CHAPTER 10:BIRTHDAY

10.1K 300 62
                                    

CHAPTER 10:BIRTHDAY

Mula sa aking pagtulog nagising ako ng marinig kong umalingaw-ngaw yung boses ng ate ko.

''OMG! Look ohh baby bro, binilhan kita ng.. Tadadada''

''Makenzi, Please get out, inaantok p---''

Natigilan kaming dalawa ng biglang tumunog yung doorbell. Nagkatinginan kami at mabilis na bumaba. Baka sina mama na 'to. Pero pagkabukas namin ng gate, si Mea ang nandun at may kasama itong babaeng na siguro kasing edad ni Ate.

''Dito kaba tumitira ha? Wala ka talagang hiya! Pokpok kaba ha?!'' nakayuko lang si Mea.

''Teka nga, sino kaba at ginaganyan mo si Mea?'' mahinahong tanong ni ate Makenzi na noon ay sinusubukang lumapit kay Mea.

''Pag pasensyahan niyo na yung kapatid ko. May sakit kase, I mean may deperensya kase siya sa utak ka kung saan saan siya nakakatulog. Wala kase siyang hiya at walang isip kaya wala sakanya kung makaperwisyo siya ng ibang tao.'' sabay ngiti nito sa amin, samantalang hawak-hawak niya sa braso si Mea, nagulat kaming mag kapatid ng bigla niyang itulak si Mea.

“What the…” sumenyas ng tingin sa akin si ate Makenzi.

“Please don’t  make a scene here.” Kalmadong sabi pa rin ni ate

''Sige, lumuhod ka! Humingi ka ng paumanhin sa pang-gugulo mo sakanila.'' nawala yung antok ko sa ginawa niyang yun, pero hindi ko hinayaan na ipag patuloy pa yun nung babae na hindi ako nag kakamali na ate ni Mea.

''Pwede bang huwag mong hiyain si Mea sa harapan namin? Kahit naman na ganun, tao pa rin yan.'' mataray na sabi ni ate Makenzi, lumapit ako kay Mea at sinubukan itong tumayo, pero umiling lang 'to na parang sinasabi niya sa aking 'okay lang ako, huwag mo akong alalahanin.'

 

''Nako! Huwag niyong kaawaan yang babaeng yan, umaarte lang yan. Mea! Pag di ka lumuhod malalagot ka sa akin!! Mag sorry kana! Nakakahiya ka talagang kapatid.''

''Saglit nga!'' pumagitna si ate at itinulak papalabas yung kasama ni Mea.

''Nababaliw na kayo, talagang naaawa kayo sa babaeng yan?! Umaarte lang yan!''

''Pag di ka tumigil sa kaka dakdak mo, sasampalin talaga kita!'' pag babanta ni ate.

''Mea, you don't have to kneel down. Ako naman yung nag offer sayo na dito ka tumira and one thing, WE'RE FRIENDS right? So okay lang kahit dito ka mag stay. Hindi ka nakakaperwisyo, tandaan mo yan.'' sabay lingon sa akin ni ate.

''At ikaw naman, nasaan ang manners mo? Like seriously, bakit kailangan mong ipangalandakan sa mundo na MALAS siya? May proweba kaba? I believe ikaw ang nakakatandang kapatid ni Mea.''

“So e ano naman sayo?”

“Pag di ako nakapag pigil sasampalin na talaga kita!”

L.A SIDE STORY #1: THIS FOOLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon