Enjoy Reading Guys! ^_____^
CHAPTER 6:
DARTH
6:30am ng gisingin ako ni Makenzi
''Bumangon kana diyan Darth! Dali! Kailangan mong makita 'to.'' ibinaling ko sa ibang direksyon ang ulo ko.
''Ayoko, inaantok pa ako. Mamaya ko na titignan, maaga pa Makenzi! Lumabas kana..'' nag talukbong ako ng kumot pero patuloy pa rin ito sa pag hila at pagkulit sa akin na bumangon na.
''Bahala ka nga diyan! Ikaw din!'' salamat naman at umalis na siya.. Ipinikit ko ulit yung mata ko..
''Darth di ka talaga babangon??'' hindi ako sumagot, dahil ang aga pa! May sariling oras ako ng pag gising.
Halos mapalundag ako sa kama dahil binuhusan niya ako ng puro yelo na tubig.
''Achooooo!! Baki..... Achoooooooooooo!!!''
''Ayan gising kana siguro niyan no?? Tara na!!'' napakamot nalang ako sa ulo dahil walang paraan para hindi ako tantanan ng babaeng 'to.
''Kapatid ba talaga kita o ano?!'' binatukan niya ako gamit nung tsinelas niya. ''Hoy Makenzi! Di porket bata ako sayo pwede mo ng gamin lahat ng gusto m-----''
''Ayan, minsan bawasan mo ang pagtalak. Mas matalak kapa sa ate mo!!'' sira ulo talaga 'to! Tama bang ipasubo sa akin yung tsinelas niyang pambahay?!
''Ano ba kaseng ipapakita mo?? Inaantok pa ak-----'' natigilan ako ng makita ko si Mea na nag hahanda ng pagkain.
''Bat hinayaan mo siyang mag luto? Ikaw talaga Makenzi ang hilig mong manutos ng mga nakaka bata sayo!''
''Gusto mo ulit masapak?! Kagigising ko lang din no! Pagkagising ko ayan na siya.'' madalas kase hindi naman namin inuutusan yung mga kasambahay namin. Dahil madalas nandun sila sa mansyon sa tapat ng bahay nila Mea. Tsaka malimit din kase kaming mag stay sa bahay, doon sa bahay talaga namin.
''Bakit hindi nalang si Mea ang ligawan mo? Tutal..'' tinignan ko si Makenzi at iba ang tingin nito.
''Ayoko.''
''Bakit ayaw mo diba sabi mo noon siya yung first love mo? Kaya nga hindi ka nag gi-girlfriend diba? Kase hinahanap mo siya.''
''Tigilan mo nga ako Makenzi!'' kinurot ni ate yung pisngi ko.
''Asus, binatana na talaga ang baby bro ko.'' hindi ko na ito sinagot, at nag dire-diretso na ako sa upuan. Yung literal na pwesto ko dun sa upuan ng padre de pamilya, samantalang si ate naka upo dun sa may kanan. Si Mea naman umupo sa may kaliwa.
''Ano to??'' masungit na sabi ko.
''Pag kain.'' nakangiting sabi ni Mea. Fried rice, piritong itlog, pancakes hotdog at mga naka balat ng prutas ang inihanda nito para sa almusal. Ngayon lang kami mag aalmusal ni Ate. Dahil kadalasan nag aalmusal kame sa mga fast food chain.
BINABASA MO ANG
L.A SIDE STORY #1: THIS FOOL
FanfictionWhen mea's mom died when she was 5 years old, hindi na ito kinausap ng kanyan ama. They even consider her as a bad charm to the family. No one dares to talk to Mea, dahil base sa sabi ng iba may kakibit daw itong kamalasan. Since then, she distances...