❤️DDGCCL 4 - Catch You ❤️

4.5K 134 39
                                    

>>>Thunder's pic on the media

Chapter 4

>>>Skye's POV

Nandito ako ngayon sa opisina ni Cloud at nagmamasid sa paintings na nadisplay. Maganda ung taste nya sa paintings. Gawa pa ng sikat na painters kaya malamang mas mahal pa yan sa renta apartment namin ni Syrelle nang isang buong taon. Nandito ako sa opisina nya dahil tumawag sya kahapon para sa 'kasal' daw namin. Ung lalaking un, bigla na lang eentrada sa tawag kahapon ng 'Marry Me'. Hindi ba pwedeng 'hello' muna? Muntik ko na tuloy natapon ung hawak kong cellphone kahapon. Ayoko pa naman ng nabibigla ako kahit na papayag naman ako.

Maganda naman ung opisina ni Cloud kaso masyadong plain for my taste. Typical na office ng lalaki, white and black. Pero ang pinakagusto kong part ng office nya ay ung floor to ceiling na window sa likod ng mesa nya. Overlooking kasi sa buong city. Nakakarelax din tsaka parang mas magaan mag-isip kapag nakatingin ka doon.

Napadako ung tingin ko dun sa picture frame na nasa malaking table ni Cloud. Picture iyon ng isang napakagandang babae. I know it's his Mom on her younger days. Sabi ni Syrelle, beauty queen daw ung mama nila nung dalaga pa sya kaya hindi nakapagtatakang maganda ang lahing kinalabasan. Hindi ko nga lang alam kung bat naligaw si Cloud na may lahing kasungitan. Mabait naman si Syrelle.

Akmang kukunin ko na ung picture frame para tignang mabuti nang bumukas ung pinto. Napabawi tuloy ako ng kamay ko.

"If I were you, I wouldn't dare touching it,"sabi ng bagong dating. Si Cloud ung nabungaran ko. Pero bat may iba sa kanya? Una, nakaleather jacket sya. Pangalawa, hindi ganun kasungit ung itsura nya. Pangatlo, hindi sya nakasimangot sa 'kin. Pang-apat, iba nararamdaman ko sa kanya. Ewan ko ba.

"C-Cloud, sorry,"nahihiyang sabi ko. Nahuli nya kasi akong pinapakialaman gamit nya.

"You're forgiven. In one condition,"sabi nya at lumapit sa 'kin. Napaatras ako sa table hanggang sa naramdaman ko nang tumama na ung likod ko sa edge nung table.

"C-Cloud.."nauutal na sabi ko at iniharang ko ung kamay ko sa dibdib nya dahil sobrang lapit na nya sa 'kin. "L-lumayo ka nga,"

Pilit pa din syang lumapit.

"Thunder! Stay away from my fiancée,"sabi ng kakadating lang. "And Skye, I don't tolerate infidelity,"

Tumawa nang malakas si Thunder at lumayo sa 'kin. Napatampal ako sa noo ko nung marealize ko na may kakambal nga pala si Cloud. First time ko kasing makita si Thunder kahit na matagal na kaming magkaibigan ni Syrelle. Lagi kasi syang nasa ibang bansa dahil car racer sya.

"Kakambal mo pagsabihan mo. Sya ung lumapit. Tsaka sa papel lang tayo magiging mag-asawa. Wag kang feeler,"naiinis na sabi ko kay Cloud. Infidelity agad? OA lang. "At ikaw, nakakainis ka din,"sabi ko kay Thunder at sinuntok sya sa balikat na tinawanan lang nya.

"You should have seen your face, woman. It's priceless. Para kang maiihi na sa takot," natatawang sabi ni Thunder sa 'kin tapos humarap sya kay Cloud. "I didn't know that you're possessive, Cloud,"sabi nya at inakbayan pa ko. "Sumakay ka lang,"bulong nya sa 'kin.

Pinilit kong alisin ung braso nya sa balikat ko pero ang lakas nya. "Ano ba!"sabi ko sa kanya. Ano bang sasakyan ko?

Lumapit si Cloud sa 'min at hinila nya ko palayo kay Thunder. Hinapit nya ko sa bewang kaya napadikit ako sa kanya. Bigla naman akong nailang. I can feel the heat of his hand on my hips.

