Chapter 2

4 0 0
                                    

Daniel's POV

Nandito kami ngayon sa Condo unit ni Kath. Napagdesisyunan kasi nila na dito daw muna magstay para daw makapili na kami kung saang resort kami magbabakasyon. Yung girls, nandoon sa kama ni Kath. Nakaharap sila sa laptop dahil nagsesearch daw sila ng magandang resort. Kami namang boys, nandito sa lapag habang naglalaro ng poker. Si Kath nga pala nandun sa closet niya. Mag-aayos lang daw siya ng gamit niya.

Ako: "Guys, alis lang ako sandali ah?"

Sila: "Osge!" Lumabas na ako ng unit ni Kath at nagpunta sa rooftop. Umupo na ako sa may bench at pumikit. 

*Inhale*

*Exhale*

Bigla ko na lang naalala yung isang scene na lagi kong napapanaginipan.

***

Bigla na lang siyang naglakad palayo sa akin. Hindi ako makagalaw sa pwesto ko. Hanggang ngayon shocked pa din ako sa mga nangyayari. Ang tanga ko. Ang tanga tanga ko. Sinaktan ko yung taong mahal na mahal ko at ang taong nagmamahal din ng sobra sa akin. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Hindi ko na pinigilan ang sarili ko na umiyak. Tutal wala namang ibang tao dito at gusto ko lang din maglabas ng sakit. Ang bakla ba? Pasensya na. Pero yun talaga yung gusto kong gawin eh. 

"Mahal na mahal kita." Sinabi ko 'yan kahit na alam kong hindi niya ako maririnig at mas lalong umiyak. 

Gabi na kaya napagdesisyunan kong umuwi na lamang sa bahay. Pagdating ko doon ay nakita ko si Mama na nagaalala. 

Mama: "Anak naman. Saan ka ba nanggaling ha? Gabing gabi na. Tsaka bakit ka ba umiiyak?" Tanong sa akin ni Mama.

Ako: "Ma, wala na siya." Umakyat na ako sa kwarto ko at humiga na lamang. 

***

"Ang lalim naman ata nang-iniisip mo?" May narinig akong nagsalita kaya napamulat ako. Nakita ko si Kath.

"Ahh.. Wala lang 'to. May naalala lang ako. Ikaw, bat nandito ka?" Tanong ko sa kanya.

"Hmmm. Nagpapahangin lang ako. Atsaka may naalala lang din ako."

"Uhm Kath?"

"Bakit?"

"Pwede mo bang ikwento sa akin yung naalala mo? Pwede mo naman akong sabihan eh. I'm your friend." Ngumiti ako at humarap sa kanya. Nakita kong bumuntong hininga siya.

Kathryn's POV

"Pwede mo bang ikwento sa akin yung naalala mo? Pwede mo naman akong sabihan eh. I'm your friend." Ngumiti siya at humarap sa akin. Bumuntong hininga na lang ako at tumungo.

"Lagi ko na lang kasing napapanaginipan 'to. I think it's a break up scene. Ako na daw yung nakipagbreak kasi ramdam ko na daw na ayaw na nung lalaki. Hindi ko makilala yung lalaki dun kasi blurred lagi yung mukha niya. Sobrang nasaktan daw ako nun. Mas pinili kong i-let go siya para maging masaya siya." Bigla na lang akong napayuko at nalungkot. Parang awang awa ako sa sarili ko doon. Alam kong mahirap yung pinagdaanan ko dun. "2 years na daw yung tinagal ng relationship namin nun. Pero nagulat na lang ako nung pinapili niya ako kung itutuloy ko pa yung relationship o hindi na. At dahil nga ramdam ko dun na ayaw na niya, naisip kong itigil na. At hiniling na lang na maging masaya siya kahit wala na ako."

DJ: "Hmm, malay mo naman may dahilan yung lalaking yun kung bakit ka niya pinapili doon."

"Hayyy. Pero alam mo, hindi ko alam kung bakit ko yun napapanaginipan. Never pa naman akong nagkaboyfriend eh."

