-------------------------------------------------
*ignore typo
*ignore wrong spelling
*ignore wrong grammars
*Just read the story
-------------------------------------------------
📍La Union
Jo's POV
Mag isa akong bumalik sa kwarto para pag palit dahil mag su²rfing kami nila ate mara, ate max, shane, at rey. Tutal palubog naman na ang araw nag desisyon kami na wag nang ipa bukas ang pag su²rfing. Maganda rin naman ang alon ng dagat. Ang magaling ko namang asawa ay nag paalam silang tatlo kanina na may pupuntahan lang saglit pero hangang ngayun ay wala parin sila. Kung 'di niyo alam hanggang ngayun ay hindi parin nag babago ang trato saakin ng asawa ko, minsan nga eh gusto ko siyang sampalin para magising o maisip man lang niya ang mga pinapadama niya saakin nitong mga nakalipas ng mga araw hanggang ngayun pero hinahayaan ko nalang dahil baka kung saan pa mapunta ang away namin.
Habang inaayos ko ang sarili ko ay nahagip ng mga mata ko ang repleksyon ko sa salamin at napansin ko ang mga malalaking stretch mark sa aking tiyan, dahan dahan ko itong hinahawakan.
Sobrang laki ng pinag bago ng katawan ko simula nang nanganak ako.
"Siguro ito ang rason bakit ganito ako tratuhin ni cols dahil nag bago na ang katawan ko. Pangit na ba ako? hindi na ba ako maganda sa mga mata niya gaya ng lagi niya sinasabi saakin noon?"
Hindi ko napansin na tumulo na pala ang mga luha ko mula sa aking mga pagod na mga mata. Habang pinag mamasdan ko ang aking sarili sa salamin ay biglang bumukas ang pinto kaya dali dali kong itinaas ang beach robe ko at pinunasan ko ang aking mga luha bago tignan ko sino iyon at nakita ko ang asawa ko na nakatayo sa tapat ng pinto hawak hawak ang kanyang telepono.
Palagi naman
Hindi ko nalang ito pinansin at nag madali nalang akong lumabas ng kwarto dahil alam ko naman na hindi niya rin akong papansinin, ayaw ko naman na nag mumukha akong tanga do'n kaya ako nalang ang unang iiwas.
Bago ako lumapit sa cottage kong saan sila ate mara ay nilabas ko muna ang maganda kong ngiti dahil ayaw kong masali pa sila sa problemang kinakaharap naming mag asawa ngayun kaya pilit kung ipinapakita at ipinaparamdam sakanila na ayos lang ako.
Kahit gustong gusto kong isumbong sakanila ang lahat lahat.
🐰:" yehey! anjan na si ate jo." masayang sabi ni shane habang tinuturo niya ang ako, may pa talon talon pa ito na parang bata. tumingin naman ang iba pang girls.
🐱:" 'bat ang tagal mo naman yata jo?"
"Sorry guys, kung pinag hintay ko kayu ng matagal, hehe." sagot ko naman ng makarating ako sakanila
🐶:" btw, You're so sexy naman mommy jo." pang aasar ni ate mara
"Nako nang bola ka pa ate" ngiting saad ko naman
🐶: "I'm not, What I am saying is true."
"oh sya, sige ate hindi na ako makikipag away." sabay tawa
Napansin ko naman na wala dito yung dalawa (🦊🐨) kaya tinanong ko sila.
"Nga pala, bakit wala pa ba sila miks ate mara?" tanong ko naman sa kanya habang inililibot ang tingin ko sinusubukang hanapin sila.