"Anong kailangan mo at nanggugulo ka dito?"tanong ni Cloud kay Thunder sa seryosong tono.

"I just want to meet my soon-to-be-sister-in-law. Sabi kasi ni Mama, magpapakamatay ka na daw,"nakangising sabi ni Thunder. Inilahad ni Thunder ung kamay nya sa 'kin. "I want to properly introduce myself. I'm Thunder Fuentes, gwapo, mayaman, malakas ang appeal, hunk, mabait, pwede mong ipalit kay Cloud dahil di hamak na angat ako ng kagwapuhan sa kanya,"

Natawa ako nang bahagya sa kanya. Tama nga ung sinabi ni Syrelle. Sobrang kulit ni Thunder, opposite sila ni Cloud na bato. "Kambal kaya kayo at sabi ni Syrelle, playboy ka daw,"sabi koz

Humawak sya sa dibdib nya. "Aw! Hindi ko lang talaga matiis na hindiin ang mga babaeng nasasaktan,"

Akmang iaabot ko na ung kamay ni Thunder nang pigilan ako ni Cloud. "Wag kang makipagkamay sa kanya. Madumi kamay nya. Taong grasa yan,"masungit na sabi ni Cloud. "At ikaw, dinudumihan mo ung opisina ko ng grasa mo. Nakilala mo na si Skye kaya umalis ka na. May pag-uusapan pa kaming dalawa,"

"Possessive,"sabi ni thunder and then he smirked at cloud. Lumapit sya sa 'min at hinalikan ako sa pisngi na ikinainit ng mukha ko.

"Bye, Skye. Nice meeting you. Call me if you want another groom,"nakangising sabi nya at lumabas na ng opisina. Naiwan kami ni Cloud na nakatingin sa pinto. Dun ko lang napansin na nakawak pa din pala sya sa bewang ko.

Awkward! Para ding ang bilis ng tibok ng puso ko.

Lumayo ako sa kanya at pumunta dun sa kabilang side ng table. "Ah. Eh. Cloud, ano na ung pag-uusapan natin?"

Umupo sya sa swivel chair nya at tinuro nya ung upuan sa harap na umupo daw ako. Agad akong umupo.

"Our marriage,"parang balewalang sabi nya at may kinuhang papel doon sa isang gilid.

Inabot nya un sa 'kin. Contract pala un.

"After the wedding, we have to live in one roof for a year. Bumili na ko ng bahay. You'll have your own room--"

"May work room din ba ko?"singit ko sa kanya. Un lang naman gusto ko eh.

"Yes. Ikaw na din bahalang magdecide kung gusto mong paltan ang interior ng bahay but leave my room alone,"

"Paki ko naman sa room mo?"

He just shrugged his shoulders. "Syrelle told me about your solo exhibit. I'll be your sponsor and I'll help you with the advertisement. In the course of one year, you'll receive a monthly allowance. After a year, we can file an annulment and you'll receive 10% controlling shares of Fuentes Empire,"

Hindi ko na napakinggan ung iba nyang sinabi dahil tumatak sa 'kin ung 'annulment'. hindi ko alam kung bat parang may kumurot sa loob ko.

"Immediate family lang ang makakaalam ng marriage natin but I still demand fidelity from you,"sabi ni Cloud.

"And I demand same from you. Para pantay,"sabi ko sa kanya. "Pero parang di mo magagawa dahil ayaw ng babae sa bato. Si Darna lang ang gusto ng bato,"

Nakakunot ang noo na tumingin sya sa 'kin. Iningusan ko lang sya. "Isa lang kondisyon na gusto ko. Ayokong malaman ni Daddy na kontrata lang ang mamamagitan sa 'tin,"

"Fine! We'll act in front of your family. You'll be my contract wife but I have another rule,"sabi nya at tumayo. Lumapit sya sa 'kin at inilapit nya sa 'kin ung mukha nya. "You can fall in love with me but I'm not promising to catch you,"


>>>tnx for reading... ^___^
---till next time... ^___^

Sorry sabog. XD

Drop-Dead Gorgeous CEO's Contract LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon