.. Oo, dalawang araw na ng mag kulong si jiyong sa kwarto nya.

Dalawang araw pag tapos nya makita si Dara..

Dalawang araw pag tapos nyang makita si dara na lumalakad papalayo sa kanya.. 

"Yah! Bakit hindi mo sakin sinabi!" Sigaw ni Top.. 

"YAH! JIYONG AH!" Sigaw ulit nito habang kinakatok ang pintuan ng kwarto ni Jiyong 

Hindi alam ni Seungri at ni Top ang gagawin dahil hindi sumasagot si Jiyong sa loob. 

"Hy..hyung pa..pano kung nagpakamatay si jiyong hyung sa loob ng kwarto nya?" sabi ni seungri 

Nanlaki ang mata ni Top dahil sa sinabi ni seungri at binigyan naman nya ito ng isa sa kanyang deadly glares na ikinatakot naman ng maknae.

"Fck!" Sigaw ni Top na ikinagulat ng lalake sa tabi nia.

"Hyung pano kung sirain nalang natin ang pintuan ng kwarto ni jiyong hyung?" Suggest ni seungri 

Huminto si Top sa kaka katok sa pintuan ni jiyong at tinignan si seungri ng "good-idea-look"

Pero alam nilang hindi nila kayang sirain ang pinto ng silang dalawa lang kaya tinawagan nila si Youngbae at Daesung..

Dali Daling bumalik sa bigbang dorm si Youngbae at Daesung ng malaman ang nangyari. At pinuwersa nilang buksan ang pintuan ni jiyong. Sabay sabay nila itong sinipa..

Hindi sapat ang isang beses para mabuksan nila ito. Di nag tagal bumigay din ang pinto at nakita nila si Jiyong na naka higa sa lapag.

Tinawagan ni Daesung ang manager nila at pari narin si Yang hyun-suk (YG) para ipaalam ang nangyari kay Jiyong.

Dumating sa Bigbang Dorm ang kanilang Manager pati na rin si Yang hyun-suk at tumawag ng Ambulance para isugod si Jiyong sa Hospital. 

"Top hyung." Tawag ni Yb kay Top.

"Bakit bae?" Tanong naman nito.

"Pwede ba tayong mag usap? Yung tayong dalawa lang?" Sabi naman nito habang nakatitig sa mata ni Top.

"Neh.." Sagot naman nito.

____________________________________________________________

[Youngbae's POV]

Nandito kami ni Top hyung sa rooftop kung saan kami pumupunta pag may importante kaming pag uusapan.

Halata sa mukha nya na pagkalito kung bakit ko sya gustong makausap.

Umupo ako sa isa sa mga bench na nandito sa rooftop at nakatingin kay Top hyung na naka sandal sa pader malapit sa pinto.

Nakapikit sya at malamang hinihintay na mag salita ako. 

"Hyung.." 

Hindi sya sumagot, isa lang ang ibig sabihin nun. Hinihintay nya kong mag tanong. 

"Hyung, bakit ka nasa airport nung dumating ang 2ne1?" Tanong ko sa kanya. 

"Bae, alam mo kung ilang taon ako nag hintay." Sabi nia.

"Alam ko hyung. Alam ko dahil parehas lang tayo."

"Hindi Bae, dahil alam ko na nung malaman mo na sila na hininto mo ang nararamdaman mo. Pero ako hindi."

Tama si hyung.. Nung araw na malaman ko na silang dalawa na. Sinuko ko ang nararamdaman ko kay Dara. 

"Bae, Nung nalaman ko ang ginawa ni Jiyong sa kanya nagalit ako. Nagalit ako kay Jiyong dahil sinaktan nia si Dara.. hindi lang isang beses." 

"Bae isa lang ang hiling ko. Sana wag mo kong pigilan sa nararamdaman ko kay Dara." Sabi ni top hyung bago pumasok sa loob.

Hindi lang ikaw ang nagalit kay Jiyong, hyung. Pero wag kang mag alala. Hindi ako hahadlang. Isa lang din ang gusto ko, Ang makita ulit ang mga ngiti sa magandang mukha ni Sandara Park.

 ______________________________

Dong Youngbae/Taeyang/Sol >>>>>>>>>>

TodayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon