Isang stuffed toy, baby version ito ng isang character sa isang Disney movie. Isang dragon. Pag nakita mo sobrang cute nito. Dito nagsimula ang love story nila.
"It took one look,
And forever laid out in front of me
One smile then I died
Only to be revived by you"
Kumakanta ang Parokya ni San Vicente. Isang banda na gawa gawa lang ng barkada ni Mikayla. Nakangiti siya ng pinapanood sila. Maraming humihiyaw, bakas na bakas sa kanyang mga ngiti ang pagkaproud sa mga kabarkada nya. Pumikit siya para damhin pa lalo ang malamig na boses ng kumakanta. It was the voice she has always loved to hear. It was enough. His voice was enough to take all her worries away and make her heart beat so fast. His voice was enough to awaken all the devils in her stomach without feeling any pain. She loved him. She knew, she did.
Unti-unting binuksan ni Mikayla ang kanyang mga mata at nahuli nya agad ang bokalista ng banda. Ang lalaking mahal nya.
"Now I know,
That I know not a thing at all
Except the fact that I am yours
And that you are mine"
Nakatingin ang bokalista sa babaeng nasa baba ng stage. Kaklase din nila ni Mikayla. Diretso ang tingin ng bokalista sa mata ng babae habang binibigkas ang bawat liriko ng kanta. Na para bang kanta nya ito para sa babae. Nag-iwas ng tingin si Mikayla, nagsimula ng mabahiran ng luha ang mga matang kanina'y punong puno ng kasiyahan. Tumalikod sya. Tinalikuran nya ang performance na matagal nya ng hinihintay. Hindi nya kaya. Hindi nya kayang tignan pa ng mas matagal. Hindi nya na kaya pang pigilan ang mga luha. Naglakad sya palayo. Palayo sa maraming tao. Palayo sa malamig na boses na kinahuhumalingan nya.
Dinala sya ng kanyang mga paa sa silid na nakalaan para sa org nila. Sinubukan nyang buksan ang pinto ngunit sarado ito. Marahil isinara para walang makatambay roon at ang lahat ay makisaya sa party. Napabuga sya ng malalim na hininga.
"Tangina naman, ba't ngayon pa?" Pinunasan nya ang mga luha na kanina pa tuloy tuloy ang agos.
"Mikayla" Pinunasan nya ng maigi ang luha at humarap at ngumiti sa kanyang org adviser. "Paki-kuha naman yung token natin para sa band hindi daw makita ni Annie." Tumango lamang sya at sumunod. Event nya ito, kaya siya ang talagang nakakaalam ng lahat, natural na sya ang utusan.
Nung nakuha nya na ay bumalik sya sa kanyang adviser, "Ikaw na ang magbigay, Mikayla. Kakausapin ko pa ang DJ eh." Ayaw nya, pero si Mikayla sya eh, kaya hindi nya iyon sinabi imbis ay summunod na lamang sa inutos sakanya.
Hinahanap nya ang mga kabarkada pero may biglang lumalapit sakanya, "Kaye."
Hindi sya natutuwa nais nyang sumugod dito at sapakin batukan sipain lahat ng pwedeng pananakit dahil gusto nyang iparamdam ang sakit na nararamdaman nya ngunit di nya ginawa. "Uy, Joseff."
"Eto sainyo daw yan, galing nyo kanina!" Ngiti nyang peke. Pero hindi napansin ni Joseff.
Tinanggap ni Joseff ang token na binigay niya. "Seff!" Pareho silang napatingin sa tumawag. Ito yung babae kanina. Si Nina. Ngumiti lang si Mikayla kay Seff at nagbantang aalis na.
Dumiretso siya sa banyo at pumasok sa isang cubicle. Hindi nya alam kung ano ang dapat sisihin. At kung bakit kailangan nyang makita ang lahat ng iyon. Hindi sya aamin. Wala sa plano iyon. Alam ng Diyos na wala syang gagawin na paraan at hahayaan ang lahat sa kamay ng tadhana. Pero bakit nya kailangan pang makita yun at mas masaktan pa. Pinaubaya na nga nya eh. Okay na sya sa pagiging kaibigan.

BINABASA MO ANG
Ang Kwento ni Toothless
Cerita PendekIsang dragon na laruan ang kaya pala maging simbolo ng simula at simbolo ng paglalim ng pag-ibig.