❤️DDGCCL - Bridal Shower❤️

2.4K 47 16
                                    

Chapter 5

"Pwede ba, Skye, tumahimik ka na lang at sumunod sa agos?"nakapameywang na sabi sa 'kin ni Syrelle.

"Eh kasi naman, bakit kailangan pang may bridal shower?,"pagrereklamo ko sa kanya. Nandito kami sa labas ng bar na pag-aari ng isang kaibigan ni Cloud para daw magkaroon ako ng bridal shower. Eh si Syrelle lang naman nangungulit na magkaroon ako nun. Ayoko naman talaga. Pinasuot pa nya ko ng dress na maikli na tribal ung design. Patube din ung style at medyo nakikita ung cleavage ko kaya nakakailang. May belt pa na syang pinasuot sa 'kin.

"Syempre ikakasal ka eh,"sabi nya sa 'kin. "And every bride deserves a proper bridal shower"

"No. A real bride needs one,"kontra ko pa rin.

"Your marriage with my brother is real, besh. Even if it's only written in a damn paper, it's still real. Besides, ano bang mawawala sa 'yo kung gagawin natin 'to. We need to party. Eto ung last day mo ng pagiging Sy. Tomorrow, you will have my brother's name,"katwiran pa rin nya sa 'kin. "Tsaka nandito na tayo eh kaya pumasok na lang tayo,"

Wala na kong nagawa kundi sumunod na lang. Iisipin ko na lang na simpleng party lang 'to. Tutal this is my last day as a single woman. Tama si Syrelle, bukas, madadagdagan ng 'Fuentes' ang apelyido ko. Hindi ko akalain na isang linggo na pala mula nung huli kaming nagkita at nag-usap ni Cloud. I can still remember how pissed off I am when he said those damn words. Asa pa syang mahuhulog ako sa kanya. At ang kapal ng mukha nyang sabihing hindi nya ko sasaluhin? Napakayabang talaga nung aroganteng yun. Hindi naman kagwapuhan.

"Aray,"sabi ko dahil bigla akong natalisod pagpasok namin sa bar. "May sa demonyo talaga ung lalaking iyon,"bulong ko sarili ko

"Ano bang nangyayari sa 'yo, besh?"puna sa 'kin ni Syrelle dahil bumangga ako sa kanya pagkatalisod ko. "At sinong lalaki ang iniisip mo?"dagdag nyang panunukso.

Inirapan ko lang sya. "I'm not thinking about your brother,"

"I didn't said any particular man,"painosente nyang sabi sa 'kin but her eyes are full of mischief.

"Ewan ko sa 'yo,"napipikong sabi ko pero tinawanan lang nya ko sabay hila ng kamay ko.

Dinala nya ko sa isang private area sa second floor ng bar na 'to. I've been in this bar before but I didn't know that they are also catering private parties like this. Pero kunsabagay, the rich and famous are the usual patron of this bar.

I was greeted by different hoots from the people in the room. Kakaunti lang ang tao dito dahil nga dapat immediate family lang ang makakaalam ng kasal namin. Mga nasa sampu lang ung tao dito which consist of Serendipity, Tita Elvira and Tita Yuriko. Nandito din pala ung mga hipag ko, sina Ate Crean and Ate Blythe. Even kuya Exer's wife is here, Cleo. Lahat sila nakangiti sa 'kin.

Lumapit si Serendipity sa 'kin at may sinuot na veil. Nilakihan ko sya nang mata para ipaabot na ayoko nun pero nginisihan nya lang ako. I can't directly object dahil nga nandito sina Tita Yuriko. Ayoko namang maging bastos. I know they put an effort to do this party. I just don't know who is the mastermind. Perhaps it's Syrelle.

Kasunod lang ni Serendipity sina Tita Yuriko at Tita Elvira. Tit Yuriko has the biggest grin I've seen from her so far. She's really stunning with a michievous glint in her eyes just like her daughter. Iyon nga lang, unlike Syrelle, Tita Yuriko is tall.

"Congratulations, anak,"malawak ang ngiting sabi ni Tita Yuriko pagkatapos nya kong halikan sa pisngi at yakapin. "I can't wait to be your mother-in-law,"

Nangilid ung mata ko ng luha. Namimiss ko kasi si Mommy. Kung nandito pa sya, I know that she'll be happy for me. "Thank you, tita,"

Umiling sya sa 'kin. "Mama. Sanayin mo na na yun ang itawag sa 'kin,"

"Okay po, Ma,"nakangiting sabi ko habang pinipilit na wag umiyak. It's been a while since na may tinawag akong 'mama'.

"Itigil na natin ang drama! Let's party!"sigaw ni Syrelle at kumindat sa 'kin. She really can read me better than anyone else. Alam kong alam nya na naaalaa ko si Mommy.

Pagkasabi nya nun, biglang may mga pumasok na tatlong lalaki na nakaboxers lang at nakamaskara. May dala silang tray ng drinks and food. Nanlaki ung mga mata ko at tumingin kina Serendipity.

"What? Kulang ang bridal shower kung walang macho dancer,"nakangising sabi ni Serendipity. "And besides, it's not my idea. Tita Yuriko planned it all,"

Pagkalagay nila ng mga pagkain at drinks, umalis din sila kaya nakahinga ako nang malalim. Nagsimula kaming magkwentuhan at magtawanan. Pagkatapos naming kumain biglang pumasok ulit ung mga lalaki. Nagulat pa ko dahil akala ko, hindi na sila babalik.

Mas lalong parang lumaki ung ulo ko nang napalingon ako kay Tita Yuriko. Malawak ung ngiti nyang kinindatan ako para sabihing ienjoy ko ang hinanda nila.

Nagsimulang lumapit sa 'min ung mga lalaki. Gusto kong umatras dahil hindi talaga ako sanay sa ganito.

Nagsigawan ung mga kasama ko nang hilahin ako nung isang lalaki at inuupo ako sa isang chair. Gusto kong mapalunok nang mapalingon ako sa katawan nila. I can't deny that they have perfect body pero ayoko lang talaga ng ganito. Nagsimula ung tugtog at lumayo muna ung mga lalaki.

Tawa nang tawa sina Syrelle nang malingunan ko para humingi ng tulong. Alam nya kasi kung gano ako naiilang sa mga lalaki eh.

"For once, enjoy being around them. Tsaka hindi ka naman talo eh. Ganda kaya ng katawan nila,"sabi ni syrelle na lalong ikinatawa ng iba pa naming kasama.

Nagsimula nang sumayaw ung mga lalaki sa unahan ko. Akmang tatayo na ko dahil masyado na talaga akong naiilang nang biglang bumukas ung pinto at iniluwa ung isang taong hindi ko akalaing makikita ko. Mas lalong nanlaki ung mata ko nang makita ko ung ayos nya. bakit sya nakaboxers din at nakapiring?

>>>>tnx for reading... ^___^
---till next time... ^___^

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 20, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Drop-Dead Gorgeous CEO's Contract LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon