CHAPTER THIRTY-ONE | TRAITOR

683 14 0
                                        

Stab the body and it heals, but injure the heart and the wound lasts a lifetime.

THE ROZOVSKY HEIRS 7 | VOW TO THE PRINCE

CHAPTER THIRTY-ONE | TRAITOR

DAMIEN

I could still hear Mom's cries. The guilt was killing me when she just kept on crying when we talked last night. She didn't blame me. In fact, she didn't say anything at all. She just kept on crying and I heard one time that she said it was her fault.

What I did was no one's fault. It was mine alone. I acted irrationally but like what my father said, if I think that what I did was right, I shouldn't feel any guilt. But my Mom, I knew she was so disappointed. And last night, I decided to do the right thing.

So, right at this moment, I said my goodbyes to Saryna. I should fix the mess that I did alone. Uncle Aux called my father and they talked about the decision on what to do with her. He told Uncle Pats his decision to hide Saryna with her bodyguard. And I guess that was the most logical thing to do. Even if Saryna was hating Raglan, only him could protect her and she would be away from the prying eyes of the family that I knew wanted to get even for what I did.

Saryna kept on crying when I told her my decision. She said she was a witness too and she could give a statement for this. But no. Labas na siya dito. Tama nang ako na lang ang makaladkad sa gulo na ako naman ang gumawa. I would protect her like I protected Peyton.

"We will see each other soon."

Walang tigil ng kakaiyak si Saryna habang nakatayo sa harap ko. Talagang humahagulgol tapos ay muling yumakap sa akin na ayaw nang bumitaw. Napatingin ako kay Raglan na naghihintay sa kotse at nakatingin lang sa amin.

"I can help you to get away from this," humihikbing sabi niya.

Ngumiti ako ng mapakla at marahan siyang inilayo sa akin. Pinahid ko pa ang mga luha niya.

"This is my battle, Saryna. I could get out of this. It's about time that I stand up for myself. Alone. Go." Tinapunan ko ng tingin si Raglan tapos ay muling tumingin sa kanya. "He can protect you."

Hindi ito tiningnan ni Saryna at nanatiling umiiyak sa harap ko. Natawa na lang ako at muli siyang niyakap tapos ay hinalikan ko sa noo.

"Go, Saryna. The next time we see each other, everything will be over. Everything will be fine and I will be a cool cousin." Pinilit kong tumawa sa kanya.

"I like you the way you are." Basag na basag ang boses niya.

"I know." Muli ay hinalikan ko siya sa noo at inihatid ko na sa sasakyan kung saan naghihintay si Raglan. Inalalayan ko pang makasakay si Saryna at ako pa ang nagkabit ng seatbelt niya. Hindi niya inaalis ang tingin sa akin at nangingilid pa rin ang luha sa mata.

"I can stay with you," pahabol pa rin niya. "I can stay here."

"Our parents already decided. This is the best for both of us right now."

Bago pa muling makapag-protesta si Saryna at isinara ko na ang pinto ng kotse at lalo lang siyang umiyak. Napahinga ako ng malalim at lumapit kay Raglan.

"Take care of her, please." Seryosong sabi ko sa kanya.

Tumango lang siya sa akin at sumakay na sasakyan. Tumabi na ako nang umandar ang sasakyan nila at tinanaw ko na lang palayo hanggang sa mawala sa paningin ko. Nang lumingon ako ay nakita kong naroon na si Uncle Pats at tipid na ngumiti sa akin.

ROZOVSKY HEIRS SERIES 7: DAMIEN ALFONSO (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon