KAHIRAPAN

3K 23 2
                                    

Nang tayo'y isinilang sa daigdigan,

Isinilang din ang ating kapalaran:

Ang mabuhay sa ginhawa't karangyaan,

O mabuhay sa dagok at kahirapan.

Ngunit karamihan sa 'ting mamamayan,

Iniluwal na katabi ang karukhaan,

Mula kabataan hanggang katandaan,

Kinikimkim ang sugat ng kapalaran.

Ito namang walang hiyang kahirapan,

Walang pinipili sa sangkatauhan,

Binibiktima pati ang bagong silang,

At kahit pa man ang umiinom ng skelan.

Wala ka na ba talagang kabaitan?

Binalot ka na nga ba ng kasamaan?

Alagad ka talaga ng kadiliman,

'Sang hadlang sa magandang kinabukasan!

Pwede bang mag-time out muna kahirapan?

Sawa na po kaming pinaglalaruan,

Lubayan mo naman kami kahit minsan,

At kahit pa sa isa segundo man lang!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 17, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

KAHIRAPANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon