CHAPTER I
Tinanghali na naman ng gising si Daniel. Sino ba naman ang gustong magising sa isang napakagandan panaginip?
Napanaginipan na naman niya ang isang babaeng napaka-amo ng mukha, nakapikit at tila sarap na sarap sa tulog. Kawangis nito ang anghel sa kaamuhan ng mukha.
Buong summer na niya napapanaginipan ito. Nagtataka siya kung sino ang babaeng iyon sa panaginip niya, sana ay makilala na niya ito....
Isang tulog na lang ay pasukan na. Nag-iisip na naman si Daniel ng effective na pamamaraan upang maasar ng bonggang-bongga si Kath. Kaklase niya ito since first year, second year, at third year. At magiging kaklase niya uli ito. Last year na niya sa highschool kaya itotodo na niya ang pang-aasar kay Kath.
Si Kath ang madalas niyang mapagtripan dahil sa cute ito at mabilis magalit, bungagera rin ito at sobrang payatot ang katawan. Pero maganda ito at morena, bukod dun ay matalino rin ito at aktibo sa paaralan.
"Daniel! Tanghali na hindi ka pa rin gising?" , aniya ng mama niya na halatang galit na.
Nang marinig niya ang boses ng mama niya ay napabalikwas siya sa kanyang hinihigaan at dali-dali siyang bumaba bitbit ang tuwalya, "Dyan na po ma!", at tinungo na niya ang banyo.
Pagkatapos maligo ay nag-almusal na siya at inihanda na niya ang mga gamit para bukas dahil pasukan na.
Kung tinanghali ng gising si Daniel , si Kath naman ay hindi pa nagigising. Magdamag kasi itong nakatunganga sa computer. Sanay na rin ang mama niya sa ugali niyang ito pero madalas pa rin siyang napapagalitan ng mama Min niya. Si Kath ang pangatlo sa apat na magkakapatid. She was in grade 6 when their father died. Malaki ang age gap nilang magkakapatid, apat sila. Ang kuya Neil niya ay may asawa na at ang ate Julia naman niya ay nasa abroad na. Samantala siya ay nag-aaral pa lamang. At pareho silang ga-graduate ni Daniel this year.
Si Daniel naman ang panganay sa kanilang magkakapatid. Mayroon siyang nakababatang kapatid na lalaki na si JC, at dalawang cute na cute na mga little sisters na sina Maggie & Carmela .
Both of them have many differences. Si Kath ay lumaki sa buhay na gusto niya lang ang nasusunod, nakukuha niya lahat ng gusto niya. Samantalang si Daniel naman ay lumaki sa buhay na sobra ipit. Yun bang hindi siya pinahihintulutang pumunta kung saan-saan. In short, strict ang parents niya.
Even if they have diffences in some ways, they also have many similarities.
See that on the following chapters...
BINABASA MO ANG
DREAMLAND :)
FanfictionPano kung isang araw malaman mo na ang taong siyang parati mong inaasar ay yung taong matagal mu nang hinahanap at napapanaginap? ano kaya ang magiging reaksyon mo? Titigil ka ba sa mga pinaggagawa mo o ipagpapatuloy upang mas maging mas mapalapit s...