Razee

17 1 1
                                    

NOTE:
(BEFORE READING, IT IS RECOMMENDED TO LISTEN TO DEAR DIARY BY BRITNEY SPEARS! ^_^ https://www.youtube.com/watch?v=VmblnRHPj_g. Credits to the creator of the image above.)

*****

June 20, 2000 (aged 17)

Dear Diary,


KYAAA!! Diary! Nakita ko na siya finally! Nakita ko na ang taong nakalaan para sa akin! Ang gwapo gwapo niya! Chinito! Cute! Cool! Ay! Basta! Basta! Kung makikita mo siya, baka himatayin ka sa kilig! Una ko siyang nakita sa ilalim ng Calachuchi tree kaninang umaga patungong eskwelahan! Kahit na late na late na ako sa klase, tumigil ako sa pagtakbo at tinitigan siya! Nag slow motion bigla ang mundo. Parang movie lang ang peg! KYAAA!! Ano ka ba, Diary?! Pinapakilig mo naman ako! I can feel it! SUPER! We are meant to be! Sana mapansin niya ako! Yan lang muna ngayon, diary.

XOXO

*****
June 20, 2001 (aged 18)

Dear Diary,


Isa na namang panibagong taon na makikita ko na naman siya. Thank God at nabubuhay pa rin ako hanggang ngayon! Gumagwapo ata siya araw-araw na nakikita ko siya. Simula na naman ng classes. Nakakatamad! Mas maiinspire sana ako kung pareho kami ng paaralan ni Crush! Ugh! Natandaan ko na naman na hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam ang pangalan ni Crush! Di bale. Malalaman at malalaman ko rin naman. Madalas ko na siyang nakikita ngayon! Pero nalulungkot pa rin ako na hanggang ngayon, hindi pa rin niya ako napapansin. Please, diary, tulungan mo akong mapansin ni Crush! Bibigyan pa kita ng 100 Pesos araw-araw! Ay! Wag nalang. Wala pala akong pera. Hehe! :( Crush, pansinin mo naman ako!

XOXO

*****
June 20, 2002 (aged 19)

Dear Diary,


Simula na naman ng klase. Sayang nga lang at hindi pa rin nag-eenroll si Thunder mylabs dito sa school namin! Hm? Sino si Thunder? Of course, no other than si Crush! At paano ko nalaman? Ugh! Wag mo nang tanungin! Gusto mo yatang bugbugin-- ay hindi pala--- sunugin kita eh! Mag-usap nalang tayo tungkol sa pangalan niyang napakaastig! Diba?! Tch! Okay fine. Sasabihin ko na! Narinig ko kasing tinawag si mylabs at isinigaw ang pangalan niya ng isang BABAE... na hinalikan siya... sa LABI! Oh ano! Nakakalungkot diba? Gusto ko siyang ipaambush, ipabatchoy, hiwahiwain sa maliliit na mga piraso at ipakain sa mga pating ng Pasig River--ay wala palang pating sa Pasig River-- hehe! Basta! Naiirita ako! But seriously, diary, nakakadepress. Unfair kasi! Bakit ang panget na yun nakakahalik sa mylabs ko?! Okay. Fine. OA na kung OA. Oo na! Maganda nga siya! Ako na ang judgmental! Hmph! Wala ka na dun! Mahal ko eh!


Tell me, diary, paano ba makakamove on sa taong hindi naman alam na nabubuhay ka sa mundong ito?

PS

Pakidalian ang sagot! It's urgent!

XOXO

*****
June 20, 2003 (aged 20)

Dear Diary,


DIARY!!! Good mood ako! Hindi pala este best mood ako ngayon! Bakit? Napansin ako ni mylabs! Oh diba! Upgrade! Aksidenteng nahulog kasi yung panyo ko tapos pinulot niya! Swear!!! Hindi ko sinasadya! Hindi ko alam na nasa likod ko lang pala siya kaya pala wala siya kanina sa ilalim ng Calachuchi tree. Sh*t! Ito na yata ang the best day---no-- the best 1st day of classes in my whole life! Praise the Lord! Hallelujah! Tapos! Tapos! KYAAA! Nagthank you ako at naghingi ng number niya habang may pag-asa pa. Naku naku! Kailangan na ng mga babae na maging aggresive! Dumadami na yata ang lalaking herbivore noh! Hahahahah! Yan ang tinatawag na diskarte. Siniswerte nga naman ako. Binigay nga niya sa akin at nginitian niya ako! Oh diba! Oh diba!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 03, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lihim na PagtinginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon