Chapter 7: Heartaches part 1

127 2 0
                                    

[Flashback]

Kakatapos lang ng Concert ng Bigbang at dahil successful ang cuncert, pumunta ang bigbang boys sa Paradise Kiss Club kung saan sila nag pupunta nung trainee days palang nila.

Sa Paradise Kiss Club sila nag ce-celebrate. 

Nasa VIP Room sila, sa 2nd floor ng club kung saan mga celebrities or idols ang pwede.

Masayang nag ce-celebrate ang lima dahil sa success ng kanilang concert ng may biglang pumasok na babae at lumalakad papunta kay Jiyong.

Nagulat ang kasama ni Jiyong sa babaeng kakapasok lang ng kwarto. Nag tinginan ang apat at na parang nag uusap. 

"Hi" Bati ng magandang babae

"Yo, Ahn Sohee." Sabi ni GD

Ngumiti ang babae at umupo sa tabi ni GD.  Hindi nila pinansin ang apat na pares ng mata na naka titig sa kanila.

Walang nagawa ang apat na kasama ni Jiyong kundi tignan silang dalawa. 

Kanina pa ang nag ri-ring ang cellphone ni Jiyong pero hindi nia ito sinasagot.

Dahil sa ingay ng cellphone nya, pati na rin sa pag kainis dahil sa nakikita ni Top nag salita ito.

"Jiyong, di mo ba sasagutin yan?"

"hmmm.." Kinuha nya ang cellphone nya at sinagot ang tawag. 

"yeoboseyo?" Sabi ni Jiyong.

"Wala, kami kami lang ni Top hyung, Youngbae daesung at Seungri." Sabi nia ulit. Hindi nya pansin ang ingay sa kabilang linya kung nasan si Dara.

"Bye." Sabi nito at nilapag ang cellphone kung saan ito nakalagay kanina.

______________________________________________

Hindi alam ni Jiyong pati narin ng Bigbang boys na nasa labas ng VIP room si Dara kung saan sila nag ce-celebrate.

Nakita din ni Dara ang pag pasok ni Sohee sa loob. 

Kasama ni Dara si Cl, at Bom. Bakas sa mukha ni Cl at ni Bom ang pag-alala kay Dara.

Pero walang makakapigil kay Dara na makita kung ano at bakit nasa loob si sohee kasama ng Bigbang, lalo na nandun si Jiyong. Si Jiyong ang Boyfriend ni Dara.

Pumasok si Dara sa loob at nakita nya na naka akbay si Jiyong sa balikat ni Sohee, at si Sohee naman ay naka yakap kay Jiyong.

Nagulat si Youngbae, Daesung at Seungri sa babaeng nasa pinto. Hindi nila inaasahan na makita si Dara dito. 

Nagulat ang lahat ng tao sa kwarto, lalo na si Jiyong at Sohee.

Nakatayo lang si Dara, Tinititigan ang dalawang tao na magkayakap ng pumasok sya.

Bakas sa mukha nito ang pagkagulat, ang sakit ng malaman na may ibang kayakap si jiyong bukod sa kanya.

"Jagiya..." Sabi ni Jiyong at tumayo

"Ah.. Mianhe, mukhang nakaka istorbo ako sa inyo." Sabi ni Dara na halatang pinipilit na hindi maluha sa harap ni Jiyong.

"Ja..jagiya a..ano ka..kasi.." Sabi ni Jiyong at lumakad papalapit kay Dara.

"mianhe Jagiya, akala ko kasi kayong BIGBANG BOYS lang ang nandito. Yun kasi ang sabi mo kanina. Pero mukhang may iba pa kayong kasama." Sabi ni Dara habang naka titig kay Sohee na may nakakainis na ngiti sa mukha. 

Umalis si Dara sa Paradise Kiss sinusundan ni Cl at ni Bom.

Hindi sya pwedeng maiyak, hindi pwedeng makita ni Jiyong na nasasaktan sya, hindi nya dapat makita na tumutulo ang mga luha nia dahil sa kanya. 

Binilisan ni Dara ang lakad papunta sa service van na sinakyan nilang tatlo papunta sa Paradise Kiss Club. Bumalik sila ng 2ne1 dorm, pumasok sya sa kanyang kwarto at nilock ang pinto.  

Umiyak sya.. Iniyak nya ang sakit na nararamdaman nya ngayong gabi.

Binuhos nya lahat ng sakit na naramdaman nya.

Ang sakit ng makita nya si Jiyong na may kayakap na iba.

Umiyak sya hanggang sa makatulog sya..

 [A/N: Si Ahn Sohee po ang nasa pic >>>>>>>> ]

TodayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon