"ANG MULING PAGTATAGPO" Part 4

8K 197 16
                                    

.

ONE NIGHT STAND

Chapter 4

"ANG MULING PAGTATAGPO"

Sa nerbiyos niya ay hindi siya naging maingat sa paglapag niya ng sandwich sa harap ng COO. Sumabit ang baso na puno ng juice sa nanginginig niyang kamay. Tumapon iyon hanggang sa mismong pantalon ni Drew.

"Ayyyy!" sigaw ng secretary.

"What the heck!" singhal ng nagulat na si Drew.

Salubong ang kilay niyang nakatingin sa baguhang si Markie.

Nanlaki ang mga mata ni Markie. Hindi siya kaagad nakakilos. Hindi niya alam ang kaniyang gagawin lalo pa't lahat ng empleyado ay nakatingin sa kaniya. Para bang sila ang natatakot sa maaring gawin sa kaniya ng kanilang si Sir Andrew. Kinakabahan ang lahat para sa baguhan ngunit guwapong-guwapong bagong Janitor at office boy nila.

Tumayo si Drew at umagos ang juice mula sa mismong tapat ng sa kaniya. Dahil doon ay bumalik sa katinuan si Markie. Dala ng magkahalong nerbiyos at pagkataranta, mabilis niyang hinugot ang panyo sa bulsa saka kisapmata niyang idinampi ang panyo sa mismong tapat ni Mr. Adonis.

"What the hell are you doing!" singhal ni Drew kasabay ng paghawak sa kamay ni Markie na may hawak ng panyo.

"I'm just trying to..." Napalunok si Markie sa mainit na palad ni Drew na humawak sa kaniyang kamay. Bumilis ang tibok ng kaniyang puso.

Natigilan din si Drew nang naisip niyang hawak na niya ang kamay ng guwapong bagong janitor nila.

Ang lahat ng kaniyang mga empleyado ay parang nanood ng isang teleserye.

Pigil hininga.

Naghihintay sa bawat pasabog na mangyayari.

"Get out!"

"Ho?" kunot ang noo ni Markie. Ayaw niyang maniwala na gano'n ang lalaking nakabiruan niya at nakatalik dalawang araw palang ang nakakaraan.

"Hindi ka ba nakakaintindi? I said, get out!" Malakas na inihampas ni Drew ang palad ni Markie na may hawak na panyo. Tumilapon ang panyo sa di kalayuan.

Kitang-kita ni Drew sa mata ni Markie ang matinding pagkapahiya ngunit hindi niya gusto ang nangyayari. Ang pagkapasok ng isang naka-one night stand niya sa kaniyang opisina. Hindi niya gusto ang ganoong tagpo. Para sa katulad niya, napaka- awkward ng pakiramdam na isa sa mga empleyado niya ang kaniyang nakalaro sa isang gabing naghahanap lang siya ng panandaliang aliw.

"I'm sorry, sir." nangininig na paghingi ng tawad ni Markie.

"Sorry? Iyon lang ang kaya mong sabihin? Get lost, you sloppy little bastard!"

Mabilis na nilapitan ni Stan ang noon ay namumula na sa pagkapahiyang si Markie ngunit taas noo lang itong nakipagtitigan sa kanilang boss.

"Lumabas ka na muna. Baka masisante ka pa niya agad." bulong ni Stan.

Yumuko siya. Pinigilan niya ang mapaluha. Ayaw niyanng paniwalaan ang naririnig at nakikita niyang kagaspangan ng ugali ni Drew.

"Excuse me sir." Garalgal ang kaniyang boses at tumalikod siya. Huminga siya ng malalim. Gusto niyang isiping matapang siya, matatag at hindi basta napapahiya ng kahit sino. Ngunit nang mga sandaling iyon, wala siyang lakas ng loob para ipagtanggol ang sarili. Hindi niya napaghandaan ang pagkikita nila ni Drew. Hindi ito yung pinangarap niyang mangyari. Malayo sa inaasahan niyang pagtatagpo nilang muli.

ONE NIGHT STANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon