Chapter Three
Gulat ako. As in nanlaki yung mata ko.
"What did you just say?" Tanong ko sa kaniya.
"What??! It's true. It's also my----" Hindi ko na tinapos ang sasabihin niya.
Batay sa kwento ni Camille, matalino at gwapo yan pero babaero. Kaya paano ako maniniwalang first kiss niya rin yun? Like, duuuh.
"I'm not fooling around. You know that I know, you are famous in this school." Napatingin ako sa ID niya. O_O
4th year na siya. Bakit ako nagulat? Hindi halata sa kaniya. Wala lang, siguro kasi gwapo siya. (Siningit ko lang. Hahahaha!)
Naalala ko bigla si Camille. Oo nga! Iniwan ko siya sa gate 3 dahil hinila ako ng lalaking to. -_- psh!
"Base na rin sa mga naririnig kong chika, babaero ka. Kaya wag mong sasabihing first mo din yun! Liar!" At sinipa ko sa 'where-it-hurts-the-most' part niya.
"AAAAAHHHHH! HOOOY! BABAWIAN NA TALAGA KITANG BABAE KAAAA!!!!! AAAAHHH!!!"
Iniwan ko siya dun ng namimilipit though hindi naman ganun kalakas ang binigay kong sipa. Syempre ayoko din namang maging dahilan ng pagkabaog niya no. Basta alam kong nasaktan yun.
Sorry na if ang hard ko sa kaniya. Sampal dito sipa doon. Ganun kasi ako mainis e.
Try out na ng badminton. Andito ako ngayon sa Gym, at nakikinig sa mga paliwanag ni Coach. Lahat kami magtitraining muna, at bawat isa sa aming mga bago may nakaassign na varsity na magiging partner namin.
Yung mga nagtry out din na babae, magkakakilala sila, loner ko naman. May inassign na si coach na mga players sa mga bago pero kulang ng isa. Kaya ang partner ko ay si Coach nalang.
Kilala ako ni coach kasi nung highschool ako, kinukuha niya na akong player niya pag nagcollege na daw ako. Kasi laging kami yung champion nung highschool at nakikicompete sa regionals o sa palarong pambansa, ganern. Taray. Haha!
Since hindi naman ako ganun kachismosa, diko kilala yung top players nila. Graduate na kasi yung mga kakilala ko. Diko na alam kung sino na ang mga nasa ranks.
Biglang dumating yung rank 1 player daw sa boys. Sya na daw maging partner ko sa training sabi ni coach para mas lumakas pa daw ako. Gusto niya kasi talaga akong maging part ng team niya.
Hinintay ko si kuya Daniel daw kasi nagpapalit pa siya.
"IKAW?!"
"IKAW?!"
Sabay kami niyan te.
O_O wtf!!
"IKAW SI KUYA DANIEL?" Gulat parin ako.
"So ikaw ang itetrain ko na sinasabi ni coach Honey." Ay hindi hindi. Hindi ako. Manunuod lang ako. -_-
Bigla siyang nagsmirk. Halatang may binabalak ang loko. Hindi naman pwedeng magtaray kasi papagalitan ako ni coach. Sa team daw nangingibabaw ang respeto lalo na at mga higher years ang kasama namin sa team.
Ngunit ako'y lubos na nababahala sa itsura ng kumag na to. Dahil kanina lang sinipa ko ang presidente niya at sinabi niyang babawian niya ako. :'( Bat ba kami laging pinagtatagpo. -_-
"Let's start!!! But first, warm up muna tayo." At pumwesto siya sa harap ko.
1..2...3...4...5....6....7...8....9...10
Pataas ang ginagawa namin. Mula tiptoe, tuhod, bewang at ngayon nasa shoulders na kami.
"You're doing it wrong Kailey."
"Stop calling me Kailey. Aceah is my nickname." Inirapan ko nga.
"It's still your name." Lumapit siya sa akin. Sa harap ko. As in katapat ko na yung dibdib niya. Kasi nga maliit ako at matangkad siya. Hinawakan niya yung shoulder ko at niguide niya.
"We don't need to be this close!" Tinulak ko siya at napaatras siya. Kainis kasi. Baka mamaya nanananching lang to.
"You're so tough. Hindi ka pa rin nagbabago."
Medyo malabo yata yung sinabi niya? Hindi naman kami magkakilala bat sinasabi niyang hindi parin ako nagbabago. Nawiweirdohan na ako sa kaniya.
"Ang cute mo talaga pag naguguluhan ka." With smile yan.
"Wag kang feeling. You really don't know me kaya stop acting like we know each other before!"
He just laughed at me. Na parang normal yung mga pinagsasabi niya. If i know ginugulo lang niya pag iisip ko. Nakakainis! Bat pa kasi siya ang partner ko?
"Magfocus ka sa stretching. And never talk back to me again during training or else I will punish you." Bigla siyang nagseryoso. WTF?
"Kasama ba to sa plano mo? Kung nasaktan kita, pervert ka kasi!"
Kunwari hindi ko na pinansin yung mga sinabi niya kanina. Pero ang totoo, iniisip ko yun at naguguluhan ako.
Kung part to ng paghihiganti niya sa akin, effective. Sht mindgames. Mahina ko jan.
"30 rounds jogging whole court."
"WHAAAAT?!" Shet.
SINONG HINDI MAGUGULAT EH FIRST DAY NA FIRST DAY NG TRAINING 30 ROUNDS AGAD?
May balak ba akong patayin nito?!! Or gusto niyang wag na akong bumalik at wag na mag varsity??!
"Plus 5 rounds."
"Peroo...."
"What did I told you? Never talk back to me during training."
Sinamaan ko siya ng tingin. Dina ako umimik. Duhhh? Baka dagdagan niya yung punishment. Bwisit talaga siya. Paglabas ng court makikita niya.
So tapos na magjogging iba kong kasama, ako 10rounds palang. Naglalaro na sila, ako patapos palang sa warm up jog na to. Pashnea.
After mga 5 mins, super hingal na ako. Hello? Nakahilata lang ako buong bakasyon tas pagpasok sa training, hard agad????"Kailey, lakad ka 3 rounds. Then join us sa court. Pasalamat ka first day ngayon." Seryosong sabi niya.
Ang gwapo niya tignan pag seryoso. So sa training seryoso siya? Hays bobombahin ko talaga siya after ng training!