Kathryn's POV
Excited na ako! I'm going back to the Philippines na! Miss ko na din ang barkada. Pumunta kasi kami dito sa States after kong mag-first year highschool. Napagpasyahan kasi ni Mommy na magstay dito for 2 years para dun sa branch ng company namin dito. Btw, ako nga pala si Kathryn Chandria Bernardo. Mabait, maganda, matalino, at talented daw. Volleyball player din ako dito sa school na pinasukan ko dito sa States. Mayaman nga pala kami. Kami ang ang may-ari ng Rynardo. Ang pinakasikat na fashion store sa buong mundo. Sa akin pinangalan ang store dahil daw balang araw, ako ang mamamahala nito at dahil mahilig din ako sa mga damit.
Rynardo from Kathryn Bernardo.
My mom gave me a Porsche Cayman na color yellow and a condo unit at Raffles Residences in Makati City. She said na pag umuwi na ako ng Philippines, doon daw ako magii-stay. Pero wala naman akong pake kahit mayaman kami eh. I just want to live a simple life lang naman.
So ayun nga, nagbibihis na ako at nag-aayos na ng sarili dahil ngayon na ang uwi ko. After kong mag-ayos, bumaba na ako. Pagbaba ko, nakita kong may kausap si Mama sa telepono.
"... huwag niyo munang sasabihin sa kanya ha? I trust you guys. Salamat." Sasabihin ang alin at kanino? Binaba na ni Mommy yung phone.
Ako: "Alin ang huwag sasabihin Mom? At kanino?" Napaharap sa akin si Mommy at mukhang nagulat.
Mommy: "Ah.. eh.. Huwag muna kakong sabihin ng mga barkada sa schoolmates niyo na uuwi ka para surprise. Oo, yun nga." Tapos nginitian niya ako. Grabe. Miss ko na din sila. "Osya, sige na anak. Tara na at baka ma-late ka pa sa flight mo." Kinuha ko na yung maleta ko at lumabas na para pumasok sa kotse. Nagdrive na si Mama papuntang airport. Pagdating namin doon, bumaba na kami ni Mama at hinatid niya ako dun sa may entrance.
Mommy: "Mag-iingat ka doon ha? Mamimiss kita anak. I love you." Sabay halik ni Mommy sa forehead ko.
Ako: "Opo mommy. Mag-iingat din po kayo dito. I'll miss you too, mom. I love you." Hinalikan ko siya sa cheeks at pumasok na sa loob ng airport. Dumeretso na ako dun sa waiting area.
ALL BOARD PASSENGERS FOR FLIGHT 0126, US TO PHILIPPINES, PLEASE PROCEED TO GATE 26. THE GATES ARE NOW OPEN. YOU ARE NOW FREE TO BOARD.
Nang marinig ko yun ay tumayo na ako at nagpunta na sa gate 26 para pumila. Nang makarating na ako sa loob ng airplane, hinanap ko na yung seat ko at umupo na dun. Nilagay ko na yung earphones ko sa tenga at nagplay ng music. Matutulog na muna ako. PHILIPPINES, HERE I COME! =))
[A/N: Panaginip ni Kath yung naka-italic.]
***
Nandito kami ngayon sa isang beach. Eto yung beach na lagi naming pinupuntahan. This place is so romantic. Nandito ulit kami sa may sanga ng isang coconut tree. Nakaupo kaming dalawa. Habang magkahawak kami ng kamay. Nag-uusap, nagtatawanan, at nagkwekwentuhan lang kami. Nang makita na namin yung sunset, nagbitaw na kami ng kamay. Humarap kami sa isa't isa. Nagngitian kami. (See the picture on the right side) Umurong ako sa tabi niya at sumandal sa may bandang chest niya habang siya naman ay nakaakbay sa akin. At pinanood na lang namin yung sunset.
"I love you Kathryn."
"I love you too."
"Forever and always." Sabay naming sabi.
***
***
Nandito ulit kami sa may beach. Medyo kinakabahan ako. Parang alam ko na yung mangyayari. Nagkaroon kasi kami ng away last week at hanggang ngayon, ganun pa din. After ng away namin na yun, hindi na siya nagparamdam. Ilang araw din akong umiyak nun gabi gabi. Ayoko kasing magkaaway kami. Pero hindi naman niya ako pinapansin eh kahit nagsosorry na ako. Umupo ako sa tabi niya. Nakatingin lang siya sa dagat.