DJ: "Ang weird lang." Ang weird naman talaga eh. Bakit kaya ako nananaginip nun kung hindi pa nangyayari sa akin "O baka naman, mangyayari pa lang sayo yun?" Tumingin ako sa kanya at nagulat siya ng nagdeath glare ako. Loko to eh! 

Ako: "Wag naman sana noh! Ang sakit kaya nun." 

DJ: "Joke lang naman." Sabi niya at tumahimik na kami. Tumingala na lang ako at pumikit. "Kath, tara na. Balik na tayo sa unit mo. Baka hinahanap na nila tayo."

Julia's POV

Naghahanap kami ng magandang puntahang resort ngayon. Balak kasi ng barkada na mag-outing kasi summer na. Tsaka kailangan naming sulitin ang bakasyon noh! Nang may nakita akong magandang resort sa may Boracay.

"GUYS! May nakita na akong magandang resort!" Sigaw ko sa kanila at napatingin naman sila sa akin.

Diego: "Saan?"

"Sa Regency Lagoon Resort." Sabi ko habang nakangiti. 

Yen: "Sa Boracay 'yan di ba?" Tumango na lang ako.

Kiray: "OMG! Ang ganda ganda kaya ng resort na 'yan! Pang mayaman pa."

Neil: "Maka-sigaw naman." Inirapan na lang siya ni Kiray.

"Kath! Okay lang ba sayo na sa Boracay tayo?" Sumigaw ako. Nag-aantay ako ng sagot pero walang nagsasalita. Pumunta ako sa closet niya pero wala siya dun. "Guys, nasaan si Kath?" Tanong ko sakanila. Pero mukhang walang may alam.

Diego: "Teka. Ang tagal namang bumalik ni DJ." Sabi niya na ikinabigla ng barkada. Nang biglang may pumasok. Si Kath at DJ. OMG. 

Kath: "Oh? Bat ganyan mga mukha niyo? Bat parang gulat na gulat kayo?" Confirmed. Magkasama nga sila. Patay.

"Ahh, eh, w-wala. Kath, okay lang ba sayo na sa Boracay na lang tayo?" Iniba ko na lang yung usapan baka kasi kung saan pa umabot yung usapan namin eh. Bumalik na yung ibang girls sa kama ni Kath at yung boys naman, tinuloy na lang yung pagpopoker nila. Tas si DJ, pumunta na sa mga boys.

Kath: "Oo naman! Teka. Anong resort ba pupuntahan natin dun?"

"Regency Lagoon Resort."

Kath: "OMG! Sige, gora ako diyan! Teka, kelan ba tayo pupunta doon?"

"Sa Monday pa sis." 

Kathryn's POV

Bumaba na kami ni DJ. Pagbukas ko ng pinto, nakita kong gulat na gulat ang barkada. Yung totoo, anong meron?

"Oh? Bat ganyan mga mukha niyo? Bat parang gulat na gulat kayo?" Para kasi silang tanga. Akala mo nakakita ng multo. Eh ang ganda ganda ko kaya tsaka ang pogi pa ng kasama ko. Hihihi. Ay ang landi ko. XD

Julia: "Ahh, eh, w-wala. Kath, okay lang ba sayo na sa Boracay na lang tayo?" Bat nauutal to? Ay Boracay daw oh! Game ako diyan. Gusto ko na ding pumunta dun eh. 

"Oo naman! Teka. Anong resort ba pupuntahan natin dun?"

Julia: "Regency Lagoon Resort." Seryoso? KYAAAAAAAAAAA! Go ako diyan! Ang ganda ganda kaya dun noh! (See pic on the right side)

Kath: "OMG! Sige, gora ako diyan! Teka, kelan ba tayo pupunta doon?"

"Sa Monday pa sis." Ahhh. Saturday nga pala ngayon. So it means, malapit na kaming pumunta doon! Excited na ako! :">

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 23, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Together Again [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon