1: Thief

22 0 0
                                    

This is my first story. And I will try my best para matapos ko to. Kasi ang dami dami kong naiisip na plot pero diko alam kung paano ko isusulat. HAHA! And feel free po to comment positive or negative po. Kung may maling grammar pakicorrect. I will not take it as negative po kasi I stand to be corrected. And makakatulong po yun para mag improve pa po yung writing skills ko. Thank you and Enjoy reading po. :)

-----------------------------------------

Chapter One

3pm palang dinismiss na kami ng instructor namin, ganun naman talaga kapag first day diba? And believe it or not, wala akong nakilala kasi hindi ako nakikinig. Para san pa at makikinig ka kung makikilala mo din naman sila pag nagtagal na ang klase.

Ako nga pala si Kailey Aceah Alexandria, 16 years old, hindi ako yung tipong agaw tingin. Chubby kasi ako, hindi katangkaran. Kumbaga sa over all apperance, hindi maganda hindi rin panget, sakto lang.

Dahil first year palang ako at first time kong mamalagi dito sa Baguio, masyado pang maaga para umuwi. Haha! Gusto kong pumunta ng SM, narinig ko kasi na nakasale doon.

Habang pababa ako ng hagdan sa Main gate ng Shebo Li University, biglang may sumabay sa akin. Isang babae, pamilyar siya at mukhang mabait naman.

"Hi! Ang swerte natin no? Mukhang mabait yung mga instructor natin." Hala, hindi ko na siya matandaan. Kablock ko ba to?

"Oo nga eh. Ano na nga ulit pangalan mo?"

"Eh! Di ka nakikinig kanina. Haha! Ako nga pala ulit si Carmela Fabros." Ahh, blockmate ko nga. Iniabot niya yung kamay niya sa akin para makipag shake hands. At dahil syempre mabait ako kaya tinanggap ko.


"Kailey Aceah, Aceah nalang." At nagshake hands kami.


"Pupunta ka ba ng SM? Sabay na tayo. Wala pa kasi akong friend eh. Taga baba ka din diba? Taga La Union kasi ako. Taga saan ka na uli?" Hindi naman halatang madaldal siya diba? At naalala ko na, sya pala yung nakaupo sa harap.

"Ahh oo, taga Pangasinan ako. Tara sabay na tayo." Since madaldal siya, wag na lang akong mahiya. Hahaha!

So ayun nagpunta kami ng SM, totoo nga. Naka-sale sila at ang mura ng mga bilihin. Andito kami sa Department store at ang daming gustong bilhin ni Carmela. Hanggang sa nakakita kami ng damit na pareho naming gusto, bumili kami. Ang saya niya kasama. Haha! Tas ayun pauwi na nga kami.

"Uy Aceah, minsan sabay natin tong isuot ha? Tara uwi na tayo."

"Sige ba! Sige mauna ka na ha, may bibilhin pa pala kasi ako e. Nakalimutan ko kanina." Ani ko.

"Sige ingat!" At ayun nauna na siya umuwi.

Grabe ang saya ngayong araw kahit isa lang nabili ko. Haha! Masyadong enjoy kasama ni Carmela, kahit dadalawa lang kami. Papunta ako sa may benxsch, bibili kasi ako ng pabango ko. Naisipan ko lang, kasi paubos na e.

Ichecheck ko na sana kung anong oras na sa phone ko kasi wala akong relo. Mahirap lang kasi ako. Haha! Hinahanap ko siya ngayon sa bag ko ng biglang may bumangga sa akin. Muntik na akong masubsob. Ay OA. HAHA! Tumalsik kasi ako. Peri di ako natumba.

"Aray!!!" Ang sakit kasi ng pagkakasalpok niya sa tagiliran ko, masakit kaya try niyo -_-

Nagsitinginan yung mga tao sa amin. Napalakas ata yung aray ko. Nakakainis! Ang lakas kasi ng pagkakasalpok, ewan ko. Tumatakbo ata to kanina eh, alangan naman na naglalakad? Kung naglalakad to edi hindi masyadong masakit ang bangga niya. Diba? Diba? Tiningnan ko nga siya ng masama!

So near yet so farTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon