"Mhhhmm Hmmm" panay lang ang aking pag hum sa aking ginagawang paglalakad pauwi para maibsan ang nararamdaman kong pagkatakot sa paligid.
Ikaw ba naman ang maglakad sa ganitong nakalatag na ang kadiliman ng gabi samahan pa ng nagtataasan at naglalakihang mga puno pati na ang mga dahon nito, at ang napakalamig na simoy ng hangin.
"Sa wakas nakita rin kita. Prinsesa" tinig na hindi ko alam kung saan nagmula at kahit di ko ito nakikita ay ramdam ko na hindi magandang pangyayari ang hatid nito sa akin.
"Mag. . .magpakita ka!!" sigaw ko na medyo nauutal na.
Isang malamig na simoy ang naramdaman ko ng biglaan at mula sa kung saan ay bumulwag sa harapan ko ang isang lalaki na namumula ang mata at nakalabas ang mga pangil nito.
"Isa kang bampira??" tanong ko dito ngunit imbis na sagutin ay bigla itong naglaho at hindi ko pa nagagawa ang kasunod na paghinga ay hawak na ako nito sa leeg at itinaas.
"Ahhhh!" palahaw ko para may mahingan ng tulong kahit na alam kong napakalaki ng posibilidad na walang makakarinig sa akin sa kalagayan kong ito.
"Nasaan na ang libro??"
"Ackkk *cough**cough*" tanga ba ang lalaki na ito. Paano ako makakasagot eh nasa leeg ko kamay nya.
"Hindi ako tanga. Alam kong kaya mo akong kausapin gamit ang iyong isip"
Naririnig nya ang sinasabi ko sa isipan ko??
Ayaw ko mang gamitin dahil hindi ito normal na gawain pero gipit ako sa sitwasyon kaya naman . . .
"Ahhhhh!!" sigaw nya kasabay ng pagtalsik at pagkakabitaw nya sa akin sa ginawa kong pagpapakawala ng sarili kong kapangyarihan.
Hinarangan ako ng kapangyarihan na pinalabas ko mula sa akin. Isa itong Leon na kulay puti.
"Hahahaha!!!" tawa nya na parang nasisiraan na ng bait.
"Ginagamit mo na pala ang mga alaga mong walang kwenta. Ipapakita ko sayo kung anong kapangyarihan ang mayroon ako.
Hindi ko kinaya ang kasunod niyang ginawa. Dahil sa isang iglap hawak na nya ang ulo ng pinalabas ko kanina lang.
"Bakit??"
Isang suntok ang naramdaman ko sa aking likod na sya kong ikinatumba.
"Hindi ko akalain na sa ganitong pamamaraan kita mapapatay Prinsesa"
"Hin. . .hindi ka mananalo. At kahit kailan, di mo makukuha ang libro!!"
Itinaas ko ang aking kamay para patamaan sya ng kidlat ngunit agad nya itong napigilan.
"Tsk Tsk. Wag ka ng mag aksaya ng kapangyarihan. At yung tungkol sa libro, makukuha ko din ang bagay na iyon. Hahaha. At ako na ang magiging pinakamakapangyarihan sa lahat ng mga sorsera at bampira"
Ramdam ko ang lamig ng hinihigaan kong semento at nararamdaman ko rin ang matinding panghihina. Epekto siguro ng mahika na ginamit niya sa akin.
Kitang kita ko ang pagtaas ng kanan niyang kamay at lumabas mula roon ang nagkokorteng bola na apoy.
"Katapusan mo na!!"
-@-@-@
Fantasy?? Yah Bet??
Haha..Maganda ba??
Feedback po kung dapat ko bang simulan :')
BINABASA MO ANG
The Sorcerer and the Vampire
FantasíaIsa lang sya sa napakaraming estudyante, at tanging sya rin ang naiiba pagdating sa katangian. Makakaya nya kaya ang sunod sunod na pagsubok na haharapin niya sa kanyang buhay?? Gayong ang sarili nyang kakayahan ay hindi nya matanggap.